CHAPTER 1

486 16 1
                                    

📌 CHAPTER 1

TRIGGER WARNING: Sexually Explicit Content. Some materials may not be suitable for persons under 17.

"Hoy Bakla! Ano na namang tinititigan mo kyle? Si Aaron na naman no? Naku naku naku, ano masarap ba? Kulang nalang lapitan mo at gahasain ah. Naku kyle ha. Baka bukas makalawa mabalitaan ko na nakulong kana dahil ginahasa mo ang isa sa mga Hot na Estudyante."
Nagulat ako ng biglang sumulpot si Lito sa tabi ko at tapikin ako sa balikat. Tatawa tawa ito habang tititignan ako kung paano nagulat sa ginawa nito.

"Ano ba lito!? Wag kangang nang gugulat! Grabe ka, para kang puke kung sumulpot. Nakakadiri."
Ang bulyaw ko sa kaniya bago ito itulak patagilid. Tatawa tawa ito habang pinagmamasdan ako. Bumalik ako sa panonood sa lalaking laman ng pantasya ko. Si Aaron.

"Che! Anong Lito ka diyan. It's Lily. L-I-L-Y. Lily. Hmp! Ikaw talaga, basta Aaron nawawala ka sa sarili bakla. Kanina pa kita pinagmamasdan dito eh halos bente minuto kanang babad sa araw para lang panoorin ang Aaron mo sa paglalaro ng Basketball."
Ang natatawang panenermon nito sa akin bago ako tabihan sa bench. Kinuha nito ang kaniyang payong sa loob nang bag niya at binuksan.

"Pasalamat ka at kaibigan kita, kung hindi baka hinayaan na kitang mabilad sa araw. Para umitim ka naman at mas lalo kang ayawan ng Aaron mo."
Ang natatawang saad nito na ikinatawa ko rin. Mas lumapit siya sa akin at sumilong kaming pareho sa dala nitong payong.

"Eh kahit naman mabilad ako sa araw eh di naman ako umiitim. Alagang sunblock to bakla"
Ang natatawang sagot ko sa kaniya na ikinangiwi nito.

"Bakla ang Hot ng Aaron mo. May pa Abs ang papi oh. Pero wapakels, mas hot ang Baby ko. Go Baby Jun!"
Ang saad nito habang pinagmamasdan naming pareho maglaro ang pantasya kong basketbolero. Napatakip ako sa aking tenga nang sumigaw ito. Napatingin dito si Jun bago kumaway at bigyan ng flying kiss ang baklang katabi ko, ang boyfriend ni Lito na ngayon ay Lily na daw.

"Bes! Si Aaron! Tumitingin dito! Go Aaron! Galingan modaw sabi ni Kyle! Suportadong suportado ka ng kaibigan ko Aaron. Galingan modaw sa pag shoot para sa kaniya...awwww"
Napatingin ako kay Aaron at nakatingin nga ito sa gawi namin. Pero napayuko agad ako nang dahil sa isinigaw ni Lito. Palihim ko itong kinurot sa tagiliran niya na ikinahalakhak niya.

"Yieeeee kinikilig ka naman bakla. Pasalamat ka ipinu push ko ang love story niyo ng Aaron mo!"
Ang tatawa tawa nitong saad habang kurot kurot ko parin ito sa kaniyang tagiliran. Hindi na ako makatingin sa gawi nila Aaron dahil hiyang hiya na ako dahil sa pagka bungangera nitong kaibigan ko. Ang sarap pasakan ng burat na puno ng libag para matahimik na.

"Baby! Buti nakapanood ka ng Practice namin. Grabe kapagod. Punasan mo na ako baby ko."
Bigla kaming tumigil sa pagkukulitan ni Lito nang lumapit dito ang kaniyang boyfriend na si Jun.

"Sana All."
Ang bulong ko na mukang narinig nila Lito at Jun dahil napahagikhik silang pareho habang nakatingin sa akin.

"Kyle, buti nakapanood ka ng huling practice namin."
Ang saad ng boses na galing sa likod ko. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil pamilyar na pamilyar sa akin ang boses na iyon. Nakaharap ako kila Lito kaya kitang kita ko ang mapanuksong tingin nila.

"Ahhhhh hmmm Oo naman, schoolmate tayo eh. Saka Goodluck narin sa intramurals."
Ang nahihiyang tugon ko rito matapos humarap. Nang mapadako ang tingin ko sa kaniyang hubad na katawan ay naka ilang ulit akong napalunok dahil balot na balot ng mga butil butil na pawis ang kaniyang kahubaran. Ang Abs nitong dinadaanan ng pawis ay mas lalong nagpainit sa akin.

"Ah sorry, pawis na pawis ako eh. Pwede mo rin ba akong punasan?"
Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil ang lalaking matagal konang Crush ay nagaanyayang punasan ko ang nakakaakit na katawan nito.

DADDY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon