A Soldier's Love
by: whiteplum_blossom
Chapter 1
December 1945
World War II
Sa kadawagan ay nag-uunahang tumakbo ang mga aninong iyon. Isang mahalagang misyon ang kanilang kailangang tapusin. Isang misyon na magdidikta sa kinabukasan ng bansang kanilang iniibig.
"Sergeant dela Merced, ano ang inyong natuklasan laban sa mga Hapones?"
"Sir, masyadong maingat ang mga kilos ng Hapones. Mukhang kailangan pa namin ng ilang gabing pagmamanman."
"Wala ba kayong napansin na kahina-hinala man lang?"
"Pasensya na po sir, pero wala po. Mukhang pinaghandaan na nila ang posibilidad na pag-eespiya sa kanila."
"Kung ganoon ay kailangan pa ninyong dadagdagan ng ilang gabi ang pagmamanman sa kanila."
"Yes, sir!"sagot ng lahat.
Isa iyong pag-uusap ng mga sundalong handang magbuwis ng buhay para sa bayan sa gitna ng masukal at madilim na kagubatang iyon.
'Inuutusan ang lahat ng tao na kailangan ng lumikas. Inuutusan ang lahat ng tao na kailangan ng lumikas. Ang mga sumusunod na lugar ay hindi na ligtas para manatili.....' Isa iyong anunsyo mula sa radyo. Mas tumatagal kasi ay lumala na ang pagsalakay ng mga Hapones sa iba't-ibang bayan ng Pilipinas. At ang mga kawawa sa mga pangyayaring ganito ay ang mga batang musmos. Hindi nila alam kung ano ang nangyayari sa kanilang kapaligiran sumusunod lamang sila sa utos ng matatanda.
"Inay, totoo bang pamumunuan na tayo ng mga Hapones?"
"Hindi mo pa ba nakikita ang mga nangyayari, Yumi? Unti-unti nang natatalo ang hukbo ng mga sundalong Amerikano at Pilipino. Ngayon pa ma'y sila na ang naghaharian dito sa Pilipinas."
"Kung ganoon, paano na sila itay, nay? Huhulihin po ba sila ng mga sundalong Hapones at ikukulong?" curious nitong tanong sa ina.
"Ewan ko rin, anak. Sana nga hindi umabot sa ganoong sitwasyon ang lahat. Huwag sanang mapahamak ang iyong itay."
Si sergeant Francisco dela Merced ang asawa ni Aling Lucia, ama ito ng kanyang dalawang anak. Si Yumi, 17 taong gulang, tapos na itong mag-aral ng high school at balak na ipagpatuloy ang pag-aaral ng kolehiyo sa susunod na pasukan. Natigil kasi ang pag-aaral nito nang magsimulang sumiklab ang digmaan. Si Justin naman ang bunsong anak ng mag-asawa. Mag-aapat na taong gulang pa lamang ito.
"Ate... ate..." tawag ni Justin sa kapatid. Hinihila nito ang damit ng kapatid.
"O, bakit Justin? May problema ba?" tanong ni Yumi sa kapatid sabay kanlong nito.
"S-si... K-kuya Kai... hinahanap ka?"
"Si Kai?" takang tanong niya? Akala niya nasa Maynila ito. Teka ano ba ang ginagawa nito rito ngayon? Ibinigay niya ang kapatid sa ina.
"Nay, pupuntahan ko lang po si Kai sa labas."paalam niya sa ina.
"Nakauwi na pala si Kai?"
"Ewan ko po 'nay."
"Papasukin mo muna. Gagawa lang ako ng miryenda."
"Opo 'nay." sang-ayon niya.
Nadatnan niya ang binata sa bakuran nila na nilalaro ang aso nila. Nakatalikod ito sa kanya habang tuwang-tuwang nakikipaglaro sa bantay nila. Halos walong buwan na ang nakalipas nang huli niya itong makita. Sa tingin niya ay lalo yata itong tumangkad at nagiging matikas. Sikat kasi ang binatang ito sa barangay nila hindi lang sa angking kaguwapuhan, matalino rin ito at napakagalang. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na maraming babaeng nagpapalipad-hangin rito. Tatlong-buwan lang ang itinanda ni Kai sa kanya. Half-Japanese ito. Ang kanyang nanay ay Pilipina at ang ama naman nito ay Hapones. Kaya naman kakaiba ang kulay ng kutis ng binatang ito sa ibang kabinataan sa barangay nila. Maputi ang balat nito at singkit ang mga mata. Madali lang mamula ang mga pisngi at balat nito tuwing naaarawan, at natutuwa siyang pagmasdan ito tuwing nahihiya dahil bigla na lang mamumula ang magkabilang teynga nito. Gayunpaman ay lumaki itong hindi man lang nasilayan at nakasama ang ama. Halos sabay na silang lumaki ni Kai at magkaklase sila hanggang haiskul. Ngayong nagkolehiyo na sila ay saka lang sila nagkahiwalay. Parang bestfriends na rin ang turingan nila sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
A Soldier's Love
RomanceA year when tragic wars happen. Si Yumi sa pag-aakalang patay na ang lihim na iniibig niyang kaibigan ay pumasok sa pagsusundalo upang maiganti ang kamatayan nito sa kamay ng mga Hapones at hanapin ang nawawala niyang ama. Subalit sadyang mapagbiro...