CHAPTER 3

33 6 11
                                    

Alexandria's pov

I want to go back to the time that everything was fine. Yung oras na hindi pa kami nakakapatay ng tao. Yung oras na puro enjoy at pag bubulakbol lang ang nasa isip naming mag kakaibigan. Yung oras na masaya pa kaming mag kakasama.

Pero maibabalik nga ba ang mga oras na iyon? Mababago ba namin ang mga nagawa na namin? Maibabalik ba namin ang oras na hindi pa kami nakakagawa ng kasalanang kailanman ay hindi namin inakalang magagawa?

Hindi...impossible..

Gustohin man namin ngunit paano?

Siguro kung totoong may time machine sa mundo, gusto kong ibalik ang mga oras na iyon. Pero wala eh, ito na yun. Nangyari na ang mga hindi namin inaasahang mangyayari.

Tatlong kaibigan na ang nawala--namatay. Pakiramdam ko mababaliw nako kakaisip kung paano kami makakalabas sa gubat na to. Hindi naman kami sumusuko sa pag hahanap ng daan palabas sa gubat nato pero bakit parang wala naman? Ano bang meron sa gubat nato at parang ito na ang kulongan namin?

Wala ngang rehas, pero mas nakakatakot ang ganitong pangyayari kumpara sa makulong ka sa isang seldang marumi.

Gusto na naming makaalis sa lugar na ito at umuwi sa sari-sariling bahay namin. Matulog, kumain at uminom ng tama, kausapin ang mga magulang at sabihin kung gaano namin siya kamahal. At higit sa lahat ay mag bayad sa mga nagawa naming kasalanan.

Una si aziel, pangalawa si charmie at pangatlo si sage...sino pa? Sino pa ang susunod na papatayin niya?

Hindi ko inaasahang mangyayari to, hindi ko inaasahang mawawalan ako ng nga kaibigan. Kumpara sa mama at papa ko...sila nalang ang meron ako.

Nakakawalang gana at parang gusto kona lamang tapusin ang sariling buhay dahil sa nangyayari. Pero naisip kong may mga iba pakong kasamahan. Nawawala pa ang iba naming kaibigan at sila ang rason kung bakit gusto kong makauwi ng buhay kasama sila.

Hindi man ako makalakad, gagawin ko parin ang lahat para ma protektahan sila at mailabas sila sa putanginang gubat na ito.

"Yawa! Bangin na!" Bulong pero pasigaw na ani callan habang karga parin ako.

Nang sumilip ako sa tinitignan niya ay napapikit nalang ako dahil sa inis at pagka bahala.

"Ibaba moko..." Walang emosyong Sabi ko pero Hindi siya sumunod.

"Anytime pwede niya tayong mahanap kaya mas mabuti nang makatakbo kaagad tayo." Seryoso niyang saad at nag simula na silang mag lakad ni Iris palayo sa bangin.

Ayoko mang isipin to pero biglang sumasagi sa isip ko na paano kung bangin ang dulo ng gubat nato? Paano kung walang daan palabas at bangin ang kahahantungan ng pag hahanap namin palabas sa gubat nato? Mamatay ba talaga kaming lahat dito?

"We need to find the others. Nag woworry ako sa kanila kasi baka sila na ang susunod na papatayin ng babaeng yun." Rinig kong ani Iris.

Seryoso ang boses niya at mahahalata mo talagang nag aalala siya sa iba. Kahit naman ako ay ganun din, pero alam kong mag kikita kita pa kami. Hindi pwedeng makita nalang namin sila na naka handusay sa lupa habang naliligo sa sariling dugo at walang buhay.

Inilibot ko ang paningin ko sa lugar at nakitang madilim parin. Seriously? Bakit parang hindi lumiliwanag? Gabi parin ba? Ilang oras na ang lumipas at imposible namang hindi mag umaga.

San ba kaming lupalop dinala ng babaeng yun? At bakit parang kami lang ang nandito at wala nang iba?

Ang huli kong natatandaan ay nasa school kami at papauwi na. Yun lang at biglang dumilim ang paligid. At pag gising namin nandito na kami sa lugar na to at mag kakatabing naka higa sa lupa kasama ang mga kaibigan ko. pati yung dala dala kong bag wala nang magising ako. Kahit cellphone manlang para naman makahingi kami ng tulong. Kaso mukhang walang signal dito kaya useless din naman kung sakaling may cellphone kami.

they killed me {COMPLETED}Where stories live. Discover now