Art
Courting
Natikom ang bibig nya sa sinabi ko, sobrang gulat nya, pero nangiti din ito pagkatapos. Hindi ko alam anong nararamdaman nya ngayon, basta umiiyak sya. Naaawa nga ako, e. Hindi ko rin alam anong maramdaman ko.
"Liligawan mo ako? Talaga?" Tanong nya, sinisigurado pa ito. She stopped crying now as she wiped her tears away.
I nodded. I was sober because of this. Embes na inaantok na ako kanina dahil sa alcohol, nawala ito dahil sa kanya. "Oo, liligawan kita."
Nangiti sya ngayon kaya nagtaka ako. "Sige, ligawan mo ako."
Hindi ko alam anong sasabihin. Matatawa ba ako o maging masaya. "Seryuso ka? Isabela, alam mo ba anong ibig sabihin ng liligawan?"
"What do you think of me? Even a three year old knows what that is!"
"Alam mo naman ang mangyayari diba pag niligawan kita, that means magiging girlfriend kita kung sasagutin mo ako?"
She let out a laugh. "What do you think of me? Am I ignorant to you?"
"Hindi naman. Nagka boyfriend ka na ba?"
She shyly shook her head. "Hindi pa, kung sasagutin kita you'll be my first boyfriend."
Ang seryuso kong mukha ay napalitan ng malapad na ngiti. Ano bang laman ng utak nya? "Papayag ka na maging boyfriend mo ako pag sasagutin mo ako? Eh diba nga ang mga tipo mo ay mga taga Manila, mayayaman, at mga Englishero at matalino kagaya ng sinabi ni Criza?"
Lumapit pa sya sakin. Kailangan ko pang dumungaw dahil mas maliit sya sakin. 5'3 lang ata sya eh ako nasa 6'1. "Ikaw ang gusto ko, Art!"
Mas lalo akong nangiti sa sinabi nya. "Seryuso ka ba? Diba sabi mo sakin takot ka sakin dahil I could be violent when it comes to you?"
Napabuntong hininga sya. I slowly reached for his cheek, pinunasan ko ang mga luha nya ng kamay ko. Ipinikit nya ang mga mata nya ngayon at dinilat agad. Tama sya, I could really be violent because of her dahil ayokong sinasaktan sya.
"Pwede bang kumalma ka nalang? Natatakot kasi ako lalo na't baka masaktan mo pa ang ibang tao at worst mapatay mo pa sila." Nahihiya nyang sagot.
"Mapatay? Yan talaga abutin nila pag may ginawa silang masama sayo. Hindi ako matatakot, Isabela. Sa isang tao lang ako takot at 'yon ay sa Lolo ko!"
"Pag naging boyfriend ba kita, mamahalin mo ba ako?"
Napalunok ako sa tanong nya. Napakaganda nya ngayon, iba ang ganda nya ngayong gabi lalo na't dinaanan ng luha ang kanyang mga mata. "Mamahalin ng sobra, Isabela. Eh ako ba? Mamahalin mo din ako?"
She was trying not to smile. "Ano sa tingin mo?"
"Hindi?"
"Nahihiya akong sabihin, e."
Mas lalo lang akong natawa. Paano namang nahihiya? Ito talagang babaeng 'to. "Sige lang, masasabi mo rin 'yan pag tayo na, pag ready kana na maging boyfriend mo ako. Hindi naman ako nagmamadali, kaya ko namang maghintay."
"Sige, I should tell my mom na nanliligaw ka pero can we keep it a secret kay dad? If ever man na maging boyfriend na kita"
"Oo naman, ikaw masusunod, Isabela." I assured her.
"Baka marami kaming nililigawan mo?"
I let out a chuckle. "Hindi ah, ikaw lang. Baka ikaw dyan maraming nanliligaw sayo? Pero hindi naman ako aatras, e."
"Ikaw lang din naman." She shyly smiled.
Tumunog ang cellphone ko, nag text si Inres, hinahanap na ako at ang sasakyan nya. Nagpalit kasi kami, hiniraman nya ang motor ko kasama si Peter na kasamahan namin sa football, sinundo nya ito gamit ang motor ko.