Sa isang party ay masayang ipinagdiwang ang 20th birthday ni Tope kasama ang kanyang pamilya, mga ka trabaho at ang malalapit nilang kaibigan. Kitang-kita ang kasiyahan sa kanyang mga mata ng may marinig siyang sigaw ng isang matandang lalaki.
"Happy birthday, apo ko!" ang kanyang lolo Juanito na tuwang-tuwa sa pagbati sa kanya, "Lolo ko" sigaw din ni Tope na papalapit sa kanyang lolo. Habang naglalakad silang pareho ay may bigla na lamang pumutok na baril na hindi nila alam kung saan ng galing ang putok na ito.
"Papa!" sigaw ni Emerson na ama ni Tope. Bumagsak na sa sahig si Lolo Juanito at nag takbuhan na ang ilan sa kanilang mga bisita dahil sa takot. Si Tope ay tila hindi maka galaw sa kanyang tinatayuan at nanginginig na ang kanyang mga tuhod habang pinagmamasadan ang kanyang lolo. Agad na tumakbo si Emerson at asawa nitong si Belinda para tulungan ang kanilang ama "Kailangan na nating dalhin si Papa sa ospital" sigaw ni Belinda sa mga kasamahan nito.
"Pa—Papa... kapit ka lang." natatarantang boses ni Emerson. Biglang bumalik sa katinuan si Tope at lumapit sa kanyang lolo na naka bulagta na sa sahig habang naliligo sa sarili nitong dugo.
"Lo... Lolo ko, please kumapit ka... please lo." Umiiyak na sambit ni Tope habang hinahaplos ang kamay at pisngi ng kanyang lolo.
"Apo ko gu—gusto kong maging ma—masaya ka. Su—sundin mo kung anong laman nito" tinuro ang dibdib ni Tope, "Gawin mo kung a—ano ang ta—tama at makakabuti pa—para sayo..." nang-hihinang sambit ni Lolo Juanito kay Tope.
"Lo, 'wag ka na pong magsalita dadalhin kana namin sa hospital. Kapit ka lang lo." umiiyak na sagot ni Tope.
"Ma--mahal na ma--mahal ko kayo" nakatingin kina Emerson at Belinda at ngayon ay hawak-hawak na ang kabilang pisngi ni Tope "So—sobra kitang ma—mahal apo ko. Ta-tandaan mo 'yan" at bumagsak na ang kamay nito sign na ito ay wala ng buhay.
"Lolo ko... Please gumising ka huwag mo akong iwan lo" umiiyak na sigaw nito at lumingon sa kanyang mga magulang "Dad, si lolo kailangan natin siyang dalhin sa hospital, Mom nanghihina na si Lolo" Yakap-yakap niya ang kanyang lolo "Lolo ko, wag namang ganito. Mahal na mahal ko kayo lo 'wag niyo akong iwan. Please... Lolo ko gumising ka please... Lolo ko..." he said while crying out loud.
Present Time
NATHANIEL KRISTOFF "Tope" VALIENTE, a CPA – Lawyer and Cum Laude graduate at Ateneo De Manila University. He is the COO (Chief Operating Officer) of their company. He's a wealthy gay, he has the looks, he's an intelligent one, has a lovable and ever supportive parents. They used to call him Ice Man because of his cold hearted and reckless personality. Kina-tatakutan siya ng kanyang mga empleyado and only Shyo and his family understands him. Siya kasi yung tao na hindi umaasa sa iba kahit na laki ito sa yaman. He faces a choice between staying in the past or embracing the future and risking it all.
ALISON BREE "Ali" RAMIREZ, a Registered Medical Technologist, a Licensed Professional Teacher, and a Cum Laude graduate at Ateneo De Manila University. She's a brave, beautiful, have a curvaceous body and a wonderful woman. Palagi siyang positive sa lahat ng bagay at kaya niyang sumugal when it comes to his loved ones.
Ali's POV
Kasalukuyang nag-liligpit na ako ng aking mga gamit para umalis na sa opisina pagkatapos ng ilang oras na overtime ng may natanggap akong tawag.
Ali: Hello...
Ma-iingay na tunog ang aking naririnig mula sa isang bar habang kausap ang aking mga kaibigan na si Poch at Trina sa telepono.
YOU ARE READING
Traces of Love (ViceRylle)
RomanceLove knows no bounds -- not even the bounds of sexual orientation. You could fall in love with a variety of people, and it's natural that you will occasionally fall in love with someone unavailable. Unavailable? YES, because the person he loves is...