Part 16

1.6K 0 0
                                    


Narinig ko sa taas na nag aayos ang mag anak at kami ay sumunod din para tumulong.

Napansin namin na alanganin ang Iisang dalawang kuwarto medyo maliit para sa dalawa

“Dito na lang mas malapad pa, sarap maghilata” ika ni kuya Joel.

Ang bahay ay may dalawang room lamang sa taas isa sa baba pero doon natutulog ang Matanda at may mga mais at palay na naka salansang.

Maluwag naman ang sahig na napagtaluntunan ng 2 room na tila iyon ay sa bisita dahil may upuan at lamesa pa kaya minabuti naming na doon na nga.

“dito ako sa sofa” sabi ni pinsan “latagan na lang ditto” inalis ni pinsan ang misitang maliit sa gitna at itinabi ang dalawa pang upuan na yari sa kahoy.

“oh di maluwag” sabay tawa.

Naisip ko na di ko type tumabi kay Fely, kaya

“Tsang pwede dito ako sa gilid” sa dingding iyon ng room ng dalawang magkapatid.

“ikaw kung gusto mo eh” sabi na walang tutol.

Nilatagan ng banig na yari sa Buli na pinatungan pa iyon ng binakol na kumot.

Binigyan kami ng tig-isang kumot halatang bagong almirol matigas eh.

Na nooy mag aalas otso pa lang pero sa probinsiya ay halatang lahat kahit tanawin mo ang kabit bahay ay uumpisa nang matulog ang iba.

Kaya sinabihan kami na kung gusto na naming matulog ay pwede na.

Bagaman sila ay abala na parang nagra-rush ng project. Matapos isaayos ang higaan, sinampulan ng higa kung okay nga, napuwesto nga ako sa gilid at si Fely ay sa tabi ng sofa kay pinsan sa gitna si Mylene kasi daw malikot matulog.

Pero dahil sa totoo lang ako’y puyat di na ako umalis sa kinahihigaan ko pero ang dalawa Fely at pinsan ay sumunod kay Tiya.

Naiwan kami ni Mylene nagkukuwentuhan hanggang nakatulugan ko ang istorya.

SA baba Masaya din at tila nagkakapihan pa panunaw ika. Bigla may sumampal sa akin

“Bakiit?!!!” pabigla kong tanong na naalimpungatan,

“Lakas mo humilik” sabi at pati sa baba ay nagtatawanan at ako na pala ang subject ng topic.

Bali ulit ako at isinubsob sa unan ang aking mukha.

Hanggang lumalim ang gabi at lahat ay sadyang pagod na at namahinga na rin.

Kasarapan ng tulog ng lahat ng nararamdaman ko na parang may umuugoy sa akin.

Inisip ko na baka ina-aswang na naman ako ni Fely, kaso si Mylene pala

“Bakiit na naman” mahina kong bulong sa kaniya

“Di ako makatulog dahil sa lakas mo humilik” reklamo niya itinatagilid ako dahil nakatihaya na pala ako.

Sa tantiya ko ay mga alas 2 na ng magmamadaling araw iyon tuloy dahandahan ako’ng bumaba at para umihi.

Muli bumalik ako, napakatahimik liban sa mga kuliglig at mga palakang kokak na parang nanghaharana.

Pansin ko na alumpihit si Mylene at ang dalawa ay tila sarap na at malalim na ang nararating.

Ang Lihim (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon