Selev Pov
Nagtataasang mga bilboard, gusali, at poste ng kuryente ang aming nadadaanan. May mangilan ngilan ding tao na naglalakad sa gilid ng kalsada. Naroon din ang ilang maliliit na tindahan katulad na lamang ng isa sa pinakasikat na pandesalan. na dinarayo pa Ng mga taga ibang bayan Ang " malunggay pandesal" katabi lamang ito ng gasoline station. Natatanaw ko rin Mula sa dika layuan Ang mga tao na nakatayo sa may gilid Ng kalsada na sa aking pakiwari ay nag aabang Ng bus. alas singko pa lang ng umaga ngunit buhay na buhay na ang siyudad, madilim pa ang paligid. subalit abala na Ang mga tao. isinara ko na lamang Ang bintana at Saka ko isinandal Ang aking ulo, Bukod kasi sa mga matataas na gusali at mga poste Ng kuryente Wala na akong ibang nakikitang magandang tanawin, maging Ang simoy Ng hangin ay Hindi na rin sariwa. Naging maunlad nga Ang buhay dito sa siyudad subalit punong puno na rin ito Ng mga inprastraktura at mga sasakyan na Nagiging sanhi Ng pollution. Ipinikit ko na lang Ang aking Mata Ng makaramdam ako Ng antok. Masyado pang malayo Ang biyahe namin patungong probinsya.
Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras, nagising ako ng maramdaman ko aNg pananakit ng kaliwang bahagi Ng aking ulo dahil narin siguro sa Hindi maayos na posisyon at pagkakasandal ko sa bintana,dahan dahan Ko itong iginalaw upang makaupo ako Ng maayos ininat ko rin Ang aking mga braso pataas para narin matanggal Ang pangangalay Ng aking balikat. Nang masiguro kong maayos na Ang aking pakiramdam , isinandal kong muli Ang aking likod sa may headrest.
" Mabuti naman at gising ka na" napatingin ako sa driver seat kung saan nakaupo si mama at nagmamaneho, diretso lang ang tingin niya sa daan hindi ko alam kung ako ang kinakausap niya o si alex. nasa front seat din kasi nakaupo si alex katabi ni mama at katulad ko ay kagigising niya lang rin. hindi ako sumagot , hindi naman siguro ako ang kinakausap ni mama.
" Ma, kumain muna tayo. nagugutom na ako eh" narinig kong sabi ni lexxy, sakto naman na tumunog ang tiyan ko. gising na rin pala Ang bruha Kong kapatid. Hindi ko na hinintay Ang isasagot ni mama sa halip ay isinuot ko Ang headset na nakasabit sa aking leeg at pinakinggan Ang Isa sa mga Pinaka paborito Kong musika " Stay the same" ni blank meloff. nang matapos na Ang musikang pinapakinggan ko sakto namang naramdaman kong tumigil na sa pag takbo Ang kotse
" Kumain mo na tayo" narinig Kong Sabi ni mama at nauna na siyang bumaba Sumunod naman sa kaniya si alex at Ang dalawa ko pang kapatid na si lexxy at lelen, tinanggal ko muna Ang headset na nakalagay sa aking Tenga saka ko hinubad Ang aking suot na jacket, inilagay ko muna Ito sa katabi Kong upuan. Bago ako lumabas Ng kotse
Sariwang hangin. Iyan Ang unang sumalubong sa akin pagkababa ko.
" Ate, Ang tagal mo pagong ka ba?" Sabi ni Alex habang nakakunot Ang noo niyang nakatingin sa akin. May ilang hakbang Lang Ang layo Niya mula sa aking kinaroroonan, si Alex Ang nag iisa Kong kapatid na lalake, ako Ang panganay si Alex Naman Ang Sumunod sa akin, at si lexxy Ang pangatlo si lelen Naman Ang bunso kong kapatid. sa aming lahat si Alex Ang Pinaka seryoso at mainitin Ang ulo.
" Sinabi ko bang hintayin mo ako?" Pagtataray ko sa kaniya at Nauna na akong mag lakad.
Nang makapasok ako sa loob Ng karenderya, naabutan Kong nakatayo si mama sa may harap ng lamesa Kung saan nakahilera Ang mga pagkain. Kausap Niya Ang babaeng may mahaba at kulot na buhok . Habang Seryoso namang nakatingin sa kanilang dalawa Ang isang mataba na ginang na nakaupo malapit sa may lamesa. Siya siguro Ang may ari Ng karenderya base narin sa bag na nakalagay sa kaniyang beywang. Naglakad ako patungo sa kinaroroonan ni mama, Napatingin sa akin Ang matabang ginang. Bigla itong tumayo at bahagyang umawang Ang maliit nitong labi nanlaki rin Ang bilugan niyang mga Mata. Para siyang nakakita Ng multo. Bigla akong kinilabutan sa kaniyang naging reaksiyon Kung kaya't kaagad Kong tinawag si mama na mabilis namang lumingon sa akin.
YOU ARE READING
Hiram na katauhan
Mystery / ThrillerIsang lalakeng naghahanap Ng kasagutan sa nakabaong lihim Ng nakaraan, naghahangad na makamtan Ang katarungan na sa kaniya'y ipinagkait Handa siyang hiramin Ang Katauhan Ng iba maisakatuparan lamang Ang kaniyang mga minimithi. CTTO: Cover is not m...