Prologue.
"Sa tabing dagat, ang iyong kagandahan ay kumikinang, ito'y kaaya-aya tingnan tulad ng malinaw na kristal na tubig-dagat dito sa Puerto Princesa..."pagkanta ko.
"Hiraya!" Napalingon ako sa tumawag.
"Inay!" Tumakbo ako patungo sa kaniya at niyakap siya.
"Nakarating na pala kayo, kamusta ang Manila?"
"Nako, Ang hirap makipagsabayan sa mga tao ro'n."
Nagtatrabaho si nanay bilang katulong doon sa Manila dahil sa hirap ng buhay namin. Kailangan niya lumuwas ng Manila para sa pag-aaral ko sa kolehiyo. Magko-kolehiyo na kasi ako sa susunod na taon kaya kailangan niyang maghanap ng pera para sa pang-kolehiyo ko.
Sinabi ko sa kaniya na hindi na niya kailangan gawin 'yon dahil sapat naman ang kinikita ko sa pag-giging tour guide sa mga turista na pumupunta sa Brgy Binduyan dito sa Palawan, Puerto Princesa
Nagtatrabahon rin naman ako sa Sunrise Mansion ng kaibigan ko bilang kasambahay nila.
Pinipilit pa rin ni inay na lumuwas ng Manila para sa akin, pinapabayaan ko na lang siya na gawin ang gusto niya Kahit malungkot sa bahay dahil kami na lang ng kapatid ko ang natitira, natuto na akong mabuhay nang wala si inay. Si inay ang laging nagluluto para sa amin. Ako na ang gumagawa ng lahat ngayon dahil wala na siya, bihira na lang siyang umuuwi sa Palawan
"Anak, saan si Leo?" Tanong niya.
"Nasa baybayin po kasama mga barkada niya." Tugon ko.
"Tawagin mo siya anak may ibibigay ako sa kaniya." Aniya.
"Sige po inay."
Tumungo na ako sa baybayin kong saan si Leo tumatambay kasama ang mga barkada niyang lalaki, siya lang ang nag-iisa kong kapatid na lalaki, labing limang taong gulang pa lamang ngunit marami ng alam sa buhay, kaya nga pala siya lagi tumatambay sa baybayin kasama ang barkada niya upang mangisda para may ulam kami.
Mabuting kapatid si Leo at mahal na mahal ko itong kapatid ko, lagi siyang protektado kapag may lalaki na lumalapit o nanliligaw sa akin kaya't wala nang nagtatangkang manligaw sa akin dahil lagi niya itong pinag-iinitan ng ulo.
"Hiraya!" Hiyaw ng kaibigan ko at nagtatalon-talon hindi ko ma wari kong ano nangyayari sa babaeng to.
"Hoy! Tumigil ka nga!" Wika ko at hinawakan ang magkabilang braso niya.
"Hiraya may pangpakulay na ako ng buhok binili ko ito sa bayan, at binili ko rin ang gusto mong kulay na buhok na cherry brown.
"Talaga! 'Yan ang gusto ko sa'yo lagi kang maasahan Amaya."
"Ako pa, best friend mo ako eh." Kumindat ito at nilabas ang rabbit teeth smile niya na mas nag paamo ng mukha niya lalo.
"Rabbit kalaga." Asar ko.
"Ayan na naman siya! Na-iinggit ka lang sa ngipin ko."
"Mukhang ka ngang si bunny!"
"At least cute and pretty." Maarteng aniya at nagpacute ito sa harap ko.
Si Amaya ang matalik kong kaibigan rito sa palawan siya lang ang nag-iisa kong kaibigan at wala ng iba pa, para na kaming magkapatid ni Amaya kasi kong anong meron siya binibigyan niya ako, minsan nga nahihiya na ako kasi wala man lang ako maibigay sa kaniya.
May kaya kasi sila Amaya sila nga ang may-ari ng resort sa palawan na El Nido.
Simula pa nung bata kami, palagi niya akong binibigyan ng kung ano ang meron siya, kaya't para kaming magkapatid Minsan sinasabi nila na parang magkapatid kami ni Amaya at sinasabing kambal kami dahil hindi kami maipaghihiwalay Swerte ako dahil may kaibigang tulad niya.

YOU ARE READING
Maiden rare beauty
RomanceAng babaeng may taglay ganda na nagngangalang Hiraya matatagpuan sa islang tinawag na Puerto princesa. May isang binata na nahumali sa gandang taglay nito. Ang binata ay nagsimula gumawa ng paraan para mapansin ng dalaga na pinangalanan bilang Puert...