Si Janice:
Inaya ko si Chelsea na uminom.
Wala siyang booking kaya nagpahila nlang siya sakin.
Pumunta kami sa malapit na bar.
"So anong problema?"
"Gusto ko lang uminom."
"Asus. Si Liam oh!!!"
Napalingon ako doon sa tinuro niya.
Wala namang tao.
Tawa siya ng tawa kaya pinalo ko siya.
"Sorry na Janice. Alam mo kausapin mo na kasi si Liam."
"Bahala siya! Isa pa kung gusto niya talaga ako bakit hindi niya ako hinahabol?"
"Gaga ka! Magpapahabol ka eh ikaw tong ayaw na maging kayo."
"Exactly! Ayaw ko dapat pinepersuade niya ako."
"Di kita kinakaya! Jusko! Alam mo Janice wala tayo sa movies. Kung gusto mo yung tao you have to get him."
Sumandal ako sa upuan ko.
"Hindi naman ganon kadali yun."
"Gusto mo si Liam diba?"
"Well..."
"Then work hard for it! Hindi mahuhulog ang bayabas kung hindi mo kukunin. Tsaka Janice makabago na ang panahon. Kahit mga babae nanliligaw na!"
Natatawa ako kay Chelsea.
"Bakit ba G na G ka ngayon!?!? Ang lakas ng boses mo tapos bigay todo ka sa mga advice."
"Wala naman. O dali inom na!!"
Kinuha ko na yung beer ko at uminom.
Umuwi na kami Chelsea after ng dalawang bucket.
Tulog pa sila mommy kaya dumiretso na ako sa kwarto ko.
Napahaba ang tulog ko kaya nagmamadali na ako pagkagising ko.
Dumiretso ako sa fitting room pagkadating ko sa Pensèe.
Inayos ko na ang sarili ko at dumiretso sa bar.
Nakita ko si Liam na may kausap na waiter.
Kaya mo to Janice.
Lalapit na sana ako kaso bigla akong tinawag ni mama Luna.
Niremind niya lang ako sa performance ko at umalis na siya.
Pagtingin ko ay wala na si Liam!
Ano ba yan!
Di bale mahaba pa ang gabi.
Umupo na ako sa may bar.
Wala pa kasing client masyado.
Nakita kong tumutulong si Liam na mag-ayos ng table.
Tumayo na ako at naglakad papunta sa kanya.
Nang malapit na ako ay tinawag naman si Liam ng waiter.
May booking na siya sa isang table.
Kalma Janice.
Mahaba pa ang gabi.
Ilang beses ko pang sinubukan na lumapit kay Liam.
Grabe lahat na lang naabala!
Umaga na at pauwi na kami pero wala eh.
Wala talagang pagkakataon na magkausap kami.
Nauna na silang umalis nila Niko at Rein.
Mamayang gabi!
Kailangan makausap ko na siya mamayang gabi!
BINABASA MO ANG
Nights with Mister Ten (Complete)
RomanceKarina is in need of money because they were evicted from their house. As desperation calls, she pleads her friend Gina to have her also work as a waitress in Pensée. She then discovers the true nature of Gina's work and pushes through to work as an...
