Prologue

1 0 0
                                    

"Adhira may customer, magpapa-foot spa" tawag sa akin ng may-ari ng salon na pinagtatrabahuhan ko. Sinusubukan kong layuan si Xavier dahil ayoko naman maipit ang pamilya ko. Masyadong magulo kapag nagmahal ka ng mayaman, andmaming naapektuhan. "Sige po lalabas na po ako ihahanda ko lang po 'yung mga gagamitin." Pagkatapos ko ihanda ang mga gamit lumabas na agad ako at nakakahiyya naman kung paghihintayin 'yung customer.

"Ikaw ang ni-request ni ma'am mukhang magaling ka talaga mag-manicure ah." bulong sa akin ng may-ari. Napatingin ako sa babaeng naka-upo, naka-dress siya at nakasuot ng heels. Pagkaakyat ng tingin ko sa kanyang mukha ay nalaman ko na siya pala ang ina ng lalaking mahal ko. Siya si Ma'am Allison Lim.

"Hmmm... Ang bagal naman pakibilisan at may lakad pa ako." Mataray na utos niya sa akin. Mabilis kong hinubad ang sapatos niya at nilagay ang mga paa niya sa foot bath. "Magdahan-dahan ka naman! Alam mo bang mas mahal pa sa'yo ang sapatos ko!" Sigaw niya sa akin kaya nagdahan-dahan nalang ako.

Sinimulan ko ng i-scrub ang isa niyang paa ngunit mukhang nandidiri siya. "Apaka cheap naman ng products na gamit niyo rito, mukhang galing lang 'yan sa divisoria eh!" Sigaw niya sa akin, gusto kong siyang sagutin kaso baka mawalan pa ako ng trabaho.

"Sigurado ka bang malinis 'yan? Baka kasing dumi ng nanay mo 'yan na nagpabuntis sa mayaman na may asawa pala!" Sabi niya sabay tumawa siya ng malakas. "Dapat po sa mamahaling salon kayo." Mahinang sagot ko na narinig niya pala.

"Sumasagot ka pang bata ka!" Sabi niya at tumayo siya bigla kaya naman nagulat ako. "kung galit po kayo sa akin huwag niyo po idadamay ang nanay ko." Matapang na sagot ko sakanya. Alam ko naman na sa akin lang siya may galit dahil sa nangyayari sa amin ng anak niya. Dahil doon ay bigla niyang binuhos sa akin ang tubig na pinagbabaran ng kanyang paa. Iyak lang ako ng iyak, hindi ako makalaban, nahihilo lang ako at nanginginig. Tumakbo na ako papunta sa banyo para sumuka dahil naramdaman ko na parang bumaliktad ang sikmura ko. Nagsisigaw pa siya ngunit hindi ko na marinig ang mga sinasabi niya. Kailangan ko pang ayusin ang sarili ko dahil para akong basang sisiw.

Noong kumalma na ang lahat pati ang aking sarili napatingin ako sa supot na binigay sa akin ni Reese. May laman itong pregnancy test. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin noong mga nakaraang araw. Nag-research ako at parang sinasabi na buntis ako pero hindi pwedeng mangyari 'yun dahil nagtatrabaho ako para sa mga kapatid ko. Gagamitin ko nalang ito para makasigurado na hindi ako buntis.

Binasa ko nalang 'yung instructions at inintindi ito para magamit ko ito ng tama. Hindi ko kaya pero kakayanin ko. Ginawa ko 'yung mga steps para gamitin ito at naghintay ng ilang minuto para makita ang resulta.

"Hindi pwede" tumingin ako sa bagay na hawak ko habang nanginginig ang aking mga kamay. Napahilamos nalang ako sa aking mukha noong makita ang resulta nito. Dalawang guhit na pula.

"Kailangan ko pa mag-trabaho, walang kakainin mga kapatid ko." bulong ko sa akin sarili. Naguguluhan na rin talaga ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Malamang hindi rin ito matatanggap ng pamilya ko at ng pamilya niya...

<3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

First Love Of Spring (High School Series #3)Where stories live. Discover now