Alaala ng Kabataan

9 10 0
                                    

Ever since namulat ako sa katotohanan, ngayon ko lang napagtanto na mas masaya pala maging bata. 

Makulay ang mundo, puno ng ligaya at pag-asa. 

Wala kang iniintinding problema, puro laro at tawa. 

Tutulog ka ng mahimbing, walang alalahanin, parang palaging may bagong adventure kinabukasan. 

Ngayon, malungkot na ang mundo, parang wala nang kulay. 

Puno ng problema, mga alalahanin na tila walang katapusan. 

Tutulog ka na may luha sa mga mata, dala ng pagod at hirap ng araw-araw na buhay.

 Naisip ko lang, sana hindi ko minadali ang pagtanda. 

Dahil dito sa mundo ng mga matatanda, parang walang kasiyahan.

 Doon sa mundo ng kabataan, parang lahat posible, lahat kayang abutin. 

Ngayon, kahit anong gawin, parang laging may kulang, laging may hinahanap. 

Naisip ko lang, dapat pala tinamasa ko ang bawat sandali ng aking kabataan. 

Dapat pala pinahalagahan ko ang bawat tawa, bawat saya.

Dahil dito sa pagtanda, tila ang lahat ng iyon ay alaala na lang.

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now