Ferena Gonrazweralez. Ang nag iisang anak ni Don Frido Gonrazweralez.
Ika isa ng hunyo, laking gulat at pagtataka ng dalaga pagka't narinig nito mula sa kaniyang Papa na siya ay isasama sa isinasagawang pagtitipon ng mga negosyante sa bayan.
Hindi niya batid ang dahilan. Maraming tanong ang pumasok sa isipan ng dalaga hanggang sa gabing masilayan nito ang mas makakapagtaka sa kaniya ng lubusan.
Sa gabing iyon ay nakita nito ang isang misteryosong lalaki.
Akala ng dalaga ay guni guni niya lamang iyon, akala niya ay sa isang pagkakataon lamang na masisilayan. Ngunit siya ay nagkakamali dahil iyon palang ang simula.
Ang simula na siya ay magagapos at makukulong sa isang misteryosong lalaki.