Chapter 2

115 5 2
                                    

Nandito kami ngayon sa next class namin, Philippine Politics and Governance. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako or what, kahit nakapag advance reading naman ako.

Wala ang subject teacher namin kaya may mag-sub sa amin at iyon ang magtuturo.

“Ate Maloi, ang tahimik mo naman.” pansin sa akin ni Stacey habang nagsusuklay.

“Ha? Wala lang sa mood, masyado akong na-drain kanina sa quiz.” sagot ko at dumukdok sa desk.

Totoo naman kasi, nakaka-drain yung quiz kanina. Feeling ko tuloy mali lahat ng sagot ko kahit tama naman.

“Tignan mo na lang si Colet oh, busy sa phone niya.” sabi ni ate Aiah habang inginunguso si Colet.

Hays, alam niyo talaga ang kahinaan ko.

“Baliw, baka mamaya busy yan. Hintayin ko na lang ulit siya sa parking lot. May ibibigay ako e.” saad ko na animong kinikilig pa.

“Ayan tayo e, para kang yung secret admirer mo, palaging may ibinibigay kay Colet kahit alam naman natin na--” hindi na naituloy ni Stacey ang sasabihin niya ng takpan ni ate Aiah ang bunganga niya.

“Ate Aiah wag mo na takpan, alam ko naman sasabihin ng gaga na yan.” sagot ko sabay irap kay Stacey na nag-peace sign pa sa akin.

Maya-maya ay dumating na ang sub-teacher namin na mukha pa lang masungit na.

Grabe yung kilay e, pak na pak.

“Everyone, ako ang magiging sub-teacher niyo for today sa PPG. Wala akong masyadong ipapagawa or ituturo. Magtatanong lang ako ng mga naituro na sa inyo ng PPG teacher niyo, recitation ito kaya ito ay recorded. Okay, start.” dire-diretsong saad ni Madam kilay.

“Anyone, what is the three branches of the government?” saad niya habang inililibot ang tingin. “You.” turo niya sa isa kong kaklase.

Mabilis naman itong napatayo, habang nagkakamot sa ulo.

Isa lang ang ibig sabihin niyan, hindi alam ang sagot, tsk.

“A-Ahh M-Ma'am, i d-don't k-know the a-answer po.” utal na sambit ng kaklase ko na halatang kinakabahan dahil nakatitig sa kanya si Ma'am.

“Sitdown, walang may alam ng sagot?” sambit niya.

Biglang nagtaas ng kamay si Stacey na ikinagulat ko.

Wow, for the first time ni accla.

“Yes miss, you know the answer?”

“Ah no po Ma'am, pero siya po alam niya.” gulat akong napalingon kay Stacey ng itinuro niya ako.

Tangina nito, kahit kailan pahamak, nananahimik na nga ako.

"Stand up Miss." napilitan akong tumayo dahil putangina nitong katabi ko, sarap ibitin patiwarik.

Mamaya ka sa'kin bwisit ka.

“What is the three branches of the government, Miss?” malamig na saad niya habang nakatitig sa akin ng diretso.

“The three b-branches of the government is L-Legislative, E-Executive, and J-Judiciary.” kabadong sagot ko sa kanya kaya nauutal ako dahil titig na titig siya sa akin.

“Which one 'makes law'?” sunod na tanong niya.

“Ako po ulit Ma'am?” takang tanong ko.

“May tinawag ba akong iba?” nakataas kilay na tanong niya.

Sabi ko nga, ako ulit.

“Legislative.” maikli kong tugon sa tanong niya.

“Carries out the laws?”

“Executive.”

“Evaluates laws?” nakataas na kilay naman niyang tanong.

“Judiciary.” dami naman tanong.

“What's your name?” tanong niya at kinuha ang cellphone niya at nagpipindot doon.

“Mary Loi Yves Ricalde po, Ma'am.”

“Okay, sitdown.” malamig na saad niya sa akin kaya umupo na ako.

Grabe yon ah, buti nakapag-review.

Pagkaupo ko ay napatingin ako kay Colet at nahuli ko siyang nakatingin sa akin na may mga ngiti sa labi.

Omg?! Crush niya ba ako?!

Delulu spotted.

“Sabi na alam mo sagot e, mabuti na lang mukha na kasing bubuga ng apoy si ma'am” saad ni Stacey pero inirapan ko lang siya.

Pahamak amputa, mamaya ka talaga sa akin.

Hindi nagtagal ay natapos din, breaktime na.

Nag-aayos kami ng gamit ng mahagip ng mata ko si Colet na palabas ng room dahil hinihintay siya ng tatlo niyang kaibigan, si Jhoanna, Gwen, at si Mikha.

Wow himala, hindi kasama ni Gwen si Sheena.

Nahuli ko na nakatingin sa akin si Mikha kaya nginitian ko siya ngunit nag-iwas lamang siya ng tingin.

Hmp, sungit.

“Tara cafeteria tayo, nagugutom na ako.” saad ni ate Aiah kaya napatango na lang kami ni Stacey at sumunod sa kaniya.

Pagkarating namin sa cafeteria ay agad kaming naghanap ng pwesto, nahirapan pa kami dahil ang dami talagang tao, buti na lang mabilis si Stacey tumakbo.

“Ano sa inyo? Ako na pipila, diyan na lang kayo.” saad ni ate Aiah pagkababa ng nag niya.

“Carbonara na lang at pizza. Isang water na rin.” saad ko at binigay ang pambayad.

“Ako rin ate Aiah, medyo busog pa naman ako.” saan naman ni Stacey, agad naman tumango si ate Aiah at umalis.

Pagkaalis ni ate Aiah ay agad kong piningot si Stacey, akala niya nakakalimutan ko ginawa niya kanina.

“Ahhhhhh, ate Maloi masakit!” sigaw ni Stacey kaya hindi magtataka na pinagtitinginan na kami ngayon.

“Ikaw gaga ka, pinahamak mo pa ako kanina. Paano nalang kung hindi ko alam yung sagot ah? Edi napahiya ako?” gigil kong saad at lalong diniinan ang pag pingot sa kaniya.

“E alam mo naman, ate Maloi. Sorry na please, masakit” naiiyak na sambit niya kaya binitawan ko na siya at hinalikan sa pisnge.

Agad naman niya akong inirapan at pinunasan ang pisnge niya na animong nandidiri.

Arte, sarap ibitay.

Hindi nagtagal ay nakabalik na si ate Aiah dala ang order namin. Tahimik kaming kumakain dahil ayaw-ayaw ni ate Aiah ang may nagpho-phone at maingay kapag nakain.

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na agad kami sa aming last subject. Wala kaming ginawa kundi magphone lang dahil walang teacher, may sakit daw, hindi kasi kami palalabasin ng guard kapag hindi time kaya nag-stay kami dito sa room hanggang matapos ang time.

Nang pumatak na sa tamang oras ng uwian ay agad kaming nagsitayuan nila ate Aiah at dumiretso sa parking lot. Sinasabay nila ako pauwi ngunit hindi ako sumabay, naintindihan naman nila ako dahil alam nila kung bakit ako nagpapaiwan dito.

Naghintay ako dito sa parking lot hanggang sa mamataan ko si Colet na papunta dito sa pwesto ko.

Ang assuming mo naman, Maloi. Malamang pupunta yan sa pwesto mo nandiyan ka sa tabi ng kotse niya e.

“Ahm, hi Colet. Para sa'yo.” saad ko sabay abot ng explosion box na pinaghirapan kong gawin.

“ohh, hi Maloi. Salamat, hindi ka na dapat nag-abala pa.” sambit ni Colet sabay tanggap ng binigay ko.

Napangiti naman ako ng tinapik niya ang balikat ko sabay sakay sa kotse niya at pinaharurot ito.

Ang poganda niya talaga, nakakainis.

Umuwi akong nakangiti at hindi mapagsidlan ang aking kasiyahan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MAHAL KO O MAHAL AKOWhere stories live. Discover now