CHAPTER TWO

4 0 0
                                    

Shawn Kim Aguas P.O.V

Nandito ako ngayon sa Bar, kasama ko ang kaibigan kong si Asher. Ngayon na lang ako nakalabas ng bahay isang linggo na mula nung umalis sila mom at dad.

“Saan na kayo mag- aaral ni Eli?” tanong niya habang sumisimsim ng alak.

“Sa Jooshin.” sagot ko at uminom din ng alak.

“Ang daya mo, hindi ka sakin nagsabi na lilipat ka pala ng school.” aniya na may pag tatampo sa boses niya.

“Alam mo naman na napatalsik kami sa NIS” sagot ko, tiningnan ko naman ito at buntong hininga na lang ang sinagot niya sakin. Kahit kaibigan kita simula pa noon,hindi ko maaaring sabihin sayo ang tunay na dahilan namin ni Eli kung bakit mas pinili namin ang Jooshin kaysa NIS.

Madami dami na din ang napag usapan namin tungkol sa kani-kaniyang buhay namin na puro siya ang bida sa kwento niya, madami na din ang nainom namin kaya't medyo may tama na kami.

Palabas na kami ng bar ng may bumangga sakin na tatlong lalaki na naka suot na itim, kahit na medyo hindi ko maaninag ang Mukha nila dahil sa madilim sa parteng iyon, alam kong nakangisi ito sa akin.

“Oh, Sorry.” sarkastikong aniya bago kami nilagpasan. Naalala ko mukhang silang tatlo din ang sumusunod sa amin ni Eli sa Mall nung Isang linggo.

“Mga siraulo yun ahhh, bastos!” Saad ni Asher, nilingon ko ang tatlo ng maupo din ito sa kaninang pwesto namin ni Asher.

“Halika na.” niyaya ko na lang si Asher palabas ng Bar.

“Pano ba yan, uuwi na ako at baka malate ako bukas.” paalam niya sakin ng nasa parking lot na kami.

“Sige dre! Ingat ka sa pag uwi.” sagot ko naman.

“Ikaw din dre, ingat.” sumakay na ito sa kanyang kotse at pinaharorot paalis.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko hanggang mawala sa aking paningin ang papalayong sasakyan ni Asher.

Sa di kalayuan may nakita akong mga naka itim na lalaki na naka itim na jacket at pulang sombrero. Papalapit na sila sa akin, limang diba ang pagitan namin ang lider nila ay may dala pang bakal na baseball bat.

“Mag isa ka lang ata Shawn Kim Aguas.”  Saad ng lider ng mga kumag na ito.

“Tss!! Don't call may full name bastard, lalo na kung ikaw ang magbabangit nun.” naka ngising saad ko.

“Hindi ka parin nagbabago sa kayabangan mo Aguas!” natatawang sabat ni BJ kasamahan ni Pao ang lider ng mga kumag na to.

“Ano kailangan nyo?” walang ganang tanong ko dahil wala na akong panahon makipag usap sa kanila.

“Sa ngayon wala naman,napadaan lang kami nung makita ka namin.” sagot niya, malakas na buntong hininga na lang ang pinakawalan ko.

Naglakad na ako palapit sa kotse ko at pagkasakay ko ay agad ko itong pinaharorot dahil gusto ko nang umuwi at matulog.

* * * *

Pagka dating ko ay bandang alas dose y medya  na, nakapatay na ang ilaw sa sala siguradong tulog na sila.

Pagpasok ko ay napatingin ako sa dining room, naka bukas pa ang ilaw dito kaya dumeretso ako doon.

Nakita kong kumakain si Eli ng Cereals habang busy ito sa kakatipa ng cellphone nya.

“Gising ka pa.” Saka pa lang niya napansin ang presensya ko, nilingon naman ako nito.

“Andyan ka na pala, you want?” alok niya sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon