Maaga palang ay maingay at nagkakagulo ang mga tao sa mansyon ng mga Pueblo. Abala ang lahat sa paghahada sa kasal ng nag-iisa nilang princesa. May nag-aayos ng sasakyan, ang iba ay inaayosan ang mga kasama sa entourage at merong abala sa pag-aayos ng reception. At habang papalapit ang oras ay mas lalo ding kinakabahan si Keyna.
Hindi na mabilang ni Keyna kung ilang beses siyang nagpapabalik-balik sa bintana para silipin ang lahat. Ilang beses din siyang nagtext sa mga organizer para lang masiguradong walang mali sa preparation.
"Nervous?"
Tipid na ngumiti si Keyna nang makita ang mga kaibigan na sumungaw sa pinto ng silid niya. "Who wouldn't be?" pairap niyang sagot sa matalik na kaibigan.
"You know what? This is normal. What you do is normal. Ikakasal kana after ng mga nangyaring pagtutol sa inyo ngayon may basbas na kayo. Kaya dapat mas lalo kang maging happy at wag ng magoverthink."
"Yeah, Amanda is right. This is your day saka mahal na mahal ka ni Anton kaya ano bang ikinakatakot mo?"
Bahagyang napangiti si Keyna sa sinabi ng mga kaibigan. Kahit papaano ay nababawasan ang takot at kabang nararamdaman niya. "I know right, but stop rummaging my stuff, Amanda. Shiela, ilabas mo na nga ito kanina ka pa hindi na matapos ang makeup ko," ani ng dalaga sa kaibigang ngayon ay mga accessories niya naman ang tinitingnan.
Nang makaalis ang mga kaibigan ay muling tinutok ni Keyna ang atensyon niya sa harap ng salamin para matapos na ang make up niya. Meron pa siyang pictorial bago pumunta ng simbahan at meron ding kasama ang mga entourage. Sobrang nagahol siya sa oras dahil galing pa sila ng Canada dahil trabaho niya.
Simple lang ang gusto niyang kasal kaya mas pinili niyang sa hacienda lang ang reception at ang kasal ay sa simbahan pero ang simpleng yon ay di niya akalaing aabot pa rin ng isang daang bisita. Matapos ayusan si Keyna inumpisahan na ang photoshoot niya kasama ang mga entourage niya.
"Aren't you so pretty?"
A smile flashed on Keyna's face when she heard her father's voice. "Dad..." Amanda mouthed and ran towards the man who was extending his arms to the bride.
"I am so happy for you anak. I know Anton will make you happy," bulong ng ama ni Keyna bago siya patakan ng halik sa noo.
"Thank you, Dad, for all the love and support. I will not make it until today kung hindi dahil sayo."
"Tama na. Bawal kang umiyak basta nandito lang si Daddy para sayo at masaya akong ihahatid ka sa lalaking mahal mo. Huwag mo akong intindihin dahil kapag nagkita kami ng mommy mo masasabi kong iniwan kita masaya."
"Dad..."
Sa sinabi ng ama ay mas lalong naiyak si Keyna. Nag-iisang anak lang siya at mag-isa ding pinalaki ng ama niya sa kabila ng mga problemang dumating sa buhay nila.
Sa bawat minutong lumilipas ay mas lalong nananabik si Keyna sa kanyang kasal. Kinuha na nila Amanda ang kanyang phone kaya hindi niya na makontak si Anton na panay din ang tawag sa kanya.
Pagbaba ng mansyon ng mga Pueblo ay kitang kita ang malahardin na ayos dahil sa mga puting rosas na dekorasyon. Ang pagkamangha sa mata ni Keyna ay hindi mawala habang iniikot ang mata sa buong paligid ng hacienda. Noon ay nasa imahinasyon niya lang ito, ngunit ngayon ay nakikita na ng dalawang mata niya.
"Magkano kaya ang ginastos dito ng mga Pueblo ano?"
"Deserve ni Senyorita ang ganito ka kengradeng kasal. Maswerte ang Anton na yan at pumayag ang mga Pueblo na maging parte siya ng pamilya."
"Alam niyo bang kaya pumayag ang Don dahil daw bankrupt na ito?"
Ilan lang 'yon sa mga naririnig ni Keyna na usapan tungkol sa kanya at sa buong pamilya. Maraming spekolasyon pero ayaw niya ng dagdagan pa ang kung anong alam nila. Wala naman siyang dapat ipaliwanag sa mga tao basta ang nasa isip niya ngayon ay maging masaya.
BINABASA MO ANG
Sixpence in your Shoe
RomanceA night full of desperation Keyna meet the man who will change her life. A man who will show her how she should live her life.