Epilogue

2K 30 0
                                    

Napakagat ako sa labi ko. Napasandal ako sa malamig na dingding habang nakapikit ng mariin. Napahawak ako sa aking tiyan. Nanhihilab na naman ito. Pinipigilan ko lang na hindi mapaiyak sa sakit. I was having a labor but our private nurse-midwife told me to relax and just breath normally.

Anim na oras na akong nagle-labor pero hindi pa'rin lumalabas yung baby. Habang sinasalo ko yung sakit ay iniisip ko na hindi talaga muna ako magpapabuntis agad kapag makapanganak ako.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kama pero agad akong inalalayan ni Uggo nang makalapit siya sa akin. Hindi ako umupo sa kama kundi sa sahig at iniyuko ko ang ulo sa kama.

Uggo stroked my back while I was tending the pain. Hindi ko alam kung anong oras lalabas ang baby. Gusto ko na siyang lumabas para mawala na yung sakit. Hindi ko na kasi kaya pa. I growled as my hips squeezed by the pain excruciatingly.

"You can do this. I'm always here so you have nothing to worry about." sabi ni Uggo habang tinitiis ko yung sakit.

"Ang sakit na nito, Uggo." I moaned.

"I don't know how much pain you're enduring right now, but I know you can make it." sabi niya.

"Hindi ko na kaya." Nahihirapan kong sabi.

"It's okay. Nandito lang ako." sagot niya.

Nandito kami ngayon sa isang guest room na hindi masyadong marami pa yung gamit. Kasama namin yung mga midwife na hinire ni Uggo para dito na ako makapanganak. Sa tubig ako manganganak dahil hindi ko kayang maglakad pa papunta sa baba. Ang laki kasi ng tiyan ko at ang sakit ng mga paa ko. Kung buhatin ako ni Uggo papunta sa baba ay delikado dahil ang bigat na'rin ng tiyan ko at sigurado akong mahihirapan siya.

"Hindi pa ba pwede?" tanong ni Uggo sa isang midwife.

"Nasa four cm palang po siya, sir." sagot nito.

Malalim na humugot ng hininga si Uggo at hinimas lang ang likod ko. Sa sobrang sakit ng tiyan ko ay lahat nalang ay masikip. Kahit yung suot kong sports bra ay masikip na sa aking dibdib. Parang gusto ko nalang na hubarin ito. Para akong magiging lobo na gustong punitin lahat ng sagabal sa katawan ko, pati nga yung balat ko ay gusto ko nalang punitin.

Lumapit sa akin ang isang midwife at chineck ako. Ang tagal kong manganak. Gusto ko nalang na ilabas nalang ng sapilitan itong baby. I knew we're waiting for her but I wanted her to come out from my body. Masyado na akong nahihirapan.

Mas lalong tumatagal ay mas lalo akong namimilipit sa sakit. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nang humilab ang isang malaking alon ng sakit ay doon na sumabog ang panubigan ko. Agad na akong dinala sa isang maliit at bilugan na pool.

Inalis ang suot kong underwear at hinanda na ng mga midwife ang lahat ng gamit na inilagay namin sa aparador gaya ng towel. They also wore white gloves. Pumwesto na si Uggo sa likod ko at hinimas ang braso at ang hita ko. The baby was moving actively in my body. Parang gusto na talaga niyang lumabas.

"I love you." bulong ni Uggo sa aking tenga mula sa likod ko.

Pina-ire ako ng midwife. Umire ako pero hindi yung tipo na sisigaw hanggang sa mapagod. Inipit ko lang ang boses ko dahil ayokong sumigaw.
I kept on pushing and pushing. I was so exhausted and I never knew what's going to happened. Yung pawis ko ay tumutulo na sa aking noo at sa aking leeg, si Uggo naman ang siyang nagpupunas sa akin saka hinihimas ang braso ko.

Parang iniwan ako ng kaluluwa ko nang mailabas ko ang baby namin ni Uggo. Sa wakas ay narinig ko rin ang iyak niya. Para din akong nalantang gulay, ang lambot ng braso at ang ibang parte ng katawan ko.

Binigay sa amin ang baby na binalutan agad ng puting tela at lahat ng inalala ko noon ay natanggal lang sa isang iglap. I finally had my baby with me. Napatingala ako kay Uggo sa likod ko at agad kong sinalubong ang isang tingin na puno ng pagmamahal at paghanga.

Uggo (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon