Warning: This chapter contains some inappropriate and brutal scene such as deaths and monsters.
Third Person's Pov
Malakas ang simoy ng hangin sa bawat sulok ng akademya. Ang mga istudyanteng hindi makalalaban ay binabaybay ang daan patungo sa kanilang dormitoryo. Pinoprotektahan sila ng Alpha Centauri na siyang determinado sa iniatang sa kanilang utos ng headmaster.Ang lupa ay nanginig sa ilalim ng pagsalakay ng mga kalaban. Ang mga estudyante at mga propesor ay patuloy na lumaban, ang kanilang mga mahika at sandata ay kumikislap sa dilim habang hawak nila ang mga katanungang wala pa ring kasagutan.
Habang tumitindi ang sagupaan, ang mga lumalaban para sa akademya ay nanatiling matatag, subalit alam nila sa kanilang mga sarili na hindi maglalaun ay mawawala rin ang kanilang lakas at walang nakasisiguro kung magagawa ba nilang maubos ang kalaban bago sila tuluyang manghina.
Makikita naman ang kakaibang paghaharap ng mga Arachne at ng Sirius Knights. Nakatitig silang lahat sa dalawang dambuhalang mga Arachne. Mas malaki ito kumpara sa kanilang mga nakakalaban nila.
Walang pag-uusap ngunit tila naunawaan nang mga kagrupo nina Eos at Norn ang dalawang malalaking kalaban ay para sa kanila lamang at nais nilang sila lamang ang humarap dito. Minabuti na lamang nina Zeno na suportahan ang dalawa at huwag hayaang makasagabal ang iba pang mga Arachne sa magiging laban.
Habang ang buwan ay nagliliwanag sa langit, ang isang parte sa Chantara ay tila naging entablado para sa isang labang susubok sa lakas ng bawat panig. Ang Arachne na may nagliliwanag na pulang mga mata, makamandag na mga pangil at mga galamay, at walang malay na katawan ng babae sa ibabaw, ay siyang sumugod kay Norn na puno ng kamatayan.
Subalit si Norn, isang sorceress ng tubig, ay nanatiling nakatayo at hindi matinag na mga mabibigat na titig. Sa pagwaksi niya ng kaniyang kamay ay tinawag niya ang kapangyarihang tubig upang ito ay tumaas at umikot sa kaniya bilang proteksyon.
Hindi nagpapatinag, ang Arachne ay nagpakawala ng isang kumpol ng sapot na umatake patungo kay Norn tulad ng isang anino na naghahanap upang mahuli ang biktima nito. Ngunit ang utos ni Norn sa tubig ay ganap at maytibay.
With a focused gaze, she willed the waters to surge forth in a torrential wave, crashing against the web and washing it away in a rush of elemental fury.
×××××××××××××××××××
Ang Arachne naman na kaharap ni Eos ay mabilis na sumugod sa kaniya. Tumutulo ang makamandag na layaw nito at tila sumasayaw ito sa ilalim ng buwan na naglilikha ng mga aninong may mabilis at di masundang galaw.
Si Eos ay nanatiling nakatayo sa kaniyang kinalalagyan at makikita ang galit sa kaniyang mga mata, habang ang mga kamao nito ay may mga apoy na tila ay sumasayaw kasama ng hanging tila ay gutom sa laban.
Nagagalit siya sa delubyo na nangyayari dahil na rin sa kaniyang mga nalaman kanina. He's hair flickered with the flames of his fire magic. His eyes reflecting the flickering flames that danced around him.
With a swift gesture, he unleashed a torrent of fire that spiraled and twisted towards the Arachne with searing intensity. Ngunit hindi nagpapatinag ang Arachne, at umiwas ito bago nagpakawala ng kaniyang makakapal na sapot.
But an imperial prince is not to be underestimate, he directed the flames to surge forth in a blazing inferno, engulfing the Arachne in a whirlwind of scorching heat and crackling energy. Kaya niya gumamit nang mas mainit pang apoy ngunit, madadamay na ang mga malapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Eternity's Lie 1: Knight's Tale
FantasyNorn, a seventeen years old lady, have a life full of mystery. Everyone wonders if she can even feel emotion. Simula ng matapos ang 4th phenomenon ay nawala na rin ang kakayahan niyang makaramdam. Ngunit nawala nga ba ito? O sadyang inilayo niya lam...