Chapter 2

7 2 0
                                    

TW: Sexual Harassment

It's that time of the semester. Finals na.

"Mary Claire!"

Agad akong napabangon sa aking hinihigaan nang marinig ang sigaw ni mama.

"Ihatid mo si Mason sa school niya, may tutorial siya ngayon, malapit na ang exams." Sambit ni mama na ngayo'y nasa may pintuan ng aking kwarto.

Tumango ako, "Ngayon na po ba?"

"Aba'y siyempre! Bilisan mo na riyan, baka ma-late pa si Mason."

Umalis na siya sa tapat ng pintuan ko kaya naisipan kong maghilamos at magsipilyo na lang muna, saka ako nagbihis.

I went to Mason's room afterwards, he was sitting on his bed, suot ang kaniyang backpack. Halatang kanina pa siyang handang umalis at naghihintay na lang ng maghahatid sa kaniya.

"Son, tara na, akin na 'yang bag mo..." I walked towards him at kinuha ang kaniyang bag.

Jusko, ano bang laman ng backpack nito't mabigat pa yata sa mga pinagdadaanan ko sa buhay?

Buti na lang ay walking distance lang din ang school ni Mason mula sa bahay namin kaya mabilis kaming nakarating.

"Okay ka na, Son? Iwan na kita, ha."

I earned a pout from him. He gently grabbed the hem of my shirt. Still pouting, "Ate, hatid mo 'ko sa classroom..." Pagmamakaawa niya.

I heaved a sigh as I heard his response.

Wala akong nagawa kaya hinatid ko na lang nga siya sa classroom kung sa'n siya magtu-tutor.

"Oh, aalis na ako, ah? Magsabi ka kay Ma'am kapag may kailangan ka." Bilin ko sa kaniya habang tinuturo ang gurong magtu-tutor sa kaniya at sa ilan pang bata.

I earned another pout from him.

This time, he gently grabs my hand.

"Ate..." Nangingiyak niyang tawag sa akin. "Intay mo 'ko... Diyan ka lang sa labas..." Nakayuko niyang sambit.

Hindi pa nga naliligo yung tao?!

I lowered my body to level myself with his height, "Mason," tawag ko.

"May gagawin pa si Ate eh."

Ending?

I waited for Mason to finish his tutorial para sa exams. Buti na lang at half day lang sila kaya maaga kaming nakalabas ng school.

While walking, we walked past an ice cream vendor. The sound of the bell ringing was quite captivating, kaya't hindi maiwasan ni Mason ang humabol ang tingin dito.

I quietly watched my younger brother silently salivate for an ice cream as we were walking slowly. He then looked up at me, and his eyes were clearly a sign that he was pleading for something.

"Ate..." Mahinang tawag niya.

Of course, bumigay ako. Mason's Ate will always be my weakness.

"Mary Claire Delos Santos!"

Patay na.

"Bakit mo pinakain ng ice cream ang kapatid mo?! Hindi ba't bawal siya sa matatamis?! Hesusmaryosep naman, Mary Claire! Wala ka na bang ginagawang tama sa buhay mo?! Paano kung may mangyari riyan sa kapatid mo?! Pumasok ka na roon sa kwarto mo! Mabuti pang mag-aral ka na lang para magkasilbi ka 'man lang!"

Para namang ang bigat ng kasalanan ko. Wala naman akong ibang intention kung 'di pasayahin ang nakababata kong kapatid.

Walang ginagawang tama? I'm trying to be an older sister to Mason, I'm trying to be a good student, I'm trying to be the perfect daughter. Ano pa bang kailangan kong gawin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Eri's Trail (Puhon #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon