Chapter 8

316 7 0
                                    

ANG MALAKAS at sunud-sunod na pagtunog ng telepono ang gumising sa natutulog na diwa ni Alyssa.

Pupungas-pungas na kinuha niya ang aparato nang mawala bigla ang kanyang antok. Malinaw ang boses ng kanyang asawa habang nakikipag-usap ito sa isang babae. Kilala niya ang boses ng babae.

"Kailangan mo akong puntahan ngayon. I need you."

"My God, Shiela, it's very late. Hindi ba't sinabi ko sa iyo huwag kang tatawag dito? Paano kung si Alyssa ang nakasagot sa iyo? Goodness!"

"Wala akong pakialam," maktol na sagot ng babae. "Something happened. I want you here right now o hindi mo na ako makikita kailanman!"

"Okay, okay. Pupunta ako riyan," napipilitang sabi ni Victor. "You better have a good reason for this one."

"I'll be waiting for you, darling. 'Bye."

Dahan-dahan niyang ibinaba ang telepono habang sumusulak ang dugo niya sa galit. Ang mga walanghiya! Mga walang delicadeza! Mga traydor!

Hindi niya nakontrol ang maiinit na patak ng luha na dumaloy sa kanyang mga pisngi.

Kung bakit pa kasi minahal niya si Victor. Kung bakit hindi niya ito kayang kalimutan. Isinusumpa ko ang araw na nakilala kita. Hinding-hindi na kita dapat minahal.

Ibinaon niya ang mukha sa unan at tuluyang pinaalpas ang sama ng loob.

Noong una pa man ay binalaan na siya pero hindi siya nakinig. Ngayon ay pinagbabayaran niya ang katigasan ng kanyang ulo. Dahil umiibig siya nang tapat, umiibig siya nang bulag sa lalaking kailanman ay hindi nag-ukol ng totoong pagtingin sa kanya!

"YOU LOOK terrible," usal ni Alyssa sa sarili habang nakaharap sa salamin kinabukasan. Maputlang kutis, hapis na mukha at namamagang mga mata sanhi ng magdamag na pag-iyak, iyon ang nakikita niya sa salamin.

Mabuti na lamang at Sabado. Wala siya sa kondisyong magtrabaho.

Napabuntong-hininga siya bago sinimulang remedyuhan ng makeup ang kanyang mukha. Life must go on.

Pagpanaog niya ay nakita niya ang mag-ama sa sala. Tinutulungan ni Victor si Vincent na buuin ang isang malaking Lego ship.

Kahit papaano ay hindi naman nagkukulang si Victor sa mga obligasyon nito bilang ama. Isang bagay na natitiyak niya, na mahal na mahal nito si Vincent.

"May pupuntahan ka?" Kung nabigla man si Victor ay hindi nito ipinahalata nang makitang nakabihis siya.

"Pupunta lang ako sa supermarket. Maggrocery."

"Mommy, bilin mo ako ng Jellyace, ha?" nakangiting bilin sa kanya ng anak. Nakatingala ito.

"Sure."

Halatang nagdadalawang-isip ang asawa bago magsalita. "Ihahatid na kita."

"Huwag na. Ako na lang. Ilang items lang naman ang bibilhin ko."

Hindi naman ito nagpilit. "Will we expect you before lunch?"

"I'll be here." Saka siya lumingon kay Vincent. "'Bye, baby."

Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "'Bye, Mom. Don't forget my pasalubong."

"I won't." Nasisiyahang ginulo niya ang buhok nito nang mapatingin siya kay Victor. Titig na titig ito sa kanya.

"Ingat ka."

Don't you wish na maaksidente ako nang magsama na kayo ng kerida mo? "Sige..." sa halip na sagot niya rito.

Hanggang sa pagda-drive ay nagpupuyos pa rin ang kalooban niya.

Sa lyo Lamang 2 - MikaelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon