REMIND ME OF THE SUN
There's this girl, an annoying girl who's like the sun.
Natatandaan kong parati ko siyang nakikita sa café na tinatambayan ko at madalas nababahala ako dahil sa babaeng 'yon. Una ko siyang nakita noong mga nakalipas na araw at malimit ko siyang mahuling numanakaw ng tingin sa'kin. Sa tuwing nagyayari 'yon, mabilis din siyang umiiwas.
And I find it kinda... creepy.
But nonetheless, hinayaan ko na lang siya, hangga't wala siyang ginagawang ikapeperwesiyo ko at ika-sisira ng tahimik kong buhay. My life have always been uneventful and repetitive. Most people may also call it boring but I honestly don't hate it. Because for me, a boring life is what I call a peaceful one.
But it has come to an end...
"Hm?"
Naagaw ang atensyon ko mula sa laptop nang marinig ko ang paggalaw ng upuan sa harapan ko, may umupo rito at laking-gulat ko na lang nang makita kung sino ito.
...when that girl sat in the chair in front of me.
Napaawang ang labi ko at hindi ko malaman ang una kong magiging reaksyon sakaniya. Nakaiwas siya ng tingin sa'kin - nakatingin sa labas ng malaking salamin sa gilid namin habang pinagmamasdan ang abalang highway at sa mga taong naglalakad sa iba't ibang direksyon.
Hindi siya nagsalita.
Hindi rin ako umimik.
Binalik ko na lang ang atensyon sa screen ng laptop at nanatili ang nakabibinging katahimikan sa pagitan namin. Hindi naman sa inaaasahan ko rin siyang bigla akong kausapin pero... sobrang awkward lang kasi.
"Wala na kasing ibang bakanteng upuan kaya kung...!" tumigil siya sa mabilis na pagsasalita at huminga ng malalim, "kaya kung okay lang sa'yo..."
Ilang beses akong napakurap. "A-... ayos lang."
Sa muling pagkakataon, namayani naman ang katahimikan. Tamang poker face lang ako habang nagtitipa pero sa totoo lang... gusto ko nang iligpit ang gamit ko at umuwi na sa sobrang asiwa ng hangin sa pagitan namin.
Palihim ko siyang tinignan.
At mukhang hindi lang ako ang nakakaramdam nito.
"H-..."
Narinig ko siya magsalita. Inangat ko ang tingin sakaniya.
"Hi."
Hindi ako nakatugon agad at tanging napakurap lang.
"Uh, hello?"
Medyo alanganin pa ako non. I mean, sinong nagha-hi pa lang nang makausap ka na?
Pero sa isang hello na 'yon, hindi ko maiwasang lalo magtaka sa babaeng nakaupo sa harapan ko. Dahil sa simpleng hello, isang palaisipan sa'kin bakit ganoon na lang kalawak ang ngiti niya.
It started from there, almost everyday at the same place. We talked - no, she talked. Turns out, hindi siya ang klase ng babae na inaasahan ko; tahimik, mahiyain. Sa halip, kabaliktaran ito sa unang impresyon ko.
She's surprisingly annoying and... vibrant.
Palagi niya akong kinakausap at kinukulit kahit hindi pa naman kami ganoon ka-close, hindi ko maintindihan bakit mashado niyang pinipilit ang sarili sa'kin. Hindi ko rin maintindihan sarili ko bakit hinahayaan ko lang 'yun mangyari.
Dahil una sa lahat, hindi ko naman siya kilala.
In fact, may girlfriend na ako.
Pero hindi ko alam, sa hindi malamang dahilan, hindi ko maiwasang magpabalik-balik sa p'westo na ito kahit ilang beses ko nang magtangkang umiwas. Hindi ko siya magawang itaboy, kahit gaano pa siya nakakaabala na sa'kin.
BINABASA MO ANG
Remind Me Of The Sun (Istorya # 1)
Short Story"Right now, I want to burn her name in my memory. The name of the girl who reminds me of the sun." _____ REMIND OF THE SUN (One-story) Date Finished: January 25, 2022 Reivsed: July 07, 2024