CHAPTER 8

105 12 0
                                    

RYLEE

"Do you want something pa ba?" Tanong ni Abo kay Amihan.

Si Amihan naman ay may kinakain na cotton candy.

"We can buy anything for you Amihan namin " nakangiti naming sabi sakniya.

Kasi naman kanina pa kami naglilibot dito sa palengke, yep sa palengke kami bumili, it's because. Yun ang gusto ng kaibigan namin.

Tsaka sanay na rin kami sa palengke, hindi porket mayaman kami maarte na kami, nope hindi kami maarte.

Sadyang sanay na talaga.

"Ano bayan okay na nga kasi itong dalawang cellophane. " nakanguso niyang sabi at tumingin saamin.

"Para kanino ba yang isang cellophane?" Takang tanong ni Abo.

"Ah, para kay nanay ito. Gusto ko siyang bilhan ng damit. Kaso matagal na rin simula nung nag pasyal pasyal ako. " paliwanag ni Amihan.

"How about sa isang cellophane? " tanong ko.

"Ah ito, gamot to para kay nanay, medyo may sakit na si Nanay need niya ng gamot na sinabi ng doctor sakaniya, salamat talaga sainyo kambal tuko, hayaan niyo babawi ako. " mahabang sabi niya.

"No need it's our pleasure to help you, and now let's go to the mall, hindi pa ako nakakabili ng pampalit sa mansya kong damit. " nakangusong sabi ni Abo na ikinangiwi ko sabay tampal sa bibig nito.

"Hindi bagay sayo. " sabi ko.

"Tama, para kang bebe. " sabi naman ni amihan.

At tinalikuran si Abo, sumunod naman ako kay Amihan.

"Ang sama niyo saakin! " sigaw ni Abo.

Naglakad lang kami ni amihan na parang wala kaming narinig.

"Kayo nalang muna ang mag mall aya-"

Pinutol kuna ang sinabi niya.

"Nope, kaylangan mong sumama saamin, hindi ka pa nabibihisan. " pero imbis na pumasok ito sa sasakyan ko ay tumalikod ito at umalis.

Agad naman na hinarangan ito ni Abo at binuhat na parang sako.

"Tangina! Ibaba moko ano ba dumi!! Tangina ibaba moko malalagyan ng pintura ang damit mo! " sigaw ni amihan.

"So what?" Agad na ipinasakay ito ni Abo sa sasakyan ko agad ko namang sinarado ang pinto at nakipag apir sa kakambal ko.

Naupo ako sa driver seat.

"Here, wipe your face and hand. " ibinigay ko ang wipes para mapunasan niya ang pintura sa mukha niya at sa kamay niya.

Inikutan lang ako ng mata nito at kinuha ang wipes.

"Kayong kambal tuko kayo sarap niyong ibalibag. " naiinis na sabi nito.

"Don't worry, we got your back. Tsaka wala ng mang aapi sayo." Nakangiti kong sabi.

The Harrington TwinsWhere stories live. Discover now