Simula

2 0 0
                                    

“What is the smallest part of an element, then?” Melly asked yanna.

Umiling na lamang ako sa pagbabangayan ng dalawa.1

“What?!” Natatawang ani ni yanna.

“Gosh girl! You don't know?” Sagot naman ng isa.

Umiling nalang ako at tumingin sa kawalan. Ano kaya ang mangyayari sakin kung sinunod ko ang mga sinabi nila mommy at daddy? They want me to take law. But I refused.

“Sandra!”

Agad akong natauhan ng narinig ko ang malakas na boses ni yanna. Kami nalang palang dalawa ang andito dahil mukhang sinundo ma si Melly ng kanyang driver.

“Bakit?”

Tumingin siya sa likuran ko at sinundan ko iyon.

“K-Kuya? Why are you here?” Kinakabahan kong tanong dahil sa sama ng titig nya sakin.

“Ako dapat ang magtanong nyan diba?” Tumingin siya sa likuran ko kung nasaan si yanna. I held her cold and shaking hand.

Umiling ako. Takot na masumbong kina mommy at daddy. They don't like yanna and melly, dahil baka daw gumaya ako sa kanila na nagiging pabaya na sa pag-aaral (Which is not true).

“K-Kuya-”

“Why are you two are still here? Diba dapat ay nakauwi na kayong dalawa?”

His eyes softened when he saw me almost crying.

He sighed. “Sandra, mauna kana doon.”

Nagpaalam muna ako kay yanna bago naglakad papuntang sasakyan. Hindi kalaunan ay bumalik na si kuya.

“Where's yanna?” I asked, a bit nervous.

Hindi siya sumagot kaya tinikom ko nalang ang bibig ko. Ayoko ko ng magtanong dahil baka makatanggap na naman ako nito ng sermon.

“Bakit hindi ka nagpasundo kay manong?” Medjo pagalit na tanong ni kuya.

Hindi ako nakasagot. Kahit valid naman yung rason ko para hindi makauwi ng maaga ay se-sermonan pa rin naman nila ako. Useless pa rin kung sasabihin kong may project kaming ginagawa kanina at kailangan talaga taposin ngayong araw.

“Why aren't you answering me?”

“Tss…” I whispered.

Tanaw ko na ang malaking gate namin dahil malapit na kami. Sa labas ay hindi mo makikita ang kabuoan ng bahay dahil mataas at matayog ang pagkakagawa ng pader. Mula sa gate namin ay malayo-layo pa ang aming bahay.

Nang nipark na ni kuya ang sasakyan ay lumabas na kaagad ako. Hindi pa nga ako nakakahakbang ay agad na niya akong pinigilan.

“Hindi ko sasabihin kina mom at dad. Just don't ignore your kuya…”

I nodded. Nauna ng maglakad.

“Sandra, Kakasabi ko lang diba?”

“Tss… Kahit kailan kuya, napaka annoying mo!” Sabi ko sabay irap.

Inakbayan nya ako at sabay kaming pumasok sa loob. I stopped when I saw mom and dad talking to a guy. He's tall, tanned skin, may kulay itim na hairtie sa kanyang wrist.

“That's Oliver.” Sabay turo nya sa lalaking kausap nila mommy at daddy.

Tumango ako. Sinusuri parin ng mabuti ang lalaki.
He has a perfect jawline, matangos na ilong, mahabang pilik mata, thick eyebrows, pinkish lips, and a veiny hands.

But I don't care about him. I don't even know him.

“Oh hija, Andito kana pala.” Tumango lang ako sa kanila at nakipagbeso.

“By the way, Cassandra this is Oliver. Oliver this is Cassandra.” Peke akong ngumiti at nakipag kamayan.

“Nice to meet you, Cassandra.”

“Yeah, me too.”

Pagkatapos ng pakikipag kamayan ay dumiretso na agad ako sa aking kwarto. Hindi na ako bumaba para sa hapunan dahil magpapahatid nalang ako.

Nakatulog ako ng hindi man lang hinubad ang medjas ko. Nagising lang ako ng may kumatok.

“PASOK!” I shouted.

“Here's your food, baby…” Si mommy.

“Pakilagay nalang ho sa mini table ko, mom.”

Naramdaman kong umupo siya sa kama ko. Alam ko na agad kung saan patutungohan ito.

“Mom, I don't want to!” Sinabi ko agad ang palagi kong sinasabi sa tuwing kinukumbinsi niya akong mag study ng law.

“Hija, Your brothe-”

Pinutol ko agad si mommy.

“Nag aral sila kuya ng law kaya dapat ako din?!” Nanginginig ang boses ko na sabihin iyon. “Bakit mommy? Hindi porke’t law din ang kinuha nyo noong college, law na rin ang kukunin ko?”

Galit ako sa kanila. Hindi ba pwedeng desisyon ko muna ang susundin ko? Bakit palagi nalang sila? Bakit puro desisyon nila ang palaging masusunod? Kung sila kuya ay kaya silang sundin, pwes ako hindi!.

“My, Hindi naman sa lahat ng panahon kayo ang masusunod sa lahat. May sarili din naman kaming desisyon, May sarili din akong desisyon.” Humihikbi kong saad. “Mommy, Hindi ba pwedeng sarili ko muna yung susundin ko, please?”

Halos hindi ko na makita ang mukha ng mommy ko dahil sa sunod-sunod na patak ng luha sa aking mata. Bakit? Bakit sila nalang palagi ang nasusunod?

“Hija, Hindi naman sa ganoon pero kasi-”

Parang dumaloy lahat ng dugo ko saking mukha sa sobrang galit.

“My, pwede ba?” Mahinahon kong saad. “Pagod na pagod na ako sa lahat my. Ayokong magtanim ng sama ng loon sa inyo ni daddy pero kayo mismo eh. Mismo kayo. Mismo kayong mga magulang ko!”

Tumalikod ako at umiyak ng tahimik. Pinipigalang hindi magkaroon ng ingay. Narinig kong sumirado ang pinto. Doon lang ako nakakuha ng pagkakataon na humikbi ng malakas. Parang malakas na ulang pumapatak ang mga luha ko sa pinaghalong galit at sakit.

“PUTANGINA!” Sigaw ko. Lahat ng mga gamit na nakikita ko ay tinatapon ko sa kung saan. Pati ang malaking salamin ko ay nabasag ko na.

Agag akong lumuhod at pinulot ang mga piraso ng nabasag na salamin. Nanginginig pa ang mga kamay ko ng pinulot iyon lahat. Nagsimulang dumaloy ang mga dugo mula sa mga kamay ko. I started hurting myself at hindi ko man lang naramdaman ang sakit.

Pati tuhod ko ay may dugo narin sa pagkakaluhod ko. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa wala na akong maramdamang luha saking mukha. Humahapdi na rin ang mga mata ko dahil sa kakaiyak.

Agad akong napaangat ng tingin dahilan kung bakit itinago ko ang aking dalawang kamay.

“Sandra, Anong nangyari?” Natatarantang saad ni kuya liam sakin.

I shook my head. Isa-isa na namang pumatak ang mga luha ko.

“Baby, What happened? hmm?” Malambing na tanong ni kuya liam sakin.

Humikbi lang ako ng humikbi sa mga bisig na aking kuya. Kinuha nya ang nakatagong mga kamay ko at tinitigan ito. Pati ang wrist ko ay hinawakan nya.

“Anong nangyari sa bunso ko at bakit niya sinasaktan ang kanyang sarili? Anong nangyari bunso? Kinukulit ka pa rin ba ni mommy?”

Hindi ako nakasagot sa mga tanong ni kuya liam. Niyakap niya lang ako at marahang hinhaplos ang aking likod.

“I just wanna die, kuya…”




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In God's PlanWhere stories live. Discover now