Chapter 36

43 9 14
                                    


Umupo ako mula sa pagkakaluhod. Nasa tabi ko sina Aling Karina, si Kisha at sa huli si Manong Yusef. Hindi nakasama si Kuya Mentos dahil madaling araw na itong nakauwi galing sa duty. Isa pa, hiwalay naman ang tinitirhan nito.

I glanced back at the altar.

Hindi man pansin pero alam kong kinukubli ng bestida ni Aling Karina ang dinulot ng aksidente. It was a car collision, as Kuya Mentos said to me. He and Aling Karina were hospitalized for several days. They acquired mild physical injuries. Nasa backseat ang malakas na impact ng pagbangga. The echo was what cleaved to them.

Hindi ko madaling mapuntahan sila sa panahong iyon dahil inaasikaso ko ang lamay ng mga kapatid ko kung kaya hindi ko rin talaga alam ang dinanas nila.

"Jingga, kaarawan ni Kisha sa darating na linggo. Sama ka, magbabakasyon kami tutal ay matagal pa naman iyong balik-eskwela nila. Isasabay na rin namin iraos ang Moving-up niya," pahayag niya, papalabas na kami.

I smiled. "Pag-iisipan ko pa po. Ano na nga pong grade si Kisha?"

"Ngayong opening, nasa ikalimang baitang na rin 'yan siya." Tinitigan niya ang mag-ama. Nasa likuran kami nila.

"Alam mo, sabay sana iyan sina Esmamu," dagdag niya.

Sa pangalang binanggit niya ay napaisip ako. Tama siya. Plano kong ipagsabay siya kay Kisha dahil mabuting bagay naman iyon na magkakaibigan sila, they were playmates, sa mura pang edad. Iyon ay kung iba ang mga nangyari.

Tahimik akong napabuga ng hangin. I tried my best to live with the grief, hoping to finally heal. But over time, I realized grief isn't something I could chip away from. I just have to make peace with the past. And up to this moment, their timeline is still painful to think about.

Humawak si Aling Karina sa balikat ko. "Iniisip mo na naman sila."

I patter her hand. "Hindi ko po maiwasan." I even don't think I can continue life without thinking of them.

"Wala namang hindi masaklap na trahedya, Jingga," saad ng ginang. "Ang mahalaga, nagpapatuloy ka."

The creeping bitterness slipped past the comfort in her words. Masakit pa rin isipin. "Marami nga po akong balak para sa dalawa eh." Maraming-marami. Nang mag-umpisang humawak ng papel si Jed ay nakikita kong palagi siyang gumagawa ng paper plane. He wanted aviation: to maneuver a plane and navigate the sky. Magaling nga siya sa paggawa ng paper plane. Matagal bago bumabagsak sa lupa.

Si Esma, samantala, kahit hindi ko alam iyong pangarap niyang maging ay saksi naman ako sa pagsisikap niya tuwing tinuturuan ko siya.

I envisioned both of them having a quality life with me, living at a convenient place—our dream house, while schooling comfortably. Then after, working on their dream job.

"Sa palagay ko, may rason naman ang pagkawala nila," pang-aalo ng ginang. "Naniniwala akong hindi lang sila kinuha na walang nakasailalim na dahilan. Magpakatatag ka lang, Jingga, malalaman mo rin ang sagot."

Only if they hadn't passed away so soon.

"'Yon din po ang gusto kong isipin." Kakayaning tanggapin, tutal wala naman akong ibang pagpipilian. Nandito na. Tapos na. Miss ko tuloy kumain ng hapunan kasama sila.

"Kamusta nga pala ang iyong karinderya?" sabat ni Mang Yusef.

Tumingala muna ako. Namumuti sa ulap ang kalangitan, tinatabunan ang araw. "Bumubuti naman na po. Dumadami na nga po suki namin galing eskwelahan." Hiring my old colleagues was a good choice because they were able to effectively function like there in the restaurant. "Pwede niyo pong ipalipat si Kisha, mababantay ko pa siya sa carenderia."

Drives Under NightlightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon