Reconnecting...

15 4 1
                                    

*ping*

[1] Calendar Reminder
"Flower Festival"
Note: Visit Inang & Papang

"Uuwi na ulit ang disney princess ng mga Ramirez!"

Pahiyaw na tuwiran ng dalaga pagkatapos nitong basahin ang notification sa kanyang selpon. Napahalukipkip naman ito ng mapansin niyang nakatingin ang mga tao sa bus.

Tatlong bayan na lang at malapit na siya sa kanila, nananabik na siyang makapiling muli ang kanyang pamilya at makatulong sa pagdedekorasyon sa piyesta.

Mabuti na lamang at nakapuwesto siya malapit sa bintana bago pa magsiksikan sa loob.

Yakap yakap ang isa niyang bag na puno ng damit ay humalumbaba ito habang pinagmamasdan muli ang daang pamilyar sa kanya.

"Ney, ket sibibiag ka met pay gayam"

(long time no see)

。˚⊱❀⊰˚。

Little did she know, Itong araw na ito ang magiging hudyat, the beginning of a story filled with unexpected adventures, deepening friendships, and the blossoming of something she never dared to voice aloud, a one sided affection.

All of these, this month of February.

。˚⊱❀⊰˚。

Malapit na ang pistang dinadayo sa Baguio, ang Panagbenga. 

Kailan ba noong huli siyang umuwi? 2019? Eh anong taon na ba?

Matagal tagal na rin talaga, mabuti na lamang at inipon niya ang kanyang mga leave para makadayo ngayong taon. Hindi din naman ito convertable into cash kaya mainam ng masulit ang kanyang pahinga kapiling ang mahal niya sa buhay.

Paniguradong malalaki na ang alaga nilang pusa doon pati na rin si Kael, ang nakababata niyang kapatid.

。˚⊱❀⊰˚。

"Justin, may bagong bukas na ukayan diyan malapit sa Kabayanihan. Pumunta ka doon, ang daming napamili ng mga pinsan mo kahapon. Naka-sale sila kasi opening may tig-10 pesos lang."

"Saan doon, ma?"

"Pagkalagpas ng malaking bahay nina Deleng, diba may bakery doon? Tapat lang, baka mabibilhan mo rin ako ng bistida para may mairarampa ako sa piyesta."

"Ayon! sabi na nga ba, gusto nyo lang kayo'y aking mabihisan. I gotchu ma! Picturan pa kita sa fiesta, tatalbugin natin si Catriona."

"Lahat na ng kalokohan mo, pinairal. Sana red bilhin mo para match."

"Hala, may asim ka pa talaga hahaha" Sabay namang napatawa ng malakas ang mag-ina at hinampas nito sa braso si justin.

"Pastilan ka, diyan ka na nga at ako'y madami pang iimisin sa bahay"

At naiwan na muli ito mag-isa sa kanyang kwarto.

。˚⊱❀⊰˚。

Ito na ata ang pinakamahabang piyesta sa Pinas dahil halos kada linggo ay may event sa bayan.

Unti unti na ring sumisikip ang daan dahil sa mga dumadayo dito para sa piyesta. 

Ako ang nakatoka sa pang itaas na palapag namin; halo halong sariwa at pekeng bulak ang ina-arrage ko sa mga vases. 

Mamaya ay ilalagay ko iyan sa bawat parte ng bahay. Sinabit na rin ni kael ang bungkos ng strawberry na sariwa sa gitna ng bintana namin.

Iyan ang pinaka-cute na tradisyon ni inang, dahil naniniwala siyang magdudulot ito ng abundance sa bahay and it symbolizes celebration na siyang bagay na bagay sa okasyon. Sabi rin ng inang, titigil lang siya sa pag-sabit ng presas kapag lahat kaming anak niya ay nahanap na ang aming perfect match. 

Like Fireworks, We Collide. (JUNGWON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon