"Mayla anong ginagawa mo riyan sa bangin?" napalingon ako sa biglaang nagsalita sa likuran ko. Boses iyon ni Kisha, kaya napangiwi ako dahil dito.
"Kung ano man 'yang binabalak mo please wag mo nang ituloy. May mga nagmamahal pa sa iyo na handa kang damayan sa kung ano mang problema na meron ka ngayon." pagmamakaawa niya ulit sa akin. Subalit napaka-plain lang ng tono niya dahilan upang matawa ako sa aking isipan.
"Salamat ha at damay pala ang tawag ninyo dito." mapait kong sabi sa aking isipan.
Seryoso ko siyang tiningnan. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso kaya napangiti na ako. This is what I mean na gusto kong makita ang reaksyon niya.
"Bakit ka na ngiti? Please halika na. Hawakan mo ang kamay ko't umalis kana riyan." patuloy lang ako sa pang-ngiti't hindi pa rin siya makatingin ng diretso sa mga mata ko.
"This is bullshit. Nagpapanggap na concern at handang dumamay sa harap ng target nila." muli kong banggit sa aking isipan.
Hindi ko iwinala ang ngiti sa labi ko. Maging sa pagsasalita'y nagawa ko pa ring ngumiti sa harap niya.
Sasabayan ko nalang siya sa ka-tarantaduhang pinapalabas niya. Ayaw kong mapahiya siya't malaman agad na alam ko na pala.
"Gaga tatae lang ako. Alam mo namang takot ako sa magubat na lugar. Kaya dito ko napiling tumae. Tsaka hoy! Ang sabi mo may mga handang dumamay sa akin at alam kong kayo iyon. Kaya ano pa ang hinihintay mo halika na samahan mo 'kong tumae dito." nakita ko ang gulat sa mukha niya.
Na s-sense ko ang ka-plastikan na tugon niya. Pinipilit niyang sabayan rin ako sa sinabi ko kanina.
"Eww kadiri! Akala ko kasi masama ang loob mo sa amin kaya naisipan mong tumalon riyan. Yun pala ang tiyan mo ang sumasama." pinilit niyang matawa.
Ngayon ko lang nalaman na ang weird pala makipag -kaibigan sa mga taong psychotic ang isipan.
"Diyan ka na nga muna't tatawagin ko muna sila Drake, Ace, Ry tsaka Aisha." dagdag niya pang sabi nang may pekeng ngiti.
Tinalikuran niya na ako't tuluyan nang umalis sa kinatatayuan niya.
Napangiwi ako sa dahil dito. Akala ko pa naman kahit anong mangyari o saan ako tutungo ay sasamahan niya ako? Nila ng tinuring kong kaibigan Pero bakit iniwan niya lang ako dito? Bakit wala sila? Noon pa ba nila balak na gawin ang brutal na pangyayaring ito? I was just testing her if she would literally join me wherever I go and whatever I'd do. Pero hindi. Talagang pinapakita niya lang na guilty siya. Hindi. Wala na palang guilty na dumapo sa puso nila. Puro inggit at pagkamuhi na lamang ang meron sila ngayon. At hindi na iyon magbabago.
"Patawad Kisha dahil nagsinungaling ako sayo. Mawawala ako sa mundong 'to na masaya kahit binigo mo ako." bulong ko sa kawalan.
Kisha was my closest friend among all. Sinasabi ko lahat sa kaniya at parang magkapatid na kami sa sobrang close namin. Ang hindi ko lang matanggap. Ay kung bakit hindi niya ako ipinaglaban sa harap ng panganib kong kakaharapin.
I closed my eyes and let myself fall into the cliff. This is the saddest and hurtful scene in my life. I hope my last seven minutes memory recall was the best in most happiest ever. Para kahit sa huling ala-ala man lang ay masaya ako.
"Maylaaa!" sabay nilang sabi. Nakapikit ako habang dahan-dahang ngumiti ng mapait. I know you won't regret this guys. May your soul and mind will be contented from now on.
Nakakatawa lang isipin na palagi silang nahuhuli sa kahit anong bagay. Mapa-achievements na nagawa ko o pagche-cheer up kapag down ako. Hindi ko na talaga iminulat ang mata ko natatakot kasi akong baka makita ko ang katotohanang balak talaga nila ang lahat ng ito.
FLASHBACK
"Guys we need to make her believe that we really consider her as a friend." mahinang sabi ni Kisha.
"Yeah at para naman mapagtagumpayan natin ang tunay nating plano sa kanya. Pa-angat siya nang pa-angat. Kung sa sasakyan pa ay nang-oovertake siya." mariing sabi ni Ry.
"Oo nga kung noon ikaw Ace ang top one. Habang ako naman ang top two. Pero ngayon shit! agad-agad siya na ang nangunguna?" nagpipigil na sabi ni Aisha. Kita ko ang pagbabagang ng kaniyang panga. Nakakatakot ang mga awra nila ngayon. Tila isang bangis na hayop na gustong lumapa ng walang kalaban-laban na pa-in.
Tumago ako sa likod ng pintuan dahil napa-lingon bigla si Drake, kung saan ako nakatayo. Kinabahan ako sa mga naririnig ko. Nanlulumo at parang hindi ako maka-paniwalang may binabalak silang masama sa akin. Aalis na sana ako dahil hindi ko na talaga kaya kung ano pa ang maaring marinig. Subalit huli na ang lahat.
Narinig ko na ang pinaka-huling magsasalita. Kahit pa siguro kapag kasali ako sa pag-paplano diyan ngayon. Siya talaga ang taga-tapos ng plano.
Pero iba ngayon dahil ako ang pinagplanohan nila at mukhang ako ang matatapos.
"So, I think you should know about this. 'Cause it seems like ito naman talaga ang ending ng plano. We need to get her lost in the jungle and if ever she wouldn't, we'll kill her." kalmadong sabi ni Drake.
END OF FLASHBACK
Five months later...
"Let's give a hand of applause! Our Suma cumlaude Mayla Venice Sotto." narinig ko ang malakas na palakpakan.
Kasabay ng paglakad ko sa malawak na daan ng stage. Ay siyang sabay na pagpatak ng maraming luha sa aking mata.
Hindi ako tumalon sa bangin upang magpakamatay. Ito ay upang iligtas ko ang sarili ko. Dahil gusto kong ipamukha sa kanila na hindi ako ganoon ka babaw upang magpatalo at apihin.
May dagat sa baba ng bangin at marunong din akong lumangoy kaya nagawa kong mailigtas ang sarili ko. Pero may natamo rin akong mga sugat no'n at one week pa bago ako makalabas sa ospital.
Sapat ang mga ebidensya ko para mapakulong silang lahat. Dahil nakuhanan ko iyon ng video gamit ang camera na dala ko. Waterproof din ito kaya hindi siya nasira no'ng tumalon ako.
Ang akala nila nagpakamatay talaga ako. Ngunit ang hindi nila alam ay gusto kong mabuhay kaya ko ginawa iyon.