Chapter 2

121 1 0
                                    


AKALA ni Port ay hindi na matatapos ang parusa ng tigre sa kanya. Ngunit maya-maya lang ay bigla itong huminto. Sa kabila ng pananakit ng katawan na nakasentro sa kanyang pagkalalaking tila binasag ng babaeng ito, narinig niya ang hingal ng babae. Lihim siyang nagpasalamat na huminto na rin ito. Kahit hindi pa rin makatayo, nagkaroon naman siya ng pagkakataong hamigin ang sarili. Damn! Kapag naging baog siya, pagsisisihan ng babaeng ito ang ginawa nito sa kanya.

Nang unti-unting humupa ang sakit na literal na nakapagpauklo sa kanya ay lakas-loob na sinipat niya ang babae. Hindi nito napansin na nakatingin na siya rito dahil tila preoccupied ito sa pag-iisip. Sapat na ang nakalarawang kalituhan sa mukha nito para masabi niya iyon. Noon din ay natanto niyang hindi ito masamang tao. Na kahit sinaktan siya nito basta-basta, may konsensiya pa rin ito, patunay na ang ekspresyon nito, lamang ay tila iba ang galit nito sa mga lalaki. Kahit hindi nito sabihin sa kanya na may pagka-man-hater ito, sobrang ebidensiya na ang mga nasabi nito sa kanya habang pinapaulanan siya nito ng suntok, sipa at kalmot.

Then it hit him. Ito siguro si Jeanee Santos! Ang anak ni Arnie Santos. Dahil sa kaalamang iyon maraming tanong niya ang nasagot tungkol sa babaeng ito.

"Leave! Get away from this island! This is our home!" tili nito sa kanya.

Napatitig siya rito. Napakaganda talaga nito. Lalo na ngayong namumula ang mukha nito. Hindi niya alam kung bakit nagagandahan siya rito sa kabila ng galit na nakikita niya sa mukha nito. Galit na alam niyang para sa kanya. Kailan pa siya natuwa sa galit ng tao sa kanya? Never. Pero sa babaeng ito, parang kahit anong gawin nito ay ikinatutuwa pa niya. Shit. Kahit ang ginawa nitong pantutuhod sa kanya. Normal lang ba ang nararamdaman niya? Na imbes na magalit sa babae, kasabay ng paghupa ng sakit ng pagtira nito sa sentro niya ay ang agad na pagkalimot niya sa galit dito?

"Get lost, monster!" singhal ulit nito. Nanlilisik na ang mga mata habang nakayuko sa kanya.

Saglit na napaisip siya. Hindi tamang dahil sa atraksiyong nararamdaman niya rito ay hahayaan na niya ang sariling magmukhang katawa-tawa. Sa naisip ay nanlilisik ang mga mata niya nang salubungin ang titg nito. Bahagya itong napaatras. Kitang-kita niya ang takot sa mata nito, para ngang gusto na nitong tumakbo palayo roon. But she stayed put. He knew why. It was because of her pride. Hindi nito gustong umalis dahil alam nilang pareho na teritoryo nito ang lugar, siya ang dayo.

"What?!" singhal nitong muling ibinalik ang balasik sa mukha.

Itinabi niya ang naramdamang paghanga rito. Baka kapag nalaman nito ang iniisip niya ay mamuhi na ito sa kanya. "Damn it, woman! Kapag hindi ko naparami ang lahi ko, ikaw ang magbabayad nito! Ibibigay mo sa 'kin ang mga anak mo, okay!" singhal niyang nanatiling nakauklo.

Napangiwi ito. Kitang-kita pa niya kung paanong ang galit sa mukha nito ay napalitan ng pagpipigil ng tawa, maski ang takot sa mukha nito ay basta na lamang naglaho. Napansin ba nito ang pagiging masuyo ng tinig niya? Sa kabila kasi ng pagsasabi niya sa sarili na dapat niyang ibangon ang pride, hindi pa rin niya magawang tuluyang maging katakot-takot ang tinig niya. "You can't have my childrens, you know. Dahil wala akong balak magkaanak." Singhal pa rin nito ngunit unti-unting nawawala ang balasik sa tinig.

Natigilan siya. Hindi mapigilang mapatitig dito ng mataman – dahilan para muli itong mapahakpang paatras - hindi niya maiwasang titigan ito lalo na at nawala ang balasik sa mukha nito. Kung kanina ay napakaganda na nito nang galit ito, mas lalo pala itong gumaganda kapag mahinahon na ang itsura nito. Ngunit maya-maya lang ay bumalik ang inis sa mukha nito. Kapansin-pansin din ang pamumula ng mukha nito at paglarawan ng bahagyang ilang dito.

Gusto niyang alisan ang ilang nito, kaya pinili niyang pagaanin ang tono niya. "Sayang ang lahi mo. Aw, damn. I shouldn't feel any kindness towards you. Ikaw ang may kasalanan kapag naputol ang lahi ko, pero heto ako, pinupuri ka pa? Really, naalog mo nga ang mundo ko."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Full Moon DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon