PI.1

9.6K 111 7
                                    

Totoy's Note: Maaring mag-komento ng kahit ano basta mainspire nyo ako para makasulat ng MAHABA.

Ang kwentong ito ay dedication ko sa lahat ng mambabasa ng mga boyxboy stories. Thank you po.

***

SIMULAN na ang KWENTO!

Ako si Ryan Marcus. Kilala ako sa amin dahil sa angking kasipagan.

Katulong ako ni mama sa palengke. Ako ang taga-buhat ng aming paninda. Halata naman sa batak kong katawan kahit hindi ako tambay sa gym.

Apat kaming magkakapatid. Panganay ako at ang sumunod sakin ay babae, si Rebecca nag-aaral ng 1st year college. Ang pangatlo naman ay si Rose Ann, 3rd year h/s. Ang bunso naman ay si Ray David, Grade V palang siya.

Simula ng iwan kami ng tatay, ako na ang nagtayong ama sa kanila. Hindi ko natapos ang sekondarya, 4th year high school na sana ako ng huminto ako sa pag-aaral. Nakita kong hirap kaming itagayod ni Mama kaya huminto na lang ako para makatulong kahit papano.

Isang kahig, isang tuka lamang kami. Kaya, di dapat huminto sa pagtatrabaho. Kaya ito ako ngayon kahit pagod kinakaya.

Sa umaga katulong ako ni Mama sa palengke. Meron kasing pwesto si Mama sa palengke. Sari-sari ang aming paninda. Mayroong gulay, isda at karne.

Si Mama ang nakatuka sa mga gulay at isda, samantalang ako ay sa karnehan naman.

Minsan, nagsasideline din ako sa pagtatrabaho. Nagiging labor ako sa construction site. Minsan naman, tumutulong sa pagliligpit sa paninda kapag nasara na sila. Ito kasi ang alam kong paraan para makaipon ng pera.

"Ayan na si Yummy ko!" kinikilig na sabi ni Berto. Anak siya ni Aling Aida at Mang Roberto. Isa siyang bakla at nagbabantay rin sa pwesto nila.

Yummy tawag sakin ni Berto kapag wala ang mga magulang niya. Tanggap si Berto sa pagiging bakla niya kaso nga lang bawal lumandi kapag nasa harap niya ang kanyang magulang.

"Hi" bati ko sabay ngiti sa kanya. Kinilig na naman siya. Ang alam ko crush ako nun, pero sabi ko sa kanya na ok lang magka-crush siya sakin basta wag lang siyang umasa talaga.

Buti naiintindihan nya naman. Mabait kasi.

Nandito ako ngayon sa pwesto namin para maihanda ang mga paninda. Suot ko ang maong kong pantalon na may punit sa magkabilang tuhod. Naka-sando lang akong fit kaya naman tulala si Berto ng makita ako.

"Sarap talaga ni Yummy ko, laging dala ang kanyang pandesal", sabi ni Berto.

Natawa nalang ako sa kanya. Sanay naman ako sa mga bola nya saken.

"Haha ikaw talaga Berto kaaga-aga madumi ang iniisip mo", sita ko sa kanya pero nakangiti pa rin.

"Hindi ka naman mabiro Yummy Ryan, pero masarap talaga yan", sabay turo sa aking katawan.

"Loko! Isumbong talaga kita kay Mang Roberto", pananakot ko.

"Eeehh naman! Wag naman ganyan!", sagot niya.

Ngumisi na lamang ako.

Natapos kong maihanda ang paninda saka naman dumating si Mama galing sa bahay. Inasikaso nya muna kase ang aking mga kapatid para pumunta na sa kanilang school. Kaya, ako ang nauunang pumunta dito sa palengke para maihanda na rin.

Pumewesto na ako sa may karnehan. Magkatabi lang ang pwesto namin ni Berto. Kaya madalas si Berto ang nakakausap ko sa tuwing walang nabili.

"Yummy, wala ka bang balak mag-gf?" seryosong tanong nya.

"Bakit mo naman naitanong yan?" Pabalik kong tanong.

Sa totoo lang, wala talaga akong GF kahit maayos naman hitsura ko. Wala talaga o ayaw ko lang talaga?

"Look yummy, super hot mo, napaka-sarap ng katawan mo tsaka a-ayaaaan", sabay turo sa baba ....alam kong malaki yan pero bakit wala kang balak mag-gf?" eksplenasyon niya.

"Haha loko ka talaga Berto, e sa ayaw ko pa! Saka kung magkaka-gf man ako, for sure hindi ko siya maasikaso", sagot ko.

Pamilya ang priority ko sa buhay. Gusto ko kasing mabigyan sila ng magandang buhay.

"Sabagay ang sipag mo nga e' pero try mo kayang syotain si Marta, patay na patay yun sa'yo diba?"

Si Marta yung anak ng may-ari ng pwesto namin. Siya yung naniningil kada buwan.

"Loko! Ayaw ko dun! Mayayari ako sa nanay nun", sabi ko.

"Bakit? Mabaho ang pekpek?" sabay hagulpak na tawa.

Magkalaban kasi si Marta at Berto. Laging inaasar ni Berto si Marta. Kaya ganun ganun nalang ang mga binibitawan salita ni Berto.

"Hahaha ang sama mo talaga pagdating kay Marta", sabi ko. Di ko tuloy maiwasan tumawa!

"Totoo naman sinabi ko ah! Amoy na amoy kaya!" sabi niya na natatawa!

Maganda naman si Marta kaso di ko siya type! Parang ang landi niya! Lahat ata ng mga kalalakihan dito nilalandi niya.

"Ewan ko sa'yo Berto! Magtrabaho ka na nga lang jan! Ambastos mo talaga kahit kailan!", sabi ko at tumawa.

"Luhh si Yummy parang hindi siya bastos..kung makabandera ka nga ng katawan e, wagas!" sabi niya.

"Ganon talaga kapag may ipinagmamalaki", pagmamayabang ko sabay himas saking tiyan.

"Eeeeeeh pahawak?" Tanong niya.

"Hahaha bawal berto, mahal ako!" Pagbibiro ko!

"Magkano ba?" Tanong niya. "...300?" dagdag pa ni Berto.

"Mahal pa jan?" sabi ko sabay ngiting mapang-akit.

"500?" hirit niya.

Halatang pursigido si Berto mahawakan ang aking ipinagmamalaki.

"Hindi mo nga kaya Bert" sabay tawa! Hahaha

"E ang daya mo Yummy" sabay kunot ng noo.

"HAHAHAHA sabi na sa'yo! Di mo kaya!" sabi ko.

"Tsee! Matitikman din kita", sabay tawa.

---

SUNDAN ito!

Bitin???

Note: Subaybayan ang kwento ni Ryan Marcus sa PULANG ILAW.

VOTE/COMMENT are allowed. TY. - Totoy :)

Pulang Ilaw (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon