Author's Note: This is a work of fiction. A fan made story about the Wattpad story of eatmore2behappy Ang Mutya Ng Section E
Ang mga tagpo dito ay sanhi ng imagination ko at walang kinalaman sa daloy ng tunay na kuwento.
Jay-Jay's POV
"Jay...Congrats. We are finally graduating"
Dahan-dahang bumukas ang pinto ko at nakatayo dun ang kapatid Kong Horoscope na nakatoga at ayos ang pormahan.Minsan talaga topakin siya kaya, bigla nalang hihina ang boses at parang naglalambing. Kaya natatakot din ako minsan na baka salubungin nalang ako neto ng kutsilyo, nakakatakot kasi ang pagiging MABAIT niya mas gusto ko yung mapanakit na Horoscope kesa dito.
Nginitian ko lang siya habang inaayos ang uniporme ko
"Oo nga"
Agad kong kinuha ang toga ko na naka hanger at nakasabit sa pinto ng cabinet ko. Bigla nalang tumawa ng mahina ang loko kaya sumibangot ako"It's a miracle for you, wala pa namang laman yang utak mo"
Ihahampas ko pa sana ang dala kong toga kung di lang niya sinara agad ang pinto.Lokong Horoscope to!
Nagawa pa akong sabihan ng ganun, akala niya ata dinaya ko ang exam bago makagraduate. Matalino to
Kung di ko lang siya kapatid. Malamang naging kaaway ko siya, well naging kaaway ko naman talaga siya.
Baliw din kasi, parehas kami. Pero mas baliw siya
" Ewan ko sayo, horoscope"
Nakangiti kong sabi at inayos ang toga ko. Baka matupi to, ako pa naman nagplantsa nito.
Kagabi ko yan pinlantsa, kaya medyo napuyat akoAnong say ng napuyat?
Pinuyatan kasi talaga, special day kaya to ngayon
Lumabas ako ng kwarto ko bitbit ang toga ko at tumutunog pa sa tiles ang takong ng sapatos ko. Feel na feel ko naman ang paglakad kasi wala lang, feel ko lang.
Pagdating ko sa sala, wala na silang lahat.Iniwan talaga ako!
Yan kasi Jay, lesson learned
"What are you doing? Malalate na kayo sa graduation program"
Si Kuya Angelo na always gwapo kahit maladelubyo. Galing siya sa kusina at dumiretso na din siya sa labas kaya nagmamadali akong lumabas.Hindi na ata mawawala ang sermon niya sa pang-araw-araw kong pagpasok sa paaralan. Hindi na din mawawala ang kutos niya
Paglabas namin naghihintay na sina Mama at Lola sa loob ng SUV, nandito din ang maganda kong Tita.
Mapanakit nga lang
At ang kambal na makulit parin. Sakit sa ulo, tulad ko
At si Papa kasama si Tita at si Percy na nakahawi pa ang buhok. Akala mo naman kung siya ang aattend ng graduation.
Ganda pa ng suot
"Papa"
Sabi ko at yumakap sa kanya
Pagkatapos ay humiwalay ako. Ganun lang, baka masira beauty ko.Sayang din to, minsan lang ako nag-aayos. Para naman maganda ako sa harap nila
"Aries baby"
Salubong naman netong isa at nakatanggap agad siya ng palatok kay Aries.Pagtawa lang ang sagot niya.
Hindi parin siya nagbabagoIpaparehab ko na ba siya?
"Tara na, malalate na tayo"
Si Kuya yan at sumakay sa SUV.
YOU ARE READING
Ang Mutya Ng Section E - Fanfic
FanfictionA fan fiction story of Ang Mutya Ng Section E by Eatmore2behappy........