Sa mundo ng Mythoria ay pinamumunuan ng mga Royal Blood. Ang mga Royal Blood ay nais sakupin at pagmunuan ang buong Faeloria dahil itong kaharian ay mayaman sa likas nitong lupa, halaman, mga hayop na bihirang makita sa Mythoria, yamang tubig at ang sagradong puno na nagbubunga ng buhay ng pang-habang buhay na hindi nila kailanman masakop-sakop sa kadahilanang protektado ito ng mga dyosa. Ang Sacred Tree ay nais na mapasakamay ng mga tao dahil sa bunga nito. Hindi alam ng mga tao kung saan nila makikita ang puno na ito kaya ganon na lamang ang nais nila na sakupin ito. Ang Kaharian ng Faeloria ay ang mga tagapagalaga at protekta ng kalikasan. Sila ang buhay ng Kalikasan na nagbabalanse sa mundo ng Mythoria.
Ngunit, ganoon nalamang ang labis na pangamba at panganib ang nararamdaman ngayon ng buong kaharian ng Faeloria. Dahil na balitaan nila na ang kanilang Mahal na Hari ay dinakip ng mga tulisan ngunit alam nila na ang dumakip sa kanilang Hari ay mga tao. May mga taong nakapasok sa kanilang kaharian na nagbalat kayo bilang mga tagapagbantay sa Palasyo ng Faeloria.
Subalit, nais ng mga tao sakupin ang buong Faeloria sa kadahilanang mayaman ito sa lupa, tubig, mga hayop na bihirang makita sa buong Mythoria at ang sagradong puno kung saan nais mahanap at angkinin ng mga maharlika at tao. Nais rin nilang kontrolin ang mga faelvie or fairies at elves at gawing alipin dahil na rin sa taglay nitong anyo.
Ang buong hukbo ng Faeloria ay naghahanda sa maaring digmaan na parating. Hindi nila hahayaang ang kanilang hari mamatay sa kamay ng mga tulisan.
Ang Pamilya naman ng Hari ay nagaalala dahil ilang araw nang dinakip ang Hari. Nais sana nilang pigilan at gamitan ng mahika ang mga ito ngunit hindi sila ganon kasama upang kumitil ng buhay gamit ang kanilang mga kapangyarihan. Tanging ang may dugo ng maharlika ang may kakayahang maglabas ng mahika. Ang mahika na ibinigay sa kanila nang diyosa ng buwan ay para lamang sa kabutihan subalit ang mga tao ay mga ganid at hindi nila hahayaang mangyari iyon. Alam ng mga tao o ang namumuno sa mga tao na tanging paraan lamang upang makontrol, sakupin at gawing alipin ang mga Faelvie ay ang puso ng Hari. At tanging may gintong palaso or kahit anong may ginto ang makakapatay sa mga fairies at elves.
Ang Reyna ng Faeloria ay nakahiga sa kama nito na tila'y nanghihina at hindi niya malaman kung saan ang masakit sa kanya at pinagdadasal niya na walang mangyari sa Hari. Narito rin sa loob ng kwarto ang dalawa niyang anak na naga-alala sa kanilang Ina na namumutla at napasuka ng dugo kaya dali dali silang tumawag ng isang elves na gagamot sa Reyna.
"Ina, nasaan po si Ama?" Napatingin ang reyna sa pintuang biglang bumukas at nakita ang kanyang bunsong anak na babaeng tumatakbo palapit sa kanya. Ang bata ay walang kamuwang-muwang sa nangyayari kaya dahan dahan siyang umupo na inalalayan naman siya ng manggagamot at iyakap niya ito ng mahigpit habang hinahaplos ang puting buhok nito.
"Pauwi na siya sa atin anak, kaya wag kang magalala." malamyos na sambit ng reyna habang nangingilid ang mga luha. Ilang araw na kasi nitong hinahanap ang ama, malapit ito sa ama kaya ganoon na lamang niya itong hinahanap. Hindi alam ng Reyna kung ano nang mangyayari sa kanila. Nanghihina siya at alam niyang pinahihirapan ang hari. Ang mga fairies at elves ay may mga itinakdang kapareha at nangangamba siya sa Hari. Kapag nasa panganib ang kanilang kapareha ay ramdam nila.
Nais ng reyna sumigaw sa sakit at hindi niya na mamalayang mahigpit na ang yakap sa kanyang anak.
"Ina!"
"Mahal na Reyna!"
Ang buong kwarto ay napuno ng iyak mas malakas ang pagtangis ng bunsong anak dahil sa hindi ito makahinga.
Tila'y natauhan ang reyna kaya binitawan niya ang anak.
"Ina.." Sambit ng panganay na anak
"Kuya" tangis ng bata
BINABASA MO ANG
Chains Of Starlight
FantasyThe collapse of the Faeloria Kingdom left fairies vulnerable to human greed. Betrayed and enslaved, they endure unspeakable cruelty, including the heart-wrenching loss of their wings-the essence of their freedom and life. Despite their near hopeless...