chapter two

9 0 0
                                    

As I scanned the outside of the blue bus, I was left speechless. Bigla namang may sumirado sa bunganga ko na kanina pa ay naka-nganga.

"Tutulo na laway mo, sis." Nilingon ko si kuya at inalis ang kamay niya sa baba ko!

"Private blue bus does exist??" I can't blame myself for questioning kasi naman sa buong buhay ko hindi pa ako nakasakay ng ganitong klaseng bus. Akala ko sasakay ako sa normal na bus pero private bus?! "The bus looks expensive, kuya," I said.

"It is. It cost me a lot of money." He laughed.

"How much is this, kuya?" I asked, confused.

"8 digits."

8 digits? Woah! I mean... I was kinda mad kasi hindi niya binigay yung tamang presyo, numero lamang. Pero the hell 8 digit?! It's billion! "P-pwede naman sa normal na bus lang, kuya. Bakit naman private?" Mukha akong pupunta sa malayong lugar para gagasto siya ng ganitong halaga. Hindi talaga marunong mag-ipon!

Alam niyo yun, yung nag engineer yung mokong para lang mag tayo ng sampong building para sa kanya. At iba-iba rin ang negosyo niyan. In short at the same time, he's a CEO in his own 10 companies! Lima sa Asia, Lima din sa pinas.

"I need your safety, sis."

"Hindi kita mapo-protektahan kung normal na bus lang ang sasakyan mo. Hindi ako yung maghahatid sa'yo, so you need to be safe when I'm not around." Mukha kaming kuting at aso sa bahay, pero now he wanted me to be safe. Awww... Siguro dahil wala na siyang kaaway sa bahay. Pwe!

I was stunned to hear kuya's words nung pinatuloy niya ang kanyang salita.

"Ayoko kaya maliparan ng suntok galing kay papa! lalo na kay mama, pag may nangyaring masama sa kanyang little princess." His voice was serious. Is kuya like this pag wala siya sa tabi ko? I mean, he's always there when I need him, 24/7 seven-eleven.

I admit that I'm excited kasi I can finally travel alone. Mama and Papa promised me na they will let me travel alone if I finished college and already pursued the dream job I wanted. And yep, they didn't break their promise. I love them, really...

"Asus, kuya, I can handle myself. I'm independent!" Honestly, I was kidding. And smiled at him.

"Asus... Independent your face!" Patalsik laway na sabi niya! He even said nyenye.

"Akala ko ba ako yung nagmukhang bata dito, ikaw din pala!"

"Ah basta, maging ligtas ka lagi, aking kapatid! And this bus, the price of it is worth it! And why? Because it will let me know your situation 24/7 seven-eleven!"

Ay dapat lang talaga kasi ang mahal-mahal tapos hindi worth it?? Mukhang bibili ako ng bahay sa presyo na ito eh!

Tinapik ko ang balikat ni kuya. "Kuya, alam ko naman na hindi pa ako nagtatrabaho, kakapasa ko pa lang sa board exam. Babayaran na lang kita after a year to pass, kuya!" Mag-eenjoy muna ako sa sarili ko. Kaya bayaran ko na lang siguro siya next year, hehe. Then he laughed. "Ulol! Hindi mo nga binayaran yung 500 mo na utang kay aleng nene!"

Hala... 2 years ko nang hindi nabayaran iyon... Sorry aleng nene! Sa susunod na lang pag may sahod na ako sa sarili kong pera!

"Sige na, sis. Pasok ka na sa bus. Don't worry, you can have data there. It has free wifi and all free for 10 years!" Ha? 10 years!? Nag-bundle ba ang mukong na ito?!

"Ha?-" Magsasalita pa sana ako pero itinulak na niya ako when the black dark door opened in a smooth slide effect.

"Bye-bye. Ingat ka! Mahal ka ni kuya!"

And then the engine of the bus started. I saw kuya in the window when he was waving a close-open wave.

---

🚌

It's kinda quite here. I can also smell the fragrance... It's vanilla. This bus is extremely huge! The floor design in tiles! Just wow ha, bus lang pero tiles. It also had an LED lights everywhere even the chairs. It actually a dark theme kinda.

Nang umupo na ako sa kama, napansin ko agad ang lambot ng upuan, parang nakaupo ako sa ulap! Ang ganda ng ambiance dito, may ambient LED lights pa na nagbibigay ng soft glow sa buong lugar. Tapos yung amoy ng vanilla, parang nagpa-elegant pa lalo sa atmosphere.

Hindi ko mapigilan ang paghanga sa bawat detalye. Hindi lang simpleng bus ito, parang mobile sanctuary. Kinuha ko agad ang phone ko para mag-connect sa free WiFi na sinabi ni Kuya, at totoo nga, mabilis at matibay ang koneksyon. Habang naglalakbay ang bus sa siyudad, nag-scroll ako sa social media, paminsan-minsan ay tinitigan ko ang labas ng bintana para tingnan ang paligid.

Matapos ang ilang sandali, lumapit ang isang babae, matangkad ito ng konte at nag mukhang flight attendant ang kanyang kasuotan! I think she's a stewardess. May hawak na tray ito ay menu's. "Miss, gusto mo ba ng snacks o inumin?" sabi niya ng may ngiti.

"Uhmm... May mango float po ba kayo?" sabi ko, Hindi ko kinuha yung menu's sa kanya. Busog naman talaga ako pero hindi ako nakakain ng dessert na inilagay ni mama sa lamesa, yung gawa ni mama na mango float! I felt bad.

"Sige po ma'am. Your dessert will be serve in 2 minutes."  nagpasalamat ako bago siya umalis at tinungo ang blue curtain sa unahan. Nakakapagtaka kase 2 minutes lang nila ma serve yung pagkain na sinabi ko. Grabe ha.

Lumipas ang dalawang minuto, narinig ko naman ang tire ng tray na tinutulak ng isang stewardess kanina. "Hi ma'am, here's your dessert. It's actually your mom's homemade dessert." Sabi niya ng malumanay na boses.

Pero teka, kay mama galing ito??

"B-bakit po galing kay mama ito? Nandito po ba siya?" I asked in perplexed tone.

Pero tumawa naman ang babae na nakatikom lang ang bibig at nagpatuloy sa pagsasalita. "Sorry po ma'am, pero ito po ang utos ni Mr. Zane, na kapag po may pagkain na related sa luto ng mama mo po ay ibibigay ko daw po iyong mga pagkain na inilagay niya sa malaking refrigerator sa bus," she explained.

"Uh, ganon po ba, sige po salamat po sa pag sagot ng mga katanungan ko po."

Ngumiti siya sa akin at mukhang iniyoko ang kanyang uluhan at umalis siya habang tulak iyung tray na kasabay niya kanina.

Grabe si kuya, kahit pagkain ni mama na alam niyang hilig ko ay inilagay dito sa bus! Required naman siguro sa mga request niya. Nag-bayad ba naman ng billion! Haysss...

I was eating peacefully with my mom's homemade mango float when the bus stopped. Tiningnan ko naman yung Vintage window iyong sa labas kung nasaan na kami ngunit nasa isang malaking building huminto ang bus na ito. The top of the building had a V letter written in calligraphy. I was amazed kase mag kasing taas ang building na ito sa building na gawa ni kuya.

Habang tiningala ko ang kalangitan sa mga nakikitang bituin na naka libot sa bilog na buwan ay may nakita akong lumabas sa V building. Isang lalake at papunta ang kanyang mga malalaking yapak na naka suot ng Leo Zegna shoes dito sa bus! He's wearing men's stripe pattern sweater, casual breathable medium stretch short sleeve knitted top. And the lower were white stretchy cotton trousers in chino style.

Hindi ko masyado kita yung mukha niya dahil busy ito sa kanyang cellphone at kanina pa tumitingin sa kanyang relo. If I'm not mistaken his watch was Tag Heuer Carrera Chronograph Calibre Heuer 02 44 mm!

Napansin ko agad ang kanyang presensya nang pumasok siya sa pinto ng bus. May angas at karisma ang dating niya.

Kahit na nagtataka ako kung sino siya, naramdaman ko ang isang kakaibang vibe na dala niya. Parang may magnetismo siyang dala na nagpapahanga sa lahat ng kanyang nakakasalamuha.

I can even smell his scents na animoy hindi kuna naaamoy ang vanilla scent sa bus. Isa lang ang alam ko, nakakahipotismo ang amoy niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Bus Encounter Where stories live. Discover now