"Lienea, gising!"
"Lienea!" Naramdaman ko ang pagtapik sa aking pisngi. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata, ngunit wala namang tao.
"Lienea, kakalasin ko ang tali, ngunit kahit gano'n ay magpanggap ka pa ring nakatali." Dahil doon ay nanlaki ang aking mga mata. Hinanap ko ang boses na iyon. Hindi s'ya gumagamit ng telepatya. Papaanong...
"Nasaan ka?" pabulong kong tanong.
"Nasa harap mo." Pagtapat na pagtapat ng aking mga mata sa harapan ko ay biglang nanikip ang aking lalamunan. Tila naulinigan ko na ang boses na ito, ngunit maaari nga kayang siya?
"Hindi kita nakikita, pero nararamdaman kita. Sino at ano ka?" diretso kong pagtatanong dito.
"Ako ito, si Lorenzo," pagkasabing-pagkasabi niya nito ay pumatak ang luha sa aking mga mata.
"L-Lorenzo?" Tama nga ako. Nakahinga ako nang sobrang luwag.
"Lorenzo, bakit ngayon ka lang?" Naramdaman ko ang kan'yang kamay sa aking pisngi, dahan-dahang tinatanggal ang mga luhang lumalandas sa aking mga mata.
"Patawad, Lienea. Pinilit kong hanapin ang kinaroroonan mo ngunit hindi kita matagpuan," bulong nito sa aking tainga. Magkalapit na ang aming mga mukha, hindi ko man ito nakikita ay nararamdaman ko naman.
"Papaanong hindi kita nakikita? Ano ka ba talaga, Lorenzo?" hindi ko na napigilan pang magtanong.
"Isa ako sa mga Dugong-Bughaw na nabiyayaan ng kakayahan, Lienea," saad nito. Kung gayon ay tama nga ang aking hinuha. Isa siyang Dugong-Bughaw, ngunit ang kabutihan niya ay walang katulad. Higit na naiiba sa karamihan.
"Ililigtas kita, gaya nang sinabi ko." Matapos niyang banggitin iyon ay naramdaman ko ang malakas na simoy ng hangin. Akala ko huli na ang lahat. Akala ko ito na ang wakas ko.
"Walang wakas, Lienea. Nandito pa ako. Ililigtas pa kita," sagot nito sa aking isipan.
"Wala kang pahintulot na basahin ang aking isipan," bubod ko rito saka siya binato ng masasamang tingin.
"Wala pa sa ngayon," nanghahamong sagot nito.
"Halika na, hinihintay ka na ni Claiden," dagdag pa nito.
Ang kaninang nasa harapan ko ay naramdaman ko na sa aking likuran. Hinaplos n'ya ang aking mga kamay at dahan-dahang pinutol ang mga tali sa aking palapulsuhan. Nang mapigtas ito ay naging mabagal ang lahat, maging ang pag-ikot ko paharap sa kaniya. Hindi ko s'ya makita, pero ramdam ko na ang aming mga mata ay nagtatama sa ilalim ng makikislap na bituin.
"Ang Hubad! Wala ng tali!" Nagulat ako sa aking narinig.
"Lienea, halika na!" hinatak ako ni Lorenzo. Naging mabilis ang aming pagkilos, dahil patuloy kaming hinahabol ng mga Mangangaso.
"Hindi ba't dapat ay naging hapunan na nila ako? Paanong nakatali ako kung kanina lamang ay dinakip na nila ako at gagawin ng hapunan?" Pagtataka ko. Maraming tanong ang umiikot sa aking isipan.
"Sapagkat panaginip lang ang lahat, Lienea. Nauna ko nang iniligtas si Claiden, para hindi na s'ya mahirapan kapag nahuli tayo ng mga Mangangaso. Naaalala mo nung may tumama sa iyong palaso sa leeg? Ako 'yon, Lienea, at ito ay isa lamang sa aking mga plano," pagpapaliwanag nito. Ano? Naguguluhan ako. Hindi iyon panaginip! Nakausap ko talaga ang lalaki!
"Ngunit papaano iyong lalaki kanina? Hindi ba siya ang nagligtas kay Claiden? Alam kong hindi ako nananaginip. Kausap ko talaga s'ya!" pagpipilit ko pa.
Hindi na ito nagulat sa aking tinuran. "Maaaring hinahanap-hanap mo s'ya. Bibigyan na kita ng kaunting kaalaman ukol sa kan'ya," saad nito.
"At ano naman iyon?" patuloy kong pagtatanong habang patuloy pa rin kaming tumatakas.
![](https://img.wattpad.com/cover/242198938-288-k446278.jpg)
BINABASA MO ANG
Lienea
VampiroHanggang saan ang hahamakin ni Lienea, malaman lamang ang kasagutan sa kaniyang mga katanungan na pilit ikinukubli sa liwanag ng buwan at sukdulang itinatago sa bisig ng kadiliman? Nakagisnan niya ang isang buhay na payapa sa isang liblib na lugar s...