40

15 1 1
                                    

Hinanap ko sila Treyton kung nasaan sila nakaupo, nakita ko naman sila agad nasa pinakauna sila banda.

"Ano na ginagawa?" tanong ko.

"Yung kakanta na," sagot naman ni Treyton.

"Sino kaya kakan-" the emcee cut me off when they were about to introduce the next performer.

"Ladies and Gentlemen, let's now welcome from Humanities and Social Science 12-2, Icarus Reign Costello"

What?

"It's you, Icarus" ngumiti lang siya at tumayo na. Naglakad na siya papuntang stage bago siya tuluyang umakyat ay kinuha niya muna sa gilid ang gitara niya. At umakyat na siya sa stage.

"Hello everyone, I dedicate this song to my best friend," he said those words while looking at me.

Naghiyawan ang mga tao, hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Ano to Icarus? Bakit para sa akin?

Intro pa lang ng kanta alam ko na. He continuously strumming, dinadama niya pa ang bawat nota dahil habang nagtitipa siya ay nakapikit pa siya.

'Giliw kung pahihintulutan mo ako
Ipagkakatiwala ko sana sa 'yo ang puso ko'

The first stanza makes me shiver, I know, Icarus. I can't give you what you want. You makin' it hard for me, 'wag ngayon, please.

'Alamat lang ba ang pahinga
Ng dalawang puyat sa
Pira-pirasong mga bugtong
Nagtatanong'

Ayokong masaktan ka dahil sakin, bakit ako?

'Sagot ay 'di mahalaga
Sapat na sa 'king nar'yan ka
Paumanhin paumanhin
Salat sa kasanayang linawin'

'Giliw kung pahihintulutan mo ako
Ay ipapakilala ko sana sa 'yo ang buong mundo'

Nakatingin lang siya sa akin habang kumakanta, gusto ko nang putulin ang tinginan namin pero hindi ko magawa, parang pinipigilan ako ng katawan ko. Gusto kong tumakbo papalayo kaso alam kong pag ginawa ko yun, mas lalo ko siyang masasaktan.

'Balagtasan ng nagtatapatang
Makatang maligalig ang mga tugma
Limot na kung paano ang umasa'

Hindi ko na kayang tapusin pa ang kanta, pakiramdam ko ilang segundo na lang ay papatak na ang mga luha ko. Tumayo na ako at umalis sa lugar. Narinig ko pang tinawag ako ni Trey pero hindi ko na siya pinansin.

"A-Akari, hindi mo tinapos yung kanta."

Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa 'kin pero lumalayo ako. "Sorry, Icarus, hindi ko kaya"

"Gusto ko la-"

"'Wag mong aminin, please. Ayokong malaman, Icarus..." Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya. "Natatakot ako." natatakot ako na baka kapag pumayag ako, iwan mo rin ako kagaya nila. Ikaw nalang meron ako ayokong mawala ka, ayokong maging isa ka rin sa taong ayaw ko.

"Natatakot saan?" naguguluhang tanong niya.

Matapang ko siyang hinarap at sinabing. "Natatakot ako na masira pagkakaibigan natin."

Wag mong amininTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon