CHAPTER ELEVEN
"I Can't Use It"Bryce's POV
HINDI MAIPINTA ang ekspresyon ko habang nakatingin ako sa grupo ng mga patay gutom na kaharap ko. Nawawalan ako ng gana kumain dahil sa kanila. Ang dungis nilang kumain at tila ba ilang taon silang hindi nakakain.
Kaharap ko ngayon ang limang miyembro ng Lawbreakers. Dahil hanggang sa ngayon ay kumukuha parin ng exam ang mga kasama ko, sila na muna ang kaharap ko. At mukhang hindi lang sila ang tumatambay dito basi sa nakikita ko na mga nakasulat sa pader at mga wanted poster ng mga Lawbreakers.
Ang nakakatawa lang, the picture is not their faces, but a sketch na malayo sa tunay nilang itsura. Kung sino man ang may pakana nito, siguro kailangan nitong magpatingin ng mata.
Pagkatapos kong lumabas ng examination room namin, tila ba may kakaiba akong naramdaman. It feels like I'm forgetting something. Hindi ko ito maalala kahit na anong pilit kong alalahanin ito. I could remember Primo introducing me to the special examinee he chose, yet I couldn't remember his name, nor his face.
Hayst. Ano ba naman iyan? Nadagdagan na naman ang iniisip ko.
"Hindi ka ba kakain? You have thirty minutes before the next exam." Sambit ni Lawson habang inagaw nito ang isang sandwich na hawak ni Hadeon.
"I'm sure Primo won't be the one who'll look after our exam. Kaya safe ka at hindi mangyayari sa iyo ang nangyari kanina." Sabi naman ni Kairo na mukhang squirrel na dahil sa dami ng naisubo.
He has a unique skill, huh. Napakaklaro ng pagsasalita niya kahit puno ang bunganga niya.
Napabuntong hininga na lamang ako at hinarap ang plato na wala nang laman dahil nasa bunganga ni Buster at Wilder na ito napunta. Naubos daw ang lakas nila sa exam kanina kaya ito, binabawi nila ang lakas nila. Ewan ko ba, binubuhat ata nila ang mga katanungan kaya pagod sila, hindi ang utak nila.
Kanina nang sabihin ko kina Lawson ang tungkol sa sinabi sa akin ni Primo, napatawa na lamang ng malakas ang grupo. Grabe talaga ang mga ito. Base pa sa sinabi ni Lawson, matagal na niyang naloloko si Primo, na mabilis naman daw maloko. At tsaka, hindi sila mabibisto dahil kina Hadeon at Wilder.
"He really is, bad at disguising. The moment na pumasok siya, nakilala ko kaagad siya." Ani ni Lawson, kung saan si Primo ang tinutukoy nito. "Kilalang kilala ko ang mokong na iyon dahil magkakilala na kami simula bata pa."
"Paano kapag nalaman niya na niloko mo siya?" Nag-aalalang tanong ko.
Natatakot ako na baka madamay ako. Alam ko na kasi, the moment na sabihin ni Primo ang pangalan, na niloloko lang siya, sila, ni Lawson. Natatakot ako sa maaaring gawin sa akin.
"Don't worry, he won't harm you or whatever. Trust me." Natatawang sagot niya. "I'm pretty sure he already knows that we fooled him. He has an amazing psychic ability after all."
"Paano kung hanapin niya si Alexander? Lawson?"
Napakamot sa ulo si Lawson at nagbuntong hininga. "Dami mong tanong."
"Mas marami ang tanong kanina sa exam. Dapat sanay ka sa isang 'to."
"You don't need to worry. Alexander Alexandres will cease to exist. We always have a plan after all." Wilder cockily said as he finish his food quickly before it gets stolen. "We don't only disguise as one student."
"Right. There's no need for you to worry about such thing." Lawson added.
Napakibit balikat na lamang ako at nagsimulang kumain pagkatapos akong bigyan ni Kairo. Buti naman at may natitirang awa sa puso nito at binigyan ako nga kalahati. At masarap ang bigay niya... sandwich na walang palaman.

YOU ARE READING
Haunted University: The Evil Within
Mystery / Thriller𝖧𝖠𝖴𝖭𝖳𝖤𝖣 𝖴𝖭𝖨𝖵𝖤𝖱𝖲𝖨𝖳𝖸: 𝖳𝖧𝖤 𝖤𝖵𝖨𝖫 𝖶𝖨𝖳𝖧𝖨𝖭 | 𝖲𝗍𝖺𝗇𝖽-𝖠𝗅𝗈𝗇𝖾 𝗢 𝗡 𝗚 𝗢 𝗜 𝗡 𝗚 A group of six people set off to an adventure in the woods for a ghost hunting. They're off to a haunted university to know what is this u...