Secret Affair

12 1 0
                                    

Naputol ang pakikipagmake out si DJ Sarah sa lalaki na si Jish nang tumawag ang boss niya sa importanteng tawag. Binawalan niya si Jish baka marinig siya nito. Si Jish ay boyfriend ni Danny Carol ang babaeng kaibigan niya. Pero alam ni Jish na nagkakalabuan na ang relasyon nila. Alam ni DJ Sarah na isa iyong kasalanan na makiapid sa may nobya na. Pero hindi niya alam nito na matagal na niyang finafantasize ni Jish bago pa nito makilala si Danny Carol.

Matagal na silang magkakilala ni DJ Sarah sabay silang nagintern sa Radio Station hanggang sa inabsorb sila ng company. Lalo pa't close friend ng nanay ni DJ Sarah ang may-ari ng Radio City. Matagal na nilang pinagtataksilan si Danny Carol nung last new years eve. Pero hindi mabitawan ni Jish si Danny Carol dahil siya ang dahilan kung bakit kasama siya sa pinakasikat na manunulat sa Radio City kahit blacklisted siya sa mga kumpanyang pinagtatrabahuhan niya dati. Tinulungan siya ni Danny Carol upang makabangon ulit at linisin ang kanyang pangalan matapos ang eskandalo na kinasangkutan niya.

Nakatanggap ng email si DJ Sarah na nagpapahayag na tumaas ang sweldo niya ng 40℅ at nakuha ang compensation nito dahil dumami ang ads na pumasok sa kumpanya. Nagamit niya ang kaso ng nanay ni Danny Carol upang pag-usapan. Naging mainit na usapan na nagpagamit siya upang makakakuha ng malaking pera sa boss nito sa Ballboom. Ang sikat na casino sa Las Vegas. Lumabas na hindi pala nagbabayad ng tax ang Ballboom at malaki ang naging pakinabang ng nanay ni Danny Carol kahit wala itong nakuhang ebidensya kung totoo nga ang nakuha nitong sagap na balita.

Isang malutong na sampal ang natanggap ni Danny Carol kay DJ Sarah matapos malaman at marinig ang episode ni DJ Sarah patungkol sa nanay niya nang bumisita ito sa Radio City.

''How dare you? Nagpapakalat ka ng maling balita tungkol kay Raquel. Tandaan mo Nanay mo rin siya. Siya nagpalaki sayo nung panahong iniwan ka ng tatay mo.''

Ngumiti ng nakakaloko si DJ Sarah.

''Yun nga ang trabaho natin bilang artist. Ang gumawa ng balita. Yung pasabog. Clout chaser. Click bait. Hayaan mo na rest in peace na rin sa nanay mo.'' Tugon ni DJ Sarah.

Sasampalin sana ulit ni Danny Carol siya pero dumating ang boss niya si Wenzy. Nasa fifties ang edad. Biyudo. Founder ng Radio City at stockholder ng Dark Horse. Pagawaan ng Doublemint sa California.

Pagkatapos ng gulo. Kampante si DJ Sarah na hindi siya basta basta mapapatalsik. Matagal ng nagresign si Danny Carol sa Radio City dahil hindi nga sila good terms ni DJ Sarah ay napilitan siyang umalis at talikuran ang trabaho at bumalik ulit sa pagne-nurse.

''This is DJ Sarah, and welcome to your new Horror... '' Panimula niya.

Nagsimula ang bangungot ni DJ Sarah ng malaman niya na may sumusunod sa kanya pagkatapos ng trabaho. Isa ba itong prank? O may taong gustong manloko sa kanya. Hanggang sa may magslash sa braso niya nang maabutan niya ang bukas na carnival na daan papauwi sa kanila. Nakita niya na nasugatan ang braso nito. Kaya nagtago ito sa iskinita habang nagdurugo ang braso niya. Tinawagan niya si Jish pero hindi ito tumutugon sa tawag niya.Sinundo siya ng Kuya niya si Asher at dumaretso sa ospital upang ipagamot ang braso niya. Baka pinagtripan o sadyang may mga tao talagang natrip upang gawin iyon. Naroon si Asher habang inaantay ang doktor.

Hindi nagpakita si Jish hanggang makalabas sila ng ospital. Nakita niya sa bagong post ni Danny Carol kasama niya ang boyfriend niya si Jish. Nakaramdam ng selos si DJ Sarah. Hanggang ngayon palagi siyang pangalawa. Dati ay palaging number one DJ sa Radio City si DJ Sarah. At apprentice lang siya nito. Assistant kumbaga nung nagsisimula palang siya. Alam niyang hindi niya ito mahihigitan. Kaya naroon ang inggit at pagkamuhi para kay Danny Carol.

Napansin ng boss niya at si Edmon producer ng Radio City ang sugat nito sa braso. Bago sumalang ay nakatanggap siya ng tawag mula sa di niya kilala.

Natanggap mo ba ang padala ko. Kulang payan. Warm greeting kumbaga. Sulitin mo na ang huling araw mo DJ Sarah.

''Wait, how did you know me? How did you know my name? Hey! Who the fuck is this? Please stop fucking me!'' Gigil na sambit ni DJ Sarah habang nag-aayos bago dumating ang oras na sasalang siya.

Lumabas si Edmon at nakita niya ito. ''May problema ba?''

''Wala. Nagkaproblema lang sa sched ko.''

Nakatanggap siya ng tawag nang sumalang si DJ Sarah mula sa caller ng Radio City.

''Hi DJ Sarah? Did you miss me? Alam ko na may secret affair kayo ni Jish. Right? Hindi kaba natatakot. Ano pa ba ang ikakatakot ng isang malanding katulad mo.''

Nagtaka siya sa tumawag. Dumating si Edmon ipinapatrace kung saan galing ang tawag kung sino ang caller ang sumubok na manggulo sa Radio City.

Hindi alam ng producer kung bakit nagbreakdown si DJ Sarah. Nakipagkita si Jish sa kanya pagkatapos malaman ang nangyari.

''You said you're going to leave her. This is fucking sick Jish!'' Galit na pahayag ni DJ Sarah sa kanya.

''Alam mo naman na hindi ko maiwan iwan si Danny Carol dahil-''

Nang dumating si Baller kaibigan nila na matagal nilang di nakikita.

''Mukhang may lovers quarrel. Hindi ako nasabihan.''

''Gago ka. Kelan ka pa dumating?'' Sinuntok ni DJ Sarah si Baller sa dibdib. ''Nabalitaan ko kasi yung nangyari sa kaibigan natin hindi ko inakala na mawawala siya ng maaga.''

''Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo kay Asher iniwan mo siya nung nalaman na may kinalaman kayo sa pagkamatay ni Cora. Iniwan mo siya!'' Pagpapatuloy ni Jish.

''Kaya nga ako nandito para bumawi. At bumalik ako kasi alam ko nasundan kayo ng Killer.'' Pahayag ni Baller.

Nagkatinginan silang dalawa sa sinabi ng kaibigan.

''Gusto niyang maghiganti. Nasa paligid lang natin siya. Baka kausap na natin.'' Pagpapatuloy ni Baller.

Nakaramdam ng pagkabahala si DJ Sarah.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RADIO CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon