CHAPTER 5

82 6 0
                                    

DANGEROUS ALPHA SERIES 1
Lucien Bradford [BL]

CHAPTER FIVE

MAHIGIT isang buwan na ang nakakalipas, at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin maka-get over si Zane sa sinapit ng nag-iisang pamilya na mayroon siya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa maagang mamamaalam ang kaniyang ama. At hindi rin niya maiwasang sisihin ang kaniyang sarili.

Hindi rin mawawala ang namumuong galit niya sa kaniyang madrasta at sa mga anak nito na tila ba walang may nangyari. They still act the same. Tila ba sila na ang official na nagmamay-ari ng kanilang bahay at isang sampid lang siya. Isang alipin na kanilang inuutos utusan na gawin ang mga bagay na kanilang ipapagawa.

Magluto ng agahan, tanghalian, at hapunan. Maghugas at maglaba. Maglinis ng buong bahay.

Wala na siyang ibang magawa kundi sundin ang kanilang utos, dahil kung susuwayin niya ito ay may hindi magandang parusa siyang makukuha mula sa kanila.

Hindi tulad ng dati, hindi na niya magawang makaalis dahil sa tatlo. Hindi na rin niya mapuntahan ang bahay ni Skylar dahil wala sa ngayon ang binata na nagpunta sa ibang lugar dahil sa kailangan nitong aasikasuhin. A family problem. Kaya naman heto siya't nagmumukhang Cinderella ang istorya ng kaniyang buhay.

Skylar actually gave him the key of his house para naman doon siya tumira, malayo sa kaniyang madrasta at dalawang asungot, ngunit dahil sa pagbabanta ng kaniyang madrasta na ibebenta nila ang kanilang ari-arian kapag umalis siya, wala siyang ibang choice kundi ang sundin ang kaniyang gusto. Ayaw niya kasing ibenta na lang ng basta-basta ang natatanging lugar kung saan maraming alaala ang nabuo nila ng kaniyang ama at ina.

Zane promised them that he'll take good care of their humble home. A place where a lots of good memories with them resides.

"Hoy! Linisin mo ng maayos ang salas dahil may dadating na bisita. Juskong bata ka, makakatikim ka talaga sa'king mamaya dahil sa pagiging walang kwenta mo," may inis sa boses na utos ng madrasta ni Zane. "The person who will be here is an important person. So don't just stand there, staring at the roof and clean the room! Right now!"

"Y-Yes po," tanging sagot ni Zane na pinipigilan ang sarili na umirap sa harapan ng madrasta niya. Akala niya kung sino makautos with pa-english pa na pananalita, mali-mali naman ang grammar.

Minsan talaga ay nawawala ang inis niya sa tuwing naririnig niyang magsalita ng pasosyal ito. Di pa English-english pa, mali naman ang mga ginagamit na words at kasama na ang grammar nito. Nakapanood lang ng K-Drama, parang kung sinong mayamang madrasta ito.

Dahil sa naririndi siya sa mukha ng babaeng iyon, wala siyang sinayang na oras sa paglilinis ng salas. Ang dating magandang lugar kung saan nakadisplay ang kanilang mga family picture at mga nakuha niyang mga achievements, na ngayon ay wala na dahil pinatanggal ito ng madrasta niya at pinalitan.

Ang kaniyang kwarto na naging guest room na, at doon na siya sa basement natutulog at nagsisilbi na ring kwarto niya. Marami na ang nagbago sa kaniyang pamumuhay.

Yung ibang gamit niya ay doon na niya dinala sa bahay ni Skylar dahil natatakot siya na baka biglang itapon ito ng kaniyang madrasta o di kaya ng mga asungot niyang kinakapatid na lalaki, na hindi naman kapatid ang turing sa kaniya. Wala ang mga ito ngayon dahil sa umalis ang mga ito at mamayang gabi na naman sila makakauwi na may kasamang mga partner.

Habang naglilinis, hindi niya maiwasang mapaisip kung sino nga ba ang dadating na bisita. Kung makasigaw kasi ang madrasta niya ay tila isang kilalang tao ang dadating. Base na rin sa sinabi nito. Kaya naman ay hindi niya maiwasang magtaka. Isa pa, napamake-up ang bruhang iyon at nagmamaganda.

[BL] DANGEROUS ALPHA 1: Lucien BradfordWhere stories live. Discover now