"Di na Natuto"

49 2 5
                                    

Sabi sakin ni Inay, wag daw ako papalit palit ng simcard. Gulong gulo nadaw kasi sya kung san nya ko itetext. Nakakainis kaya yung andami-daming nagtetext sayo na di mo naman kakilala. Buti sana kung magalang at masayang katext. Kaso hindi naman e. yung iba, di nagpapakilala. Yung iba naman, kabastusan ang sinasabi. Nakakainis kaya yun. Iniisip ko nga kung san nila nakukuha number ko e. Wala naman sanang naglagay nun sa cR, sa dingding o sa mga upuan na tulad ng ginagawa ng iba.

Lumayas ako sa bahay. Nagalit kasi sakin si Inay na hindi ako umuwi nung minsan isang gabi. Sabi ko, nagpalit ako ng simcard kaya di ko sya natext. Di ko kasi saulo number nya e. Ewan ba, palagi nalang yun galit sakin. E sa napasarap kwentuhan namin sa bahay ng kaybigan ko, ayun, inumaga na. Nung umuwi ako samin, mga damit ko na ang kasalubong ko. Sabi ni Inay, lumayas nadaw ako tutal wala naman daw ako naitutulong sa kanila. Palagi daw akong wala sa bahay. Gabi na nga daw ako umuuwi tapos paggising ko, kakain lang ako at aalis na ulit. Sabi ko naman, nag-aaral po ako, natural nasa school ako. Pero ang sakit-sakit na ipagdiinan sayo na parang napakawalang kwenta mong tao.

Hirap na hirap ako nun. Hindi ko alam kung san ako pupunta, o kung san ako makikitulog manlang. Hindi na ako nakapasok. Nagpauli-uli ako pero wala akong matirhan kasi wala akong pera. Nagpunta ako sa bahay ng mga kaybigan ko, pero nasabihan nadaw sila ni Inay na wag akong tatanggapin. At ang masakit pa nun, di ko nadaw kelangang mag-abalang pumasok pa ulit sa school kasi dinrop nadaw ako ng teacher namin. Saklap lang. Gutom kana, wala kapang matirhan, wala kanading kinabukasan. Tssss.

So no choice, naghanap ako ng trabaho. Natanggap naman ako sa tindahan ng cellphone. At dahil dun, kahit papaano'y kumita ako ng para sa pagkain at pambayad ko sa bahay. Dahil sa nangyaring yun, kinalimutan ko nang may pamilya ako. Itinakwil na nga ako diba? Para san pa at kilalanin pa sila? Galit na galit ako nun. Isinumpa ko na nga din pati mundo e. Ni hindi ako humingi ng tulong sa kahit na kanino, ayoko kasing sa huli e ibabatos pa sakin mga nagawa at naitulong nila sa akin. Mahirap mabuhay na para kang nag-iisa. Mahirap magsimula na wala kang kasama at karamay. Mahirap mawalan ng pamilya. Pero iniisip ko, sila ba? Nahirapan ba sila nung nawala ako? Inisip manlang ba nila kung okay lang ako o kung nasan ako? Ni walang sulat o text manlang akong natatanggap mula sa kanila. Sabagay, hindi nga pala nila alam number ko.

Ngayon, may pamilya na ako. Nakilala ko si Manny sa tindahan na pinagtatarabahuhan ko. Isa sya sa napakaraming kostumer na humingi ng number ko, pero sa napakaraming yun, sa kanya ko lang ibinigay. Ewan nga ba kung ano meron sa lalaking to. Basta ang alam ko, pinasaya nya ako at binigyan ng masaya at maalwang buhay. Nabibili ko lahat, sabihin na nating madatung na ako ngayon. Odiba? Pak na pak!

Masaya na ako at nakalimutan ko nadin lahat ng nangyari sakin pero isang araw, nagtext sakin yung isa sa kapatid ko, pero hindi nagpakilala, nanghihingi ng tulong para daw sa gamot ng nanay ko, ipadala ko nalang daw kasi alam naman daw nya na ayaw ko silang makita. WOW naman! Ang kapal ng muka na sa akin humingi ng tulong matapos ng lahat ng ginawa nila sakiin! Grabe lang!

Ilang beses akong nakatanggap ng text, pero di ko nirereplyan, tumawag nadin yung numerong yun ng ilang beses pero di ko sinasagot. At dahil sa limang araw ng panggugulo nila, muli akong nagpalit ng simcard.

Dumaan ang isang linggo. Tahimik at balik na sa dati ang lahat nang nakaramdam ako na pagkabagabag sa aking loob. May kung anong hindi ko maipaliwanag. Kinausap ko si Manny at sinabi ko sa kanya ang nangyari at ito lang ang sinabi nya "Everyone deserves a second chance. Baka ito na yung time na dapat mo nang patawarin yung mga nakagawa sayo ng kasalanan, tutal, pamilya mo naman yun at hindi kung sino lang. Alam natin na hindi madali ang lahat. Pero alam ko, at naniniwala ako na mahal mo padin sila sa kabila ng mga nagawa nila sayo. Ayoko lang na may pagsisihan ka sa huli, mas mahirap yun."

At dahil dun, napagdesisyunan kong dumalaw sa kanila. Excited na excited ako. Namili ako ng mga damit, pagkain, grocery, as in madami talaga. Alam kong matutuwa sila lahat dun. Gustong gusto kona sila lahat yakapin.

At nang nakarating na nga kami dun, nagtitinginan samin ang mga tao. Hindi maganda ang tingin nila, hindi tuloy kami makalakad ng ayos papasok sa iskinita sa may amin. Nang makarating kami sa bahay, ibang iba na iyon. Sinalubong ako ng isa kong kapatid, sabi nya "Bakit ka nandito? Sino pakay mo?"

"Dinadalaw ko kayo. Asan si Inay? Kumusta sya? Ano ba naging sakit nya? Okay naba sya? Eto oh, madami akong dala."

"Anong sakit sinasabi mo dyan? Wala dito si Inay, sa Manila na kami nakatira. Pumunta lang ako dito para kunin yung aso."

"Ha? E May nagtext sakin at tumawag?. . . Anong ibiiiiig sabihin nunn?"

"E baka nanloloko lang."

Muli kong ininsert yung simcard at nabasa ko yung mga dati pang text ng number na yun na di ko na nabasa dati.

Ang sabi nya "Uyyy! Damot mo naman. Sige na nga, pede bang textmate nalang tayo?"

ANG TANGA KO LANG! SANA HINDI AKO NAGPALIT NG SIMCARD!!! ANG TANDA TANDA KO NA, HINDI NAKO NATUTO.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Di na Natuto"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon