Nights with Mister Ten - 32

14 0 0
                                    

Si Aiselle:

Wala si Teddy kaya nag-aya akong uminom sa bahay niya.

Sila Niko, Rein, Karina, Gina at Chelsea lang ang sumama sa akin.

Buti nalang din at sumama si Niko at may nagdrive sa amin papunta dito.

Umulan kasi kanina kaya traffic at mahirap sumakay.

Kahapon pa hindi umuuwi si Teddy.

Mukhang alam ni mama Luna kung bakit kaya hindi na naquestion kung bakit wala siya kanina sa lessons.

Si Andy tuloy ang kasama kong magturo kanina.

Isa rin siya sa mga elite fantasies na kasabayan namin nila Teddy.

"Kelan daw ang balik ni Teddy?" Chelsea

"Hindi ko alam." Sagot ko.

Feeling ko kasama niya si senator Kiara.

Hindi ko kwento yun kaya hindi ko na shinare sa kanila.

Uminom na ako ng beer.

"Hindi ko na alam!"

Napatingin kaming lahat kay Gina.

Natatawa na si Chelsea.

Mukhang siya ang unang nalasing sa amin.

"Hindi ko na alam kung tama bang hinihintay ko siya! Bakit ko nga hinihintay? Hindi naman siguradong babalik siya! Ayoko na! Ayoko na talaga!"

Inakbayan siya ni Chelsea.

"Kalma ka lang Gina! Kalma."

"Napapagod na ako sa mga lalake! Mga bwisit kayo!"

Humarap siya kay Niko pagkasabi niya non.

"Bakit ako? Wala akong ginagawa sayo!" Natatawang sagot ni Niko.

"Alam niyo patutulugin ko na itong si Gina. Tulungan mo nga ako Niko." Chelsea

"Wag mo akong hawakan!" Sabi ni Gina kay Niko.

"Rein ikaw na nga lang!"

"Ay hindi ako lalake?"

"Hindi!" Sabay sabay na sagot naming lahat.

Inakyat na nila Chelsea at Rein si Gina.

Tutulong sana si Karina pero sabi nila ay kaya na nila.

"Magyoyosi lang ako sa labas."

"Nagyoyosi ka Niko?" Tanong ko.

"Minsan."

Tumayo na siya at umalis.

Ewan ko pero naawkward ako kay Karina.

Hindi to puede!

Kailangan kong alisin tong feeling na ito.

"Ahmm..Aiselle."

Medyo nabigla ako nang maunang magsalita si Karina.

"Sorry.."

"Ha? Para saan Karina?"

Yumuko siya.

"Narinig ko kasing nag-uusap ang ibang fantasies kanina. Sabi nila ikaw ang laging binubook ni Richie. Ikaw ang paborito niya pero nang-aagaw daw ako."

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Sa trabaho natin Karina may kanya kanya tayong season. Tapos na ang peak season ko. Ikaw na ngayon. Wag mo silang pansinin."

"Uhmmm totoo bang may gusto ka kay Richie?"

Huminga ako ng malalim.

"Hindi ko alam. Nung naghiwalay kami ni Nikka ay sobrang lungkot ko talaga. Pinasaya niya ako. Sumakay kami ng helicopter at nag-inom. Kinomfort niya ako. Close kami ni Richie."

Nights with Mister TenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon