Nasa labas na ako at Hindi alam Ang gagawin, agad ko namang kinuha ang cellphone ko pero pag tingin ko ay Wala pala sa dala dala kung maliit na bag.
" Ahh!! This f*cking kamalasan!" Wika ko Naman habang naiinis.
Bumalik Naman ako sa loob pero Nung papasok Naman ako ay bigla akong hinarang ng gwardiya.
" San Ang punta mo?" Wika naman ng Guard sakin.
Napatingin Naman ako sakanila at kumunot ang noo ko ng dahil sa tanong nila sakin.
" Didn't you see me here kanina, kakapasok ko lang kanina Kasama Ang boss ko may kukunin lang ako and then aalis na ako" wika ko Naman habang naiinis sakanila.
"Pasensya na pero hindi Kita pwedeng papasukin Wala kang invitation na dala kaya Hindi talaga pwede" wika naman Niya sakin, uminit agad Ang ulo ko ng dahil sa sinabi niya.
" Ano ba! Papasukin niyo ako!" Sambit ko habang nag tatangka na pumasok pero pinigilan nila ako.
" Ilabas niyo na yan bawal kang mag eskandalo dito at Wala kaming pakealam kung nandun Ang boss mo sa loob Wala kang invitation kaya manatili ka sa labas!" Wika ng mga gwardiya sakin.
" Mga bw*sit kayong lahat!!" Sigaw ko at sinipa ang balls nila saka ako tumakbo palabas na ng mismong venue.
Kahit naka heels ako ay tumakbo parin ako ng mabilis Wala akong pakealam kung mawawala ako sa buong siyudad na ito, hays. Hindi ko mapigilan na maging ganito dahil binabastos ako ng mga yun.
Nang makasiguro na ako na Wala ng sumusunod sakin ay agad naman akong huminto at huminga ng malalim.
" Ahh!! I hate this kamalasan!" Wika ko na naman habang naupo sa gilid ng kalsada.
Naka yuko lang ako at Hindi ko iniinda Ang sakit ng paa ko, Hindi ko din alam Ang pauwi patungo sa mansion kaya Wala akong magawa Ngayon Wala din akong cellphone para humingi ng tulong kay Jenifer.
" Paano na to Ngayon" sambit ko Naman sa sarili ko habang maiiyak na.
" Ahhh!! bakit ba Kasi ako nag mamagaling Yan tuloy" wika ko naman habang naiinis sa sarili ko.
" Oy miss byutipol" wika naman ng tambay lima Sila na nakatingin sakin at nasa gilid ko lang Sila.
Tiningnan naman nila ako na para bang nag lalaway Sila sakin.
" Eww" wika ko naman habang nandidiri sakanila.
" Maka eww ka samin" wika naman ng Kasama nila at agad naman nila akong nilapitan.
Hinawakan naman ng Isa nilang Kasama Ang braso ko pero agad ko naman itong kinuha.
" Wag mong hawakan Ang braso ko gamit yang maduming kamay mo!" Inis na wika ko.
" Aba Ang tapang mo ata, mag isa ka lang tapos babae ka pa ano bang laban ng Isang babaeng maliit na katulad mo saming mga lalaki na mas malakas kesa sayo?" Wika naman Niya sakin habang lumalapit. Ako Naman ay umaatras at Galit siyang tinitigan.
" Share mo lang? " Sambit ko habang nakangisi sakaniya.
" Aba pilosopo ka ah!" Wika naman ng Kasama nila at nilapitan Naman nila ako
Kinakabahan ako ngayon dahil Wala pa akong Kasama at Wala Ako sa mood makipag patayan Ngayon.
" Hawakan niyo Yan!" Wika naman ng mga Kasama niya. Dali dali namang lumapit sakin Ang dalawa agad ko namang hinubad Ang high heels ko at sinipa ang tiyan ng Isa niyang Kasama at sinipa ko din ng buong lakas Ang leeg ng nasa left side ko.
" Sabing wag niyo akong hahawakan at pwede umalis na kayo dito dahil pag ako napuno sa inyong tatlo, yang pag mumukha niyong pangit ay gagawin kung red carpet dito sa kalsada niyong Hindi pa fully furnished" wika ko habang Galit silang tinitigan.
YOU ARE READING
ONE NIGHT WITH MY BOSS BILLIONAIRE
Romance" Isa ka lang parausan sa gabing Yun Astrid and after that you expect too much??" I was hurt by what Apollo said, but I am a cold hearted woman who hate being told by others. Apollo is a guy who hate girls, he didn't want Astrid in his life because...