"Angkas kana sakin"
"Pasensiya na may sasabay kasi saki-"Naputol ang sasabihin ko nang inakbayan ako nang kung sino
"Sakin siya sasabay kaya shoo.."Taboy niya sa kapitbahay kong si Jeth,wala na itong nagawa dahil sa sinabi ni Dem sakanya at pina usad na ang motorsiklo niya
"Sorry siya dahil sasabay ka sakin,lika na!"Aya niya sa akin kaya tumango nalng ako at nagsimula nang maglakad
Hindi ko mapigilang mapangiti nang akbayan niya ako,pano ba naman matagal na akong may gusto rito sa best friend ko pero natatakot akong umamin dahil baka masira ang friendship namin
"Street food muna tayo,bago tayo umuwi ang aga pa namn"
"Geh,kung sino ang huling makarating sa paborito nating stall ay siya ang magbabayad"Tatakbo na sana ako nang hawakan niya ang bag ko at hinila ito paatras
Nagsimula na siyang tumakbo palapit sa bilihan ang pagkain kaya medyo malayo na ito sakin"Daya nito.."Sigaw ko sakanya pero binilatan lang niya ako at tumawa pa
Pagkarating ko sa harapan niya ay agad ko siyang binatukan"Aray namn"
Reklamo nito at pinitik ang noo ko"Daya mo,ikaw magbayad!"Sabi ko at tinalikuran na ito para tumusok nang fishball
"Geh...ako na!"Napangisi ako dahil siya ang magbabayad,tumabi narin siya sakin at tumusok na nang sa kanya
Dinamihan ko ang aking tinusok na fishball at kumuha narin ako nang isang basong kikiam
Pagkatapos kung lagyan nang sauce ang pagkain ko ay agad ko itong nilantakan,tiningnan ko ang katabi ko at nakatingin lang din ito sakin kaya nabilaukan ako"Isang ice buko po manong"Agad niyang sabi sa tindero at agad naman nitong ibibigay sakanya at ipina-inom sakin
"Dahan dahan namn,wala kang kaagaw"Reklamo niya sakin
"Bat kasi nakatingin ka sakin?!Kumuha ka na nga nang sayo"Ngumiti lang ito sakin at tumalikod na para ipagpatuloy ang pagkuha nang pagkain niya
Biglang uminit ang pisngi ko dahil sa ngiti niya,O to the M to the G,yung puso ko parang sasabog na sa lakas ba namn nang pintig
Alam kung namumula iyon,ikaw ba namn nginitian nang crush mo dika pa ba magbablush
"Huyy. . . bat ka nag blu-blush diyan?!"Pinitik nito ang nuo ko kaya sinimangutan ko ito"Crush ko kasi ngumiti sakin"Nakangiti kung sabi sa kanya at bigla nalang niya akong tinalikuran at nauna nang maglakad
Kanina pa pala siya nakapagbayad sa kinain namin,hindi ko man lang namalayan
Sinundan ko agad ito habang kumakain pa ako nang fishball"Ide kayo na. . ."Dinig kong bulong nito sa hangin,nasa likod niya lang ako kaya dinig na dinig ko ang mga pagmamaktol nito
"Crush pala ha,iuntog ko kayo eh"Sabi nito sabay sipa nang lata na nadaanan niya,hindi parin nito napapansin na nasa likod niya lang ako
"Upakan ko yang crush mo eh"Pagkatapos kung kumain ay itinapon ko na ang plastic na lalagyan at agad sumampa sa likod niya"Ano tong naririnig ko na reklamo galing sayo ha?!"Nabigla ito sa pagsampa ko kaya malapit kaming nadapa pero nakabawi naman agad siya at hinawakan ang hita ko para di ako malaglag
"K-kanina ka pa diyan sa l-likod ko?!"Nauutal na tanong nito sakin
"Yes,kanina pa may pa reklamo-reklamo kapang nalalamn eh ikaw lang namn ang best friend ko"Sabi ko sabay halik sa pisngi niya
Napahinto ito sa paglalakad kaya tinapik ko ang dalawang pisngi nito"Huyy,bat ka tumigil?!Tara na"Nabalik lang ang huwisyo nito dahil sa pagtapik ko
"Let's goooo"Masaya nitong ani at tumakbo kaya napangiti nalng ako,parang di man lang nabibigatan sakin
May ibinulong pa ito sa hangin kaya hindi ko na ito pinansin,hindi ko rin alam kung may ibig sabihin ba ito
"Best friend nga lang. ."