HONEYSUCKLE 35

287 23 2
                                    

Irene's POV

Congratulations anak!
Congratulations princess!

Ito ang greetings nina mommy and daddy sa akin, sabay kiss sa magkabila kong cheeks. Nandito sila sa Barcelona dahil Graduation ko sa masters today.

Thank you daddy and thank you mommy! I love you both! This achievement is for you guys! Kayo ang inspirations ko! Masigla kong tugon as we group hug together.

Ay sus sinali mo pa kami sa inspirations na yan princess baka yung Araneta ang ins++++++daddy stop! Will you please avoid mentioning that bastard? Ang pangit sa ears pakinggan eh. Inis kong reklamo kay daddy.

It's been 1 year and 7 months simula nung maghiwalay kami ni Greggy. Until now, di parin niya ako nilulubayan. Bakit? Kasi according to him di daw siya agree na naghiwalay kami. It takes mutual decision for couples to break up pero in our case it was just my sole decision lang kaya walang break up na naganap in between us daw. Diba ang labo niya? Siya lang ang nagfoformulate ng mga lintek na statements na yan.

Nagtataka rin ako kay daddy, bigla nag iba ang ihip ng hangin sa kanya, eh pano? kampi ba naman kay Greggy. Bukambibig niya ang Araneta na yun palagi kaya minsan sa sobrang inis, nagwawalkout nalang ako.

Ano kaya ang pinakain ni Greggy sa pamilya ko at sobrang boto na nila sa kanya?

Alam mo nak, ang pag ibig di lang about happiness. Di porket minsan kang na disappoint sa ginawa ng boyf++++Mommy oh si daddy
nagsisimula na naman. Paghingi ko ng tulong kay mommy as I clung into her arms. Matagal man akong independent dito sa abroad, automatic nagiging baby talaga ako if my parents are around.

Sweetheart stop teasing our daughter, baka ma badmood yan. This isn't the right time para sa mga love advices nayan. Ang mabuti pa, kumain nalang tayo to celebrate this very special day. Right anak? Pagbaling ni mommy sa akin.

Yes mommy, and you're right because I'm superduper hungry na talaga. Pag agree ko pa.

What the? Muntik pa akong mapamura sa bumungad sa amin dito sa may parking area.

What are you doing here? I ask, grinding my teeth.

Congratulations on your graduation day love! Hello po tito and hello po tita. Masigla niyang paggreet sabay fist bump kay daddy and beso kay mommy.

Bigla kong natutop ang aking noo dahil may patarpaulin pa siya. The audacity of this man to show up here without asking my permission, first.

Tita, flowers for you po.

Wow Hijo, thank you! Ikaw talaga nag abala ka pa, di naman ako ang grumaduate eh.

Okay lang po yan tita, ikaw kaya ang mommy ng grumaduate, pwedi na yan.

Hahahahahaha! Nakakatuwa ka naman hijo, I love your humor. Tumatawang tugon ni mommy.

Syempre po tita, di pwedeng pa good-looks lang tayo dapat may sense of humor din. Pag agree niya kay mommy.

Aba dapat lang Araneta. Singit rin ni daddy.

Ano tito, pasado na po ba akong maging son in law niyo?

Soon Hijo, darating din tayo diyan, mukhang may papaamuhin kapang dragonita eh. Hahahhaha! Rinig kong bulong ni daddy.

Literal na napanganga ako sa interactions nila. At kailan pa sila naging ganito ka close? Ba't wala akong alam?

Here are your flowers and big teddy, love!

Napabalik ako sa ulirat nang magsalita si Greggy sa aking harapan, holding a bouquet of flowers and big teddy, agad ko na naman siyang tiningnan ng masama. Di ba to nakakaintindi? Ba't ang hard headed ng isang to? Di ko alam san siya humuhugot ng kakapalan ng mukha eh.

HoneySuckleWhere stories live. Discover now