CHAPTER 1

8 1 0
                                    


Napamaang na lamang ako ng makauwi kami ng Bahay

"Ma, Anong sinasabi mo? Anong katotohanan?" Tanong ko

"Hindi pa sa Ngayon Lie Basta tatandaan mo lang na kailangan mong ingatan ang Sarili mo" sagot nya

Walang matinong sagot ang nakuha ko Kay mommy Kathy

Kung may mga mata lang siguro ako magagawa Kong tuklasin kung ano ang sinasabi ng mommy ko

Lumipas ang ilang Araw nanatiling tahimik si mommy kath wala syang sinasabi tungkol sa mga nagpapagulo ng isipan ko

"Nana aalis ako ikaw na muna Ang bahala Kay Lie" rinig kung paalam ni mommy

"Mommy kath San ka pupunta?" Hindi ko mapigilang Tanong

"Babalik rin ako" sagot nya

Bumalik ako ng aking silid at naupo sa kama
Ramdam ko rin ang pag sunod saakin ni nana

"Napakaganda mong Bata Lie"rinig kung Sabi nya Mula sa pintuan

Ngumiti lamang ako sa kanya at kinapa ang note books na nasa tabi ko

May kakayahan akong magsulat kahit wala akong paningin may mga bagay na impossible akong kayang Gawin kumpara sa mga normal na kagaya ko

"Nawa'y manaig ang kabutihan sa puso mo at wag Kang magpapadaig sa Galit na paparating"anang tinig ni nana

"Nana? May alam kaba?" Tanong ko

"Baba na ako kailangan ko ng magluto"paalam nya

Wala akong nagawa at nanahimik nalang humiga nalang ako ng aking kama

Anong Meron naguguluhan ako..

Nagising nalang ako na nasa itim na kwarto ako
Anong ginagawa ko rito?
Nakakakita na ulit ako

"Ang batang yan ang magiging sentro ng Lugar na ito" napalingon ako sa dalawang nag uusap sa harapan ko

Napatingin ako sa batang nakahiga sa mismong kinahihigaan ko

Napakaganda nya at napakahimbing ng tulog

"Nakakaaliw pero napakalungkot , Hindi nya mararanasan ang mamuhay ng normal "bakas ang lungkot sa tinig ng lalaki

"Nakahanda kaba sakaling mangyari ang Hindi natin inaasahan?magiging delubyo ang mag Ina mo sa bawat emperyo at maging sa Sarili nating emperyo" Sabi pa ng kausap nito

"Proprotektahan ko Sila habang parehas pa Silang tulog at Hindi ko hahayaang na maging delubyo ang mag Ina ko" sagot ng lalaki

"Mabubuhay sa sumpa ang anak mo sanay may pagkakataon para maging normal sya" malungkot na tinig ng lalaki

"Lie!lie!lie! Gising!"

PANAGINIP nanaman

"Bakit Anong nangyayari nana?" Tanong ko

"Ang mama mo nasa baba hinahanap ka "sagot nya

"Bakit?"takang Tanong ko
E
"Lie"boses ni mommy

"Po?" Tanong ko

"Aalis ako pansamantala ,Gawin mo ang mga dapat mong Gawin habang wala ako hanapin mo ang kuya travor mo"

"San ka pupunta?" Tanong ko

"May kailangan akong Gawin binibini ipagpatuloy mo ang iyong pag tulog "makahulugan nyang sabi

Parang may kung Anong mahika ang boses ni mama at nakatulog agad ako matapos nyang Sabihin iyon......

I Am HerWhere stories live. Discover now