"Oh my gosh!!" Gulat na gulat na as in hindi makapaniwala si Karen sa ikwenento ko sa kanya tungkol sa issue ng fixed marriage nila ni Franco. Natawa siya ng napalakas na halos pagtinginan na kami ng mga tao sa loob ng restaurant. Sinabunutan ko siya ng di kalakasan.
"Ano ba? Ba't tawang-tawa ka pa ngayon?"
"Eh kasi naman Elizabeth, kamakailan lang chinichismis natin yang Franco na yan. Ang bilis talaga ng karma. Akalain mo, yung kinamumuhian mo at lagi mong chinichismis na si Franco ka pala mapupunta. So ano? May nangyari na ba sa inyo?"
Pinektusan ko siya. "Muntik na." Sagot ko.
Natawa siya ng di kalakasan na para bang gusto niyang tumalon sa mga oras na iyon. "You mean, you kissed? Oy aminin mo, hindi ka makahindi no? Hahahaha." Usisa pa niya habang inaasar pa ako lalo sa tawa niya.
"Ewan ko nga ba. Bakit nga ba ako nagpababoy at hayaang halayin nun? Ayy!! Naiinis na ko sa sarili ko." Gigil na wika ko.
"So ang kwento ay parang hiniwalayan ni Franco ang girlfriend niya na nakarelasyon niya, for you! In short, mas bet ka niya girl! Hamakin mo? Sabik na sabik kang anuhin eh no? Hahaha."
"Alam mo ang sarap mo ding ipadispatya minsan? Wala na kong matinong makausap. Nababaliw nako talaga."
"Eliz, total nasa ganyan naman kayong sitwasyon sakyan mo nalang. Total may kasunduan naman kayo diba?"
"Pero bakit pati sa pangangailangan niya?!"
"Ano kaba? Gagawin niyo talaga iyon kasi kailangan niyong magkaanak. Duh?? Atsaka, ang hot kaya ni Franco girl. Kahit sino hindi makakaayaw dun, haha. Kahit ikaw nga diba? "
"Patigasan nalang to ng ulo. Kahit mismomg future ko nakasalalay dito. Hay."
Ilang sandali ay nararamdaman ko ang humalik sa pisngi ko. Nakangiting nanlaki ang mga mata ni Karen when she saw Franco. Halatang gustong-gusto niya rin ang nangyayari sakin. Nako naman, -_-
"How did you know na nandito ako?" Nagtatakang tanong ko.
Hindi niya ako kinibo. "I'm sorry, Karen. Kailangan na naming umuwi eh. Bye. " anito kay Karen. Nakangiting tumango lang ito.
Sinundo niya pala ako kasi malakas ang ulan. Hindi ko alam kong pano niya nalamang nandito ako. Mabilis na pumasok kami sa sasakyan. Inayos niya ang seat belt ko at sinimulan niyang I-start ang sasakyan.
"Where are we going?" Tanong ko.
"Sa bahay niyo. Pinapatawg tayo ng lola mo."
Nasa labas na kami ng pinto ng bahay namin. Ilang sandali ay dahan-daha niyang inabot ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Oh my gosh,
"Let's pretend na parang in love tayo sa isa't-isa. Okay?" Wika ng malamig niyang boses. Napatango lang ako. Sa wakas ay pumasok na kami. Agad na tumungo kami sa dining room kung saan Masayang-masaya ang mga lola namin ng makita kami. Pinaupo niya muna ako at sumunod siyang umupo sa tabi ko,
"You look so perfect together!" Wika ni Lola Julie, lola ni Franco. Ngumiti lang ako, kahit halatang hindi naman talaga kami bagay.
"So kamusta ta na ang relasyon niyo bilang engaged couple? We know how much you like each other even before. Kung ako sa inyo, start making our grandchild para mas mabilis diba?" Wika naman ng lola Kisme ko. Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya.
"Of course lola, we working on it." Wika ni Franco! Nanlaki ang mga mata ko pati na rin sina lola sa sinabi niya. Shhhh*t nakakahiya! Sabay silang nagtawanan at ako naman ay sabay na bumagsak ang balikat.
"Hija, from now on doon kana titira sa bahay ni Franco. You will live together now." Wika ng lola ko. Tuluyan na akong nabulunan! What!?? No way!
"La, were not yet married! We can't live with the same roof!" Inis na wika ko. Holy Cow, bulong ko sa sarili.
