01

69 33 3
                                    

"Kanina mo pa tinitingnan 'yang flyers na 'yan." Sita ni Dahlia sa akin kaya nabaling ang tingin ko sa kaniya.

"Excited na akong mag-recruit, eh!"

Ang sabi kasi sa akin ng pinsan kong si ate Mich, iwasan ko raw munang sumali sa mga organizations habang freshman pa lang. Pero dahil magaling ako, hindi ako nakinig.

Gusto kong sumali para dumami ang mga kakilala ko sa university, pati na rin dito sa Maynila. Feeling ko kasi, mas madadalian akong mag-adjust kapag gano'n. Lalo pa't nasanay ako sa mga mukhang nakikita ko sa Bicol.

Sumali ako sa photography organization dahil 'yon ang unang org na nakita ko sa FB feed ko. Hindi ako magaling, pero mahilig akong kumuha ng litrato kaya tinuloy ko na. Last last week, naghahanap sila ng bagong officers. Naisip ko na mas marami akong makikilala kapag nag-officer ako, kaya nilista ko ang pangalan ko.

Hindi rin biro ang meeting kada araw, pakiramdam ko pa no'n nago-audition ako sa PBB. Ang kaibahan, maliit lang ang pila.

Wala kaming klase ngayon dahil naka-focus lang ang lahat sa organizations, kaya maliit na backpack lang ang dala ko. Naka-civilian attire lang din kami ngayon.

"Aly, magkaibang pares ng sapatos 'yang sinusuot mo." Bumalik ako katinuan nang marinig ang boses ni Colleen.

"Ay!" Agad kong hinubad 'yong black sneaker dahil white dapat ang suot ko.

"Sa'n si Bea?" Tanong ko pagkatapos magsapatos.

"Nasa baba, kinukuha 'yong pina-deliver niya." Bored na sagot ni Dahlia. Tumango na lang ako at hinintay na makabalik si Beatriz.

"Ano ba 'yan wrong item pa! Sayang ang pagpunta ko sa baba! Ang gulo pa kausap no'ng seller!" Nakasimangot na reklamo ni Beatriz pagkapasok.

"Kalma sis. Masisira ang beauty." Natatawang sabi ko.

"Nakakasira ng mood jus-"

"Malapit nang mag-nine, tara na." Hindi na natuloy ni Beatriz ang pagra-rant niya dahil sa sinabi ni Colleen. Natawa na lang kami ni Dahlia dahil sa hitsura ng kaibigan namin.

Pagkakuha ni Beatriz sa gamit niya ay lumabas na kami. Ni-lock ni Colleen ang pinto bago kami sumakay ng elevator.

Malapit lang ang dorm na tinutuluyan naming apat kaya naglalakad na lang kami papunta sa university. Dumiretso kami sa O. Hall at pumunta sa kaniya-kaniyang booth namin.

"Hi kuya Lance!" Bati ko kay President. Abala siya sa pag-oorganize ng mga flyers kaya tumango lang siya. "Hi Lyka!" Bati ko naman kay VP.

"Hello Alynna!" Bati niya pabalik.

Nag-check muna ako ng attendance dahil kailangan naming magpasa ng report sa adviser mamaya. Kompleto na ang officers.

Nang mag-nine na, pumunta na kami sa kaniya-kaniyang puwesto. Nasa may mga food stalls ako. Lahat ng makita kong tao ay inaabutan ko ng flyers na hawak ko.

"Hello po! Baka po interested kayo sa photography, or may kakilala kayo, welcome to join po kayo sa org namin!"

"P're, wala ka talagang sasalihan?" Lumingon ako sa mga nag-uusap sa gilid ko.

"Hello!" Nakangiting bati ko pagkalapit sa kanila. "Baka interesado kayong mag-join," Pinakita ko sa kanila 'yong flyer.

"What can we expect from your organization, 'te?" Tanong no'ng isang lalaki, tapos bigla siyang tumawa. "Naks, english," Bulong niya pa.

Binasa ko ang nakasulat sa flyer at nagdagdag ng kaunting explanation. "Ayon po. If gusto niyong mapalawak 'yong skills niyo or matuto, willing to help po kami. Puwede rin kayong mag-share ng knowledge niyo sa iba pang members!"

Shuttered Bond in Tranquility (Elysian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon