2

10 0 0
                                    

"Kung ginagaya mo si Rica, subsob mag-aral"

"Palagi ka na lang ikalawa. Hindi kasi tinututukan ang pag-aaral"

"Mas inuuna pa kasi ang ibang bagay kaysa mag-aral"

Ang mga katagang iyon ang dahilan kung bakit palagi kong pinipilit ang sarili sa mga bagay na alam kong hindi ako sumasaya. Alam kong hindi ako mag-go-grow kung sa iisang bagay lang ako naka-focus pero kung ipipilit ako sa mga bagay na alam kung may mas higit sa akin, mas may posibilidad pa na pumuti ang uwak kaysa ang mahigitan ko sa lahat ng bagay ang mga dapat na hindi naman dapat.

Napapagod na ako sa pagkukunpara dahil lang sa mga resulta ng aking mga nagagawa. Ang pagod at paghihirap ko para makakamit ng mga bagay na alam kong masisiyahan sila ay nababalewala dahil sa may mas magaling sa akin. Sa pagdaan ng panahon natututo na akong ikumpara ang sarili ko at ilayo ang sarili za mga bagay na alam kong magpapasaya sa akin.

Hindi ko nagagawang paunlarin ang mga bagay na alam kong may kakayahan akong gawin dahil sa mga inaasahan nila sa akin na makakapagbigay ng pagkilala na sila ang dahilan kung bakit ko nakamit ang mga iyon. Kaya kahit may mga bagay akong natatamo, hindi na rin ako sumasaya dahil sa nakatanggap ako ng mga bagay dahil alam kong ako lang ang proud sa sarili ko ngunit sa bawat pagkakataon na ibababa nila ako at ikukumpara ay natuto na akong ibaba din ang aking sarili at hayaan na lang mga bagay na umikot sa paligid ko at hayaan ko na lang din ang sarili ko na mahilo rito at matumba. Aasa na may sasalo at sasagip sa akin kung sakali mang matumba. Ngunit wala dahil sa simula palang ay itinuro na nila sa akin maging mag-isa.

*****

Nalalapit na ang paligsahan at abala kami ni Ian sa pagsusulat ng mga tula. Kung ano-anong tema ang sinulat namin upang mas mahasa namin ang aming isipan sa kung sakaling ang maibigay na tema ay nasubukan na namin. Sa mga araw na magkasama kami ni Ian ay ibayong saya ang nararamdaman ko. May mga oras man na hindi kami nagtutugma at nagsasalubong ay sa huli tatawanan namin ang mga bagay na iyon.

Isang buwan na ang nakalipas ng maging magkaibigan kami ni Ian. Sa isang buwan na iyon ay mas lalo atang naging makulit siya at mas maligalig sa mga bagay-bagay pero hindi ko maiialis sa aking sarili na masaya ako sa tuwing kasama ko siya. Kahit na uuwi akong animo'y hangin lang sa bahay ay hindi iyon dahilan para panghinaan ako dahil alam kong ngayon ay may makikinig na sa akin at dadamay sa kadramahan ko.

Kasalukuyan kaming nasa park at naggigitara siya habang kinakanta iyong 'Superstar', hindi ko alam pero bakit palaging tugma ang mga bagay na gusto at ayaw namin.

Dahilan din siguro iyon kaya mabilis din kaming nagkakasundo lalo na at hilig naming dalawa si Taylor at ang mga kanta niya. Pati na rin ang pagsusulat. Isa iyon sa mga bagay na naging dahilan kung bakit lalo kong nakasundo si Ian.

"Diana" tumigil siya sa pag-strum at tinawag ako. Lumingon ako at itinaas ang kilay bilang pagbibigay atensyon sa kanya dahil busy ako sa paggawa ng mga tula na kontemporaryong tema tungkol sa society.

Tumitig muna siya bago nagsalita. "Alam mo ang ganda mo... kaso panget ka!" sabay halakhal. Nangunot ang noo ko pero dahil wala namang kwenta yong sinabi niya ay ipinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa ko.

*nilalaman ng tula

'Bulok na mga pangako
Atin pa ring pinulot
Natupok na pag-asa
Mistula'y walang kwenta

Angking lakas na loob
At makapal na dibdib
'Sang masahol na lobo
Malayang nanggigipit

Hindi na matatapos
Ang paghihirap natin
Kung sa pagkakataon
Tayo ay kumikiling

Hindi na magwawakas
Malabong ring maka-ahon
Sa paghihirap na dinadanas
Dahil sa kasakiman, walang kakilingan
Makitid na pag-iisip at maling akala

Stole My Tortured HeartWhere stories live. Discover now