"Hiniwalayan niya ang karelasyon niya kahit six years na naging sila for money? Aba'y gago pala talaga 'yan Franco na 'yan. Tapos nanloko pa at nanggamit ng ibang babae para mas may bisa ang hiwlayan? Ang samaaaa!" Gigil na wika ko habang tinutusok-tusok ng tinidor ang mukha niya ng tinidor sa magazine.
"There's a deep reason behind daw eh. Fixed marriage? Yun daw eh. " dugtong pa ni Karen.
"Fixed marriage? Nako, boysit talaga yan. Kahit noong nasa college palang kami. Kating-kati na akong upakan yan."
Natawa si Karen sa gigil na inaasal ko. "Ang sabihin mo, crush mo siya nung college at hindi ka makadeny kasi nabasa niya yung diary mo. At yung mas nakakahiya? Nagtrending sa buong campus. Pa-hate style, inalababo din pala."
"Excuse me?! Hindi kaya siya ang Franco na tinutukoy ko dun? Duh? Hindi lang ako nabigyan ng pagkakataon mag-explain kaya ganun."
"Well. "
Ilang sandali ay tumunog ang cellphone ko at mabilis ko naman itong sinagot. It's my mom, and everytime she call? Magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko.
"Hi, Mom." Sagot ko.
"Go home now. We have to talk. " tanging wika nito at pinatay ang cellphone,
"I have to go. See you tomorrow. Goodbye." Mabilis na humalik ako sa pisngi ni Karen at sumakay na ng sasakyan ko.
"What the hell are you doing here?!" Gigil na tanong ko ng makita ko si Franco Sebastian na nakatayo sa kotse niya sa harap ng bahay namin.
Gumuhit ang mga ngiti sa mapula at manipis niyang labi. "We're going to be husband and wife now, Eliz. And you can't do anything about it. I mean, We can't do anything."
"Anong fixed marriage?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Dahan-dahan siyang lumapit sakin at hinaplos aang pisngi sabay ngiti. "Wala tayong magagawa. Kailangan ng mga grandparents natin ng apo. And tayo lang ang mga nag-iisang apo. Kaya walang ibang magbibigay."
"What?! No way. Sayo?! Bahala ng mamatay akong virgin, tang ina naman!"
Kung gaano ako kagalit siya naman ay tila tuwang-tuwa pasa inaasal ko. Mabilis na pumasok ako sa bahay namin at mabilis na tinungo ng opisina ni Mommy.
"Mom-"
"I guess na-explain na ni Franco ng lahat. I have nothing to say. Go out with him." Anito sabay walk out.
"Mom- you can't do this to me! Bata pako to get married and I don't want to get married with someone I don't love!"
Hinarap niya ako. "Your Lola is dying. She wants to see you getting married with Franco. And bare a child with him. And for the sake of our company, Eliz. Ang partnership ng grandparents ninyo ang nagpapanatili sa tagumpay ng kompanya. And of course para mas mapatibay ng partnership? Kailangan ng genes ng both side para may magpagpatuloy ng kompanya kahit wala na kaming lahat. We are a product of short family kaya sorry anak. You have to do this."
Napanganga nalang ako. What? No way. This can't be happening. Ilang sandali ay tumunog ang cellphone ko at isang hindi ko kilalang number ang tumatawag. Sumagot ako.
"Hello?" Wika ko pero galit ang tono.
"Come down. Ayoko ng pinapaantay." wika ng isang pamilyar na boses ng lalake, sumilip ako sa bintana at nakita ko ito na nakatuon ang cellphone sa tenga niya. It's him. Ang kapal! Ayaw pa na pinag-aantay. Pwes! Manigas ka diyan!
Tumungo ako sa kwarto ko imbis na sumama sa kanya. Agad na hinubad ko ang mga damit ko at tumungo sa cr. Napakakalat ng kwarto ko. Kahit ang mga damit ko na bagong hubad ay nakakalat din sa sahig. Naghuhubad na kasi ako habang naglalakad patungo sa cr. Hehe. And hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil napakabusy kong tao na halos hindi ko na malinis ang sarili kong kwarto.