Second chance Part 2

12 1 0
                                    

SECOND CHANCE
(part2 of the campus crush and the commoner)

katulad parin ng dati wala paring pagbabago papasok sa eskwela, uuwi sa bahay pag tapos na ang klase, ang boring ng buhay ko may part ng puso ko na parang may hinahanap, Parang may kulang di ko naman ma figure out kung ano yun. I'am Juddy Ann Esperida the COMMONER,

Fourth year high school na ako ngayon, as usual papasok na naman ako sa school para mag aral, ewan ko ba kung bakit parang kinakabahan ako eh wala naman akong ginawang masama. Basta ang alam ko naglalakad lang ako papunta sa classroom ko, nabasa ko na kasi sa bulletin board ng school namin kung ano yung section ko. Section IV-Narra.

Binuksan ko ang pinto ng classroom namin at bumulaga sa akin ang magulo at maingay kong mga kaklase, tss. Para paring mga bata, One year na nga lang college na kami.

"Hi Jud, Dito ka umupo tabi tayo."Sabi sa akin ni Courtney, sabay tapik dun sa katabing bakanteng upuan. Naka-pwesto siya sa harapan, lumapit ako sa kanya at umupo dun sa bakanteng upuan na Katabi nya, sa left side ko naman may isa din'g upuan na bakante, bali napapagitnaan ako.


" kumusta ang bakasyon?"Tanong ko kay Courtney.

"Okay lang naman, kasama ko si Patrick buong bakasyon. Pinasama kasi siya ni dad sa probinsya eh."Kwento niya sa akin, si Patrick ang bf ni Courtney mag to-2 years na sila, Apat kaming magkakaibigan at masasabi kong sa aming magkakaibigan ako palang ang walang bf, sa kadahilanang ayaw pa ng mga magulang ko na pumasok sa kaharian ng pag-ibig.

"kayo gals, musta ang bakasyon niyo?" tanong ko kina Ashley at Blaire.

"Me, pumunta lang kami ng family ko sa disney land sa hongkong hiniling ko kasi kay daddy na gusto kong pumunta dun."Said Ashley.

"Ako naman, umuwi kami ng family ko sa probinsya nina mommy."Sabi naman ni Blaire, nasa likod namin silang dalawa ni Ashley.

"how about you, Jud?"sabay-sabay nilang tanong sa akin.

"Ah m-me? Nasa bahay lang ako the whole vacation."Malungkot na sabi ko.

"what?! nasa bahay ka lang sa buong baskayon?"Sabay-sabay nilang sabi sa akin.

"paano mo naman na enjoy ang bakasyon mo, Jud?"Di maka paniwalang sabi ni Courtney.

"yun na nga eh, nakakainis. Buti pa kayo na-enjoy niyo ang bak-- hey, nakikinig ba kayo sakin?! Nakakainis naman oh, nagsasalita ako dito tapos di naman kayo nakikinig!"Inis na inis kong sabi, ang ayaw ko kasi sa lahat ay pag Nagsasalita ako tapos di naman ako pinapakinggan.

Sabay-sabay silang bumaling sa akin na para bang di makapaniwala habang naka bukas pa ang bibig pero agad namang isinara ng makabawi.

"hey Jud, look!"Sabi ni Courtney sabay balik ng tingin sa pintuan kung saan kapapasok palang ng tatlong lalaking parang nagkakatuwaan. Unang pumasok si Arnel Delos reyes kasunod si Justin Geronimo at...

at...

wait! Am I hallucinating?! Totoo ba talaga to?! Andito na siya uli! Di ako makapaniwala, pumasok siya sa room namin nang nakangiti. Biglang tumahimik ang buong room namin ng pumasok siya o baka naman guni-guni ko lang yun.

umupo siya sa chair na nasa tabi ko na para bang di ako napapansin ka Pansin pansin ang kagwapuhan niya, Grabe wala parin siyang ipinagbago. Nakaka inis lang isipin na kung sinagot ko lang siya noon siguro kami parin hanggang ngayon.


Nasa likod namin ang dalawang kaibigan niya umupo, katabi nina Ashley. Pinagmasdan ko siyang maigi habang kinakausap niya ang dating kaibigan niya noong dito pa siya nag-aaral.

natigal ako sa pagtitig sa kanya ng pasimple ako pinoke ni Courtney.

"Paano na yan? Andito na siya uli at seatmate pa kayo."Bulong ni Courtney.

Sasagot pa sana ako pero biglang pumasok si Mrs. Damian ang well-known terror teacher sa buong campus.

"Oh shit! Siya ang magiging Adviser teacher natin?"bulongan ng mga Classmates ko.

"Kainis! Bakit di pa nag retire ang matandang hukluban na yan?!"Hirit pa ng isa ko pang kaklase.

"QUITE! ANG IINGAY NYO!"Sigaw ni mrs. Damian sa harap sinabayan pa ng hampas sa mesa. "Siguro naman lahat kayo kilala na ako dito. So no need to introduce myself, at dahil sa mabait ako di ko na kayo bibigyan ng sitting arrangement. Yan na ang permanent seats niyo 'til the end of the school year. And blah blah blah..."Dami pa niyang sinabi pero di ako makapag concentrate dahil katabi ko SIYA! Shit first day of school pa lang ito ng epekto niya sakin.

(One-Shot) Second chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon