“Ano ba, Maloi?! Hindi nga kita gusto diba?! Sana naman maintindihan mo yun!”
Sigaw ni Colet pagkaharap niya sa akin. Kanina pa kami naghahabulan hanggang sa nakarating kami sa parking lot.
“Colet naman, ano yung kagabi? Wala lang ba yon sa'yo?!” Desperada kong saad sa kaniya habang umaagos ang aking mga luha.
“Maloi naman, sinabi ko na nga sa'yong mali. Lasing ako nun, akala ko ikaw si Chie. Kaya please, itigil mo na 'to” nagmamakaawang sambit niya habang nakaiwas ang tingin sa akin.
“Pero Colet, hinalikan mo ako-”
“KAYA NGA SINASABI KO SA'YONG MALI, MALOI! ANO BA ANG HINDI MO MAINTINDIHAN?!” putol niya sa sinabi ko, kaya ako naman ang natigilan.
“Colet wala na si Chie oh, hindi ka na niya babalikan kasi may iba na siya pero hanggang ngayon umaasa ka pa na nandito siy-”
“Nandito siya! Dahil nandito siya!” saad niya habang nakaturo sa may kaliwang dibdib niya. “Kaya 'wag mong sabihin na wala na siya, dahil nananatili siya dito.”
Ang sakit. Sobrang sakit.
Tangina, akala ko may meaning na ang lahat. Akala ko gusto niya na rin ako, pero wala pa rin pala.
“K-Kung nandiyan siya, n-nasaan ako?”
Naluluha kong sambit, nanghihina na rin ang aking mga tuhod na para bang sa ano mang-oras ay bibigay na ako.
“Wala, hindi naman naging ikaw e.” saad niya at nagmamadaling umalis sa aking harapan.
Wala, hindi naman naging ikaw e.
Wala, hindi naman naging ikaw e.
Wala, hindi naman naging ikaw e.
Wala, hindi naman naging ikaw e.
Wala, hindi naman naging ikaw e.
Wala, hindi naman naging ikaw e.
Wala, hindi naman naging ikaw e.
Parang isang plakang nagpaulit-ulit sa isipan ko ang mga katagang binitawan niya.
Biglang bumuhos ang napaka-lakas ang ulan na para bang nananadya, nakikisabay sa pag-agos ng aking luha.
Bibigay na sana ang aking mga tuhod ng may biglang yumakap sa akin mula sa likuran na parang bang inaalalayan ako para ako'y hindi tuluyang bumagsak.
“Sinaktan ka na naman niya, lagi na lang.” sambit niya sa aking likuran.
Lalong rumagasa ang luha sa aking mga mata ng makilala ko kung sino ito.
Mikha.