Dalawang katok sa labas ng pinto ang narinig ng dalaga . Magdadalawang araw na ito nagkukulong sa kanyang kuwarto simula nung nagparamdam ang kanyang ama, kahit ang trabaho nito naapektuhan na rin dahil sa nangyayari sa sarili niya. Halos minu-minuto itong umiiyak kala mo'y hindi nauubusan ng luha.
" Crystal, anak kausapin mo naman ako magpapaliwanag ako sa'yo." nagmamakaawang tawag ng ginang sa anak sa labas ng pinto. She cried habang kagat ang unan upang hindi siya marinig ng Ina na nasa labas.
" Anak, nag-alala na ako sa'yo dalawang araw ka nang hindi kumakain tanging tubig lang ang laman niyang tiyan mo." muling pakiusap ng kanyang Ina ngunit hindi pa rin ito umalis sa kama. Ayaw niyang makita siya nito na durog na durog.
" Anak, ginawa ko lang naman yon para mabawasan ang problema niyo ng ate mo. Hindi naman masama na hihingi ako ng sustento sa tatay niyo diba?" anang ginang at inilapit ang Tenga sa pinto. Habang siya'y nakatakip sa tenga ayaw niyang marinig ang sasabihin ng Ina, dahil alam niyang mas lalo siyang masasaktan ngunit kahit siguro takpan niya paulit-ulit ito maririnig at maririnig niya pa rin ang sasabihin nito.
" Anak, please buksan mo ang pinto!" muling pagmamakaawa ng ginang.
" K-kulang pa ba ang pagta-tra-ba-ho na-namin ni ate pa-ra humingi ka ng t-tulong sa kanya, ma? Alm mo ang pinagdaanan natin dahil sa kanya, tapos ano ganon lang 'yon?" pinaghalong emosyong sigaw nito. Hanggang ngayon hindi niya maintindihan kung bakit ginawa 'yon ng kanyang Ina. Hindi manlang naisip nito na masasaktan sila ng ate niya lalo na siya dahil sa ginawa nito.
" Anak, hindi naman sa Ganon. Gusto lang naman niya tumu-"
" Tumulong? Sa paanong paraan siya makakatulong sa atin? Ang saktan kami ni ate, ang saktan tayo?" Galit na sigaw nito at binato ang mga unan. Mas nangingibabaw ang Galit nito kesa sa intindihin ang sitwasyon. Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi nagparamdam pa muli ang amang nang-iwan sa kanila.
" Ma, ayaw ko magtampo sa'yo so, please hayaan niyo muna ako." pinigilan nito ang sarili na hindi masigawan pang muli ang Ina.
" Don't worry, lalabas ako kapag gusto ko. Now I need some space." dugtong nito at humiga muli sa kama at doon ibinuhos ang luhang walang tigil sa pagpatak. Her heart full of pain na kahit sino hindi kayang gamutin.
***
Ilang pa ang lumipas nang may kumatok ulit sa pintuan ng kuwarto niya, pumikit ito at humugot ng hininga.
" Ma, saang parte ng sinabi ko ang hindi niyo maintindihan, I said I want to be alone." Saad niya sa kumakatok sa gamit ang matigas na boses.
" Anak, nandito si Perry, pasensya ka na tinawagan ko siya para mapuntahan ka nag-alala lang naman ako sa'yo." her mother explained at narinig nito ang boses ng kaibigan.
" Can I come in?" Tanong ni Perry, sa labas umiling siya at nagpunas ng luha.
" No. Hintayin mo na lang ako jan maglilinis lang ako ng katawan." paos nitong tugon at pumasok sa loob ng banyo.
Kita sa di kala-kihang salamin ang pamumugto ng mata nito at maputlang labi nito. Tumawa ito ng pagak nang makita ang sugat sa braso niya. She can't believe na kaya niyang gawin 'yon sa sarili niya.
" Tally, sabihin mong mali ang nasa isip ko." kahit malakas ang patak ng tubig mula sa shower rinig nito ang boses ng kaibigan na alam niyang nasa kuwarto niya na. Imbes na sagutin ang tanong ng kaibigan sumandal ito sa dingding at muling inilabas ang luhang namumuo sa mata niya.
" Buti pa ang luha ko naintindihan ako." she whispered out of nowhere. Ilang minuto pa itong tulala sa ilalim ng shower nang sunodsunod ang katok ng kaibigan sa pinto ng banyo.
" Tally, ano bang nangyayari sa'yo? Kanina ka pa jan buksan mo ang pinto. Kung hindi papasukin kita jan kahit wala kang saplot na Babaita ka." her best friend shouted. Pinatay nito ang shower at dinampot ang tuwalya at ipinunas nito sa katawan at ibinalot ang sarili rito.
" I'm okay, don't worry. Paabot naman ako ng susuotin ko Ikaw na bahala mamili." Sabi nito at sumilip sa pinto. Akala niya sisigawan siya ng kaibigan dahil inutusan niya ito ngunit isang nagtatanong na expression at nag-alalang mukha nito ang nakita niya.
" Tinawagan mo sana ako, instead of magmukmok ka dito sa kuwartong 'to." may pag-alalang sabi ni Perry, at tumungo sa closet ng kaibigan.
" Here, bilisan mo magbihis at ilalabas kita sa madilim na kuwartong 'to. Don't worry hindi kita pipilitin magkwento, I just want to hugged you to feel you better." anang kaibigan sa malambing na tono, tumango naman ito at isinara ang pinto ng banyo at nagbihis.
" Ako na ang bahala sa best friend ko tita," paalam nito sa Ina ng kaibigan na nauuna ng lumabas ni hindi manlang pinansin ang Ina.
" Thank you, Perry. Alam ko na Ikaw lang ang malapit na kaibigan niya kaya Ikaw ang tinawagan ko." Saad ng ginang sa kaibigan ng anak.
" For my best friend nothing more important." she said at nagpaalam muli.
***
Bununtong hininga ang dalaga bago pumasok ng kotse, she saw her best friend na muling pinipigilan ang luha. She hate it kapag pinipigilan ng kaibigan ang luha nito." Here," pag-abot nito ng tissue sa kaibigan.
" Ako na ang kasama mo, nandito na ako ilabas mo lahat yan." she said softly at bago pa man nito buhayin ang makina ng kotse niyakap muna nito ang kaibigan na ngayo'y maluha-luhang nakatingin sa kanya.
" It's okay to cry, hayaan mo kapag nandon na tayo sa condo kahit Gawin mong pangpunas ng luha ang damit ko okay lang." pabirong sabi nito para kahit papaano mabawasan ang pinagdaanan ng kaibigan.
" But now sa cafe muna tayo, namiss ko na date natin." muling tugon nito pilit ngumiti ang kaibigan na nagpakirot sa dibdib niya.
Nakahawak sa pusong pumasok ang dalaga sa condo kasunod nito ang kaibigan na parang zombie sa sobrang putla at maitim ang ilalim ng mata nito.
" Wait me here, iihi lang ako at magluluto pagkatapos para makakain ka." Sabi nito at pumasok sa banyo dahil sasabog na ang pantog nito.
Namamalisbis ang luha sa pisngi ng dalaga nang makaupo ito sa sofa at inaalala ang dalawang araw niyang pagkukulang sa madilim na silid.
" Tally, are yo-" Hindi na natapos ni Perry, ang sasabihin nito nang agad itong tumakbo sa gawi ng kaibigan na ngayo'y hawak ang cutter at inilalapit nito sa pulsuhan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/372346439-288-k70815.jpg)
YOU ARE READING
Love Me Back - Cacius ✅
Romance[UNEDITED] CRYSTAL MONTEL, a 26-year-old woman who worked as a midwife. She is NBSB because for her, forever does not exist and love is just an invented word. Love for her work is what she considers true love. What if she met a hot, charismatic, and...