𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏: 𝐓𝐡𝐞 𝐋𝐢𝐟𝐞 𝐖𝐞 𝐊𝐧𝐨𝐰... 𝐎𝐫 𝐒𝐨 𝐖𝐞 𝐓𝐡𝐨𝐮𝐠𝐡𝐭.

237 18 8
                                    

Orchids for missing someone. Pink Carnations for never forgetting. Gladiolus for faithfulness and remembrance. Heliotrope for eternal love.

All of these are the flowers Callista always brings to his grave. Always. She practically has a greenhouse just for those plants. Tatlong taon mula nung mawala si Ric nang magsimula syang magtanim ng kanyang sariling bulaklak. Kadalasan kasi, hindi kumpleto sa mga flower shop ang mga gusto nyang dalhin, so it was more practical to grow them on her own.

Callie smiled at the bouquet she put together. Kung nandito si Ric ay siguradong inasar na siya nito.

Paniguradong sasabihin ni Ric na, "Aww, Hon, you're so sweet. I feel so special."

Natawa siya sa naisip. "Special ka naman talaga, Ric eh. Hanggang ngayon, special ka pa rin sa akin." She said, placing the bunch of flowers atop his grave. Nakapagbukas na rin siya ng tatlong kandila.

"7:45am, this is approximately the exact time that you left us, Hon." she traced his name engraved on the marble. "Ang iniisip ng iba palagi ay 10:45 pero yun ay ang official declaration ng doctor na wala ka na talaga. And it's exactly the same day today, my love. You left us on a Good Friday, and twenty-two years later, heto tayo. Good Friday uli. Magkahiwalay pa din."

Hinayaan ni Callista na tumulo ang kanyang mga luha. Tanggap naman na niyang wala na si Enrique. Pero mahirap pakawalan ang mga ideya ng buhay na sana ay parehas nilang hinaharap at landas na sana ay magkahawak kamay nilang tinatahak.

"I never stopped loving you, you know?" she mumbled softly, wiping her tears away with the back of her hand. "Mula nung minahal kita, hindi yun nawala. Nagkahiwalay man tayo, kinuha ka man sa alkin ng kamatayan, nagkapamilya man ako-" napatigil sya ng hikbi. "That spot you owned in my heart is still yours, my Rico."

Nangiti siya sa sinambit niyang pangalan. Tawag nya ito sa kanyang nobyo tuwing lalambingin niya. O di kaya'y pag galit siya.

"Pero Hon, I'm refraining from talking about you publicly na. Dinadamay na nila yung mga bata eh. I will still go here. They can't stop me from visiting you. They can't stop me from loving you. But for now, I'll protect my kids from the public's hate. Galit pa rin kasi sila sa akin eh. Ako din. Galit pa rin sa sarili ko. Alam kong ilang beses na ako nagsorry—sorry na hindi ako sumama sa inyo, sorry na hindi ko nasagot ang mga huling tawag mo, sorry na... na hindi ako halos nasa tabi mo nung wake mo. I hope you know how much I wanted to be there beside you."

Nagsimula nang umatras si Callista. "Sa'yo pa rin ako. Pero if you don't mind, and I know you won't. I'll protect my kids for now. I love you, Rico." She smiled sadly, as if bidding farewell to her love again like she did the last time she saw him...

In his coffin.

"Kung totoo lang ang timetravel, Hon, babalik ako agad. Kahit hindi tayo ang magkatuluyan, iibahin ko ang takbo ng buhay mo. Pero hindi eh. Hanggang pangarap na lang ito. But I would, if I could." Taking a deep breath, she kissed her hand and put it over his name. "Babalik ako ha. Rest well."

Magaang ang pakiramdam ni Callista pagsakay niya ng sasakyan. Tahimik syang nagdasal para kay Ric at para sa kanya bago nagmaneho pauwi.

𝘽𝙪𝙩 𝙛𝙖𝙩𝙚 𝙬𝙖𝙨 𝙬𝙖𝙩𝙘𝙝𝙞𝙣𝙜, 𝙖𝙣𝙙 𝙨𝙝𝙚 𝙝𝙖𝙙 𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧 𝙥𝙡𝙖𝙣𝙨.

—---------

𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟐𝟗, 𝟐𝟎𝟎𝟐 // 𝟏𝟎:𝟒𝟓𝐀𝐌

𝙄𝙣 𝙖𝙣𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧 𝙪𝙣𝙞𝙫𝙚𝙧𝙨𝙚...

"Enrique! Ric! Ric!" halos pasigaw na si Derek habang kumakatok. Wala pa ring nagbubukas ng pinto kaya sinenyasan na nya ang katabing housekeeper na buksan na ang pinto. "Salamat po,"

Tumango lang ang babae at umalis na din again.

"Ric! Rico!" Sigaw nya habang tinatapik ng malakas ang hita ng kaibigan.

Sa mga mata nating nagbabasa ay alam natin ang nangyari. Ang aktor na si Enrique Salvacion ay hindi na gumising. Pero sa timeline na ito, tila iba.

Ric woke up. "Ano ba yun?" Pupungas pungas at inis na tanong nito sa kaibigan bago tumingin.

Derek looked rattled, habang hawak ang kanyang cellphone.

"Derek, anong nangyari?"

"S-Si Callie..." Paiyak nitong sabi kaya't napatayo agad si Ric.

"What happened?" Iba na agad ang kaba ni Enrique. Kung magbibiro ang kaibigan, wag naman sana ganito kaaga. "Derek! Tell me!" He shook Derek's shoulder.

Pagdating sa kanyang nobya, walang sasantuhin si Enrique. If possible, and if she asked, he'd move heaven and earth for her. Kaya ramdam na ramdam niya ang pagguho ng kanyang mundo at pagtigil ng kanyang puso nung sa wakas ay sumagot si Derek.

"Pare... si Callie... wala na si Callie. Naaksidente. Dead on arrival."



Author's Note:

— Okay, first chapter is done. Please let me know your thoughts. I would really love to hear what you think. I promise more will happen sa mga susunod na chapters. Thank you so much for reading!

Abyss - (An RYCB What Ifs Multiverse)Where stories live. Discover now