Here With Me

6 3 0
                                    

I don't care how long it takes
As long as I'm with you
I've got a smile on my face
Save your tears and be okay
You're here with me♪⁠♪♫


"Babe tara na aalis na yung bus!" sigaw ko sa kanya. Tinanggal ko 'yong isang headset na nakakabit sa tainga ko.

"Coming!" Napangiti ako sa pasigaw niyang tugon sa akin.

Kita ko na siyang patakbong nakangiti patungo sa akin. Ngumiti ako pabalik sa kaniya.

"Let's go?" sabi niya sa akin na may ngiti sa labi.

"Let's go" Inakbayan ko siya tsaka naglakad papasok sa bus.

Makalipas ang ilang oras na biyahe nakarating na kami sa destinasyon namin. Ang pinaka-paborito kong lugar na puntahan. Ang Mount Apo.

"Babe alam mo kanina ka pa naka-headset diyan. Hindi mo naman ako pinapakinggan kanina pa." Nilingon ko siya dahil sa mataas na tono ng salita niya.

Pinatay ko 'yong tugtog sa cellphone ko tsaka marahan siyang hinarap. Salubong na 'yong kilay niya't hindi siya nakatingin sa akin.

Heto na naman siya. Nagtatampo, todo suyo na naman ako nito ngayon. Mga babae nga naman.

Tinanggal ko na rin 'yong headset na nakakabit sa tainga ko. Tsaka siya pinaharap sa akin. Nagsimula nang mamula ang ilong niya. Paiyak na 'tong isang 'to.

"Eto naman oh. Nakikinig naman ako sayo eh. Hindi ko lang talaga sinayang 'yong oras na abalahin ka sa pagdadaldal okay?" Hinawakan ko 'yong balikat niya tsaka siya pinaharap sa akin.

"Oh 'ta mo umiiyak kana naman. Sorry na" umiwas siya ng tingin sa akin. Humagulgol siya bigla at yumuko.

Alam ko kanina niya pa 'to pinipigilan. Alam ko na hirap na hirap na siya sa sitwasyon namin. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko siya kayang pakawalan. Mahal ko siya pero bakit ganon? Hindi ko maibigay 'yong dapat at deserve niya?




FLASHBACK

"David, sabihin mo sa akin na napipilitan ka lang din diba?"

...

"Mom and dad told me that you have brain cancer. At mga one and half year kana lang dito sa mundong 'to."

...

"Maraming dahilan kung bakit ako pumayag sa kasal natin. Ang hindi ko lang alam bakit ako? May desisyon ka naman eh. Ang sabi mo sa akin noon na wala akong kwenta't patapon. Pero bakit mo ako pinulot? Kapaki-pakinabang naba ako ngayon?"

...

"Kasal na tayo, pero hanggang ngayon wala parin akong idea kung bakit parang hindi."

...

"Habang buhay ba talaga tayong magpapanggap na nagmamahalan tayo David?" she directly look at my eyes while saying those words.

I see the pain and how broken she was, in her eyes.

But among all of this. There's heartaches and dying inside that I must hide.

I love her so much not like what she thinks about my feelings. It's my feelings love her so much.

"Mali ka Catherine. Dapat habang nabubuhay pa ako. At mali ka rin kasi hindi ako nagpapanggap. I love you since the day I saw you smiling." kita ko ang gulat sa mga mata niya. Ang lungkot at pagdaramdam na namumuo sa kaniyang mga mata ay napalitan ng kakaiba.

Compiled Thoughts in a One PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon